4 - Lunch time

10.5K 275 16
                                    

I'll edit this pag may time. Okay? Sa ngayon, pagtyagaan niyo muna.

---------------------------------------------------

4 - Lunch time

Asar! Katatapos lang ng dalawang subject namin at break time na namin. Nakita niya na ako kanina kasi isa-isa na kaming pinapunta sa unahan para ipakilala ang aming sarili.

Pero iniiwasan ko siyang tingnan!!!

At eto nga, kandaripas na ako ng labas sa room namin (para hindi ako mapansin ni Silver) at naghahanap ako ng lugar na pwedeng pagkainan. Nakakahiya kasi, ako lang yata ang may baon dito.

"Bahala na nga. Pwede naman siguro dito." Pumwesto ako doon sa bench pero maya-maya'y nilapitan ako ng isang guard nung naglabas ako ng pagkain. Sabi niya hindi daw ito ang tamang lugar para kumain. Tsk. Arte.

"Mukha kang problemado."

Silver... Jusko!!! Pinapainit mo lalo ang ulo ko!

"Tara, kain tayo sa labas. Treat kita."

"Wala akong paki kahit treat mo pa. Hindi ako sasama sayo." Nilagpasan ko siya at mabilis na naglakad.

"Edi ako ang sasama sayo kung ayaw mo sa'kin."

...kalma, Angel. Kalma.

"Wag mo akong sundan."

"Wala kang magagawa, gusto ko eh." Hay! Naku po!

"Lubayan mo nga ako!"

"Lulubayan lang kita kapag sumama ka sa'kin ngayon."

"Tsk. OKAY FINE!" Para matapos na agad 'to!!!

So ayun, nauna na akong maglakad sa kanya papalabas ng university na 'to. Bawat pagdaan ko nga eh tinitingnan ako ng mga babae--ay mali, si Silver pala. Alam mo 'yun? Parang kumikislap 'yung mata nila tapos automatic silang ngingiti at magpapa-cute. Madami yatang malanding babae dito.

"Hi! What's your name? Gusto mong sumabay sa amin ng friends ko?" Okay, narinig ko 'yun. May babaeng lumapit kay Silver at kinausap siya.

Kung sasabay siya, doon siya sa babaeng 'yun. Wag sa akin.

"Sa parking lot tayo, Angel. Nandoon 'yung sasakyan ko."

"T-teka, nasaan 'yung babae?"

"Sinong babae?"

"Y-yung..." Nilibot ko ang tingin ko at napansin ko ang grupo ng mga babae na matalas ang tingin sa akin. Oh great. Just great. Mukhang hindi sila pinansin ni Silver at naiinis sila sa akin. Baka napagkamalang girlfriend.

Yuck! Ex lang ako! Hindi ko na siya boyfriend at hinding-hindi ko na siya magiging boyfriend!

"Sino ba 'yung babaeng tinutukoy mo?"

"Wala, never mind. Tara na doon sa parking lot at nang matapos na agad 'to."

Nang makarating kami sa parking lot ay nilapitan niya agad 'yung kotse niya. Bagong kotse na, hindi 'yan 'yung kotseng sinasakyan ko dati.

Pati rin pala ang kotse, nagbago na GAYA NIYA.

"Sige na, pasok ka na." Gentleman talaga! Ni hindi ako pinagbuksan ng pinto! Sabagay, ano bang aasahan ko? Bastos naman 'tong lalaking 'to eh.

Pumasok na rin siya sa loob at nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at...

...hinalikan ako sa pisngi ko!!!

"Bastos ka! Bakit mo ginawa 'yun!" Sinuntok-suntok ko siya pero hinayaan niya lang ako.

"Ang alin? Sinuot ko lang naman ang seatbelt mo sayo ah?" naka-ngisi pa ang walangya.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now