1 - He's back

11.3K 292 23
                                    

dedicated to her kasi parati siyang nagko-comment.

----------------------------------------------------------------------

1 - He's back

Angel's POV

"Kuyaaa!!!" Umaygash! Umaygash!

"Oh anong problema?!" sabi niya habang natataranta. Baluga talaga.

"Hindi ka maniniwala pero..."

"ANO?"

"Nakapasa ako sa BRU!!! Ang sayaaa!!!"

"Black Royale University?" Tumango-tango ako ng ilang beses sa kanya. Sobrang saya ko ngayon! Akala ko talaga hindi na ako makakapasa!

"Scholar ako, kuya! 80% 'yung hindi natin babayaran doon! Ang swerte swerte ko!"

"Hindi nga? Seryoso ka ba?"

"Oo nga! Bakit ba ayaw mong maniwala?!"

Ngumiti siya, "Galing mo ah, hindi ako nakapasa doon dati."

"Swerte kasi ako."

"Talagang ang swerte mo at siguradong matutuwa si mama. Ang ganda ganda kaya ng univeristy na 'yun! Nasaan ba 'yung letter na nagpapatunay na nakapasa ka?"

"Eto oh," Inabot ko sa kanya 'yung letter at mas napangiti siya sa nakita niya.

"Talagang gusto mo ang course na business ad ha? Ano bang itatayo mong negosyo balang araw?"

"Gusto ko magkaroon ng sariling coffee shop! Mas maganda siguro kung...'Angel's coffee shop'!"

"Ay nako, walang bibili."

"Ewan sa'yo!" Tinawanan niya lang ako. Hmp! Hindi ko naman siya papapasukin sa coffee shop ko!

Anyways, ang Black Royale University o BRU ay isa sa pinakamagandang university dito. Gusto ko ditong makapasok na noon pa kasi balita ko, maganda daw ang turo at halos kumpleto na lahat maging sa facilities. Tumigil nga ako ng isang taon para lang tumulong kay mama na magtrabaho. Sabi niya kasi, mag-ipon muna daw kami kung gusto ko daw talaga doon kaya ayun, nakapag-ipon naman kami kahit papaano at ang swerte ko pa dahil 80% ng tuition fee ko ay libre. Haha!

"Oh ayan, kumpleto na gamit mo. Nakapag-enroll ka na din. Kulang na lang eh pumasok ka." sabi ni mama sa'kin habang inaayos 'yung gamit ko. Isang notebook na cattleya lang at isang bag na kulay brown and the rest is books and ballpens.

"Oo nga po eh. Salamat po ng marami, mama."

"Salamat din sa'yo. Dapat pag-igihan mo ang pag-aaral ha? Kung maaari, hanggang crush ka lang muna."

"Ma, naman."

"Biro lang. Hindi naman kita pinagbabawalan uli mag-boyfriend. Ang sa akin lang, ayokong makitang umiiyak ka."

"Hay nako, dyan ako naiiyak sa sinasabi mo ma eh."

"Oh siya tigil na nga 'to. May plastic bag ng basura doon sa likod-bahay natin, itapon mo muna."

"Okay po,"

Natutuwa talaga ako tuwing nililibot ko itong bahay namin. Lumipat kasi kami noong nakaraang buwan dito. Mas malaki ito at mas malinis kumpara doon sa isa naming bahay. Nabili ito ni mama kasi may labis pa siyang pera para doon sa gastusin namin at may naipon siyang pera pambili ng bahay. Ibig sabihin, patunay lang iyon na nakakaangat na kami sa kahirapan. "Nasaan kaya si kuya? Bakit hindi pa niya itinatapon itong basura? Siguro, tinamad na naman."

Lumabas ako ng bahay. Ang daming tao sa labas.

Hmm...normal lang naman na maraming tao sa labas pero bakit parang puro chismisan?

"May bagong lipat daw dyan, mayamang pamilya."

"Eh kung mayaman, bakit hindi sa mansion?"

"Eh tatatlo lang naman sila eh atsaka malaki rin naman 'yang bahay."

"Wag nga kayong maingay, nandyan lang 'yung mag-asawa sa kotse. Lumabas 'yung anak yata nila kanina pa."

"Chismosa ka talaga! Ang bilis mong nakita!"

Hindi sinasadya ng tenga ko na makinig. Dami kasing mga usisero at usisera kaya nakaka-curious. Sa totoo lang, katapat lang namin 'yung bahay na inuusisa nila. Subdivision kasi ito kaya 'yung ibang bahay magkakatapat talaga.

"Bagong lipat? Haaay, sana mabait." Pero mayaman eh, baka masungit.

Teka--bakit ko ba pinoproblema 'yun?!

"Honey, pakihanap naman nung bag ko sa kotse."

"Okay,"

Shet. 'Yung boses na 'yun, kilalang-kilala ko! Hindi naman siguro ako nababaliw ano?!

PERO SANA NGA NABALIW NA LANG AKO!

Unti-unti akong lumingon doon sa bagong kapitbahay namin.

O-M-G.

"Jusko, bakit nandito sila?" Si tita Lory at si tito Grey nga! Anong ginagawa nila dito?! Wag mong sabihing sila 'yung bagong lipat?!

At kung mamalasin nga naman,

NAPATINGIN PA SA AKIN SI TITO GREY!!!

Whooo! Takbooo! Bwisit! Hindi nga ako nagkamali sa nakita ko! Silang sila nga talaga 'yun! Natataranta ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya kung saan-saan ako lumiko para lang makalayo sa kanila at kung mamalasin ka nga naman sa ikalawang pagkakataon, nakabunggo pa ako.

"Ayos ka lang miss? Mukhang nagmamadali ka ah?"

Lupa, please eat me RIGHT NOW. Mabilis na nangyari ang kinatatakutan ko. Nakabunggo ko siya. Nakaupo ako sa sahig pero nakatungo ako. Nakikita ko lang 'yung suot niyang sapatos.

Si Silver, nasa harapan ko.

"Ayos lang. Bye!"

"Sandali lang miss!" Please. Wag mo sana akong habulin.

At buti na lang, hindi niya ako hinabol. Pero narinig ko 'yung pagsipol niya at 'yung huli niyang sinabi "Wow, nice ass. Ang sexy. Mahahawakan ko rin 'yan."

"Leche ka. Manyak ka pa rin kahit kailan." sabi ko habang tumatakbo.

Nagbalik siya makalipas ang isang taon. Bwisit.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now