21 - Trust me

4.7K 121 6
                                    

21 - Trust me

Silver's POV

"Angel, nandyan ka pala." I act na parang walang nangyari. "Sorry, hindi kita naisabay kanina. May ginawa kasi ako."

"O-okay lang. Hindi ka na ba galit sa'kin?"

"No, no. Hindi ako galit. Sorry sa nangyari kahapon. Nagkaroon kasi ng problema si dad kaya nawala ako sa mood."

"Ah gan'on ba?"

Sorry, Angel. Hindi ko muna pwedeng sabihin sa'yo. Kailangang maayos ko muna 'to.

"Hi, Angel."

"Lala,"

Tsk. Sumunod pa 'tong babaeng 'to.

"May pinag-usapan lang kaming importante ni Silver kaya kami magkasama."

"Ah hindi, o-okay lang. Wala namang malisya 'yun."

"Thank you. By the way, ibibigay ko lang 'to sa'yo." Napansin kong may kinuha siya sa bag niya at inabot niya kay Angel, "Invitation card 'yan para sa nalalapit kong debut. Napag-usapan din namin 'yan ni Silver, sabi niya pupunta siya."

What?!

"Silver, make sure na kasama mo si Angel ha?" Ngumiti siya sa'kin at naintindihan ko na agad ang ibig sabihin nun.

Blackmail.

"Bye. See 'ya later." 

Shit. Bwisit na pangba-blackmail 'yan.

"Hindi ko akalaing pupunta ka. Diba hindi ka naman mahilig sa mga ganitong party?"

Badtrip! Anong gagawin ko ngayon?!

"Silver?"

"H-ha? I'm sorry?"

"Sabi ko, bakit pumayag ka? Hindi mo naman tipo 'yung mga sosyal na party, diba?"

"W-wala lang. Naisip ko lang na hindi naman masamang pumunta pero sa totoo lang, nagda-dalawang isip din ako."

"Edi pumunta tayo. Ikaw na nga nagsabi, wala namang masama."

Hindi ko sigurado, Angel.

Angel's POV

Tulala lang ako sa ilang subjects ko. Ewan ko ba pero hindi pa rin ako mapalagay sa nakita ko kanina. Malaki ang tiwala ko kay Silver pero pakiramdam ko may tinatago siya sa'kin. Napansin ko ding iba 'yung aura ni Lala kanina habang kausap niya si Silver.

Parang may mali...

Hindi ko pa sigurado kung meron nga pero sana malaman ko agad. Kung may problema man si Silver, dapat sabihin niya agad or kung may mali man, pwede naman siyang magkwento sa'kin. Baka matulungan ko pa siya. Atsaka girlfriend niya naman ako.

Haay... Napa-praning lang ba ako?

"Angeeelll!!!" Kalalabas ko lang sa room nang biglang may yumakap sa'kin sa likod.

Alaman na kung sino.

"I miss you!"

"Deborah, ilang araw lang tayong hindi nagkita."

"Eeehhh kahit na! Everytime na nakikita kita, si Silver ang kasama mo. I'm so jealous!"

"Nagseselos ka?"

"Oo! Nagseselos ako kay Silver! Kasi ang swerte niya, nabibigyan mo siya ng maraming time samantalang ako hindi. Ang unfair sa'kin!"

"Haha. Pasensya na."

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now