19 - Jealous

4K 127 11
                                    

Warning: UNEDITED!!! SHORT CHAPTER!!! Sabaw na update!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

19 - Jealous

Deborah's POV

"Pwede ba ibaba mo na ako?" iritang sabi ko sa lalaking katabi ko na nagda-drive ngayon.

Kanina ka pa kami nakaalis at kanina pa rin ako nakasimangot pero hindi niya ako pinapansin.

Badtrip! Kung kelan nag e-emote ako, saka pa 'to nangyari!

"I'm sorry, Princess. Papayagan lang kita umalis once na nagawa ko na 'yung sinabi mo."

"Ugh! My god! I can't believe na gagawin mo talaga!" I calm myself down. "Please, wag mo na lang pansinin kung ano man 'yung sinabi ko and don't call me P-princess."

"Why? Akala ko sanay kang tinatawag na--"

"Tsk. Nevermind. Basta ibaba mo na ako or else I'll call the police!"

"Hmm? What did you say?"

Aargh! Nakakainis na talaga!

"I MEAN IT! TATAWAG TALAGA AKO NG PULIS!"

"Oh, finally, here we are."

Huh?

Ipinara niya na ang sasakyan at bumaba na siya. Pinagbuksan din niya ako ng pinto at iritang tiningnan siya.

"So, what now?"

"Let's go inside."

"Huh?"

Tinuro niya 'yung bandang kaliwa namin at doon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng isang malaking church.

So, dito pala niya ako dinala.

"Let's go?"

"No, hindi ako papasok. Aalis na ako."

"Why? Tahimik at maganda sa loob. Diba 'yun naman ang gusto mo? Kaya, tara na." Sinubukan niya pa akong hilahin pero binawi ko agad 'yung kamay ko.

"You know what? Kanina pa ako naiinis sa'yo! Hindi mo ba napapansin?! You're so annoying! Hindi naman tayo magkakilala pero napaka feeling close mo!"

"Deborah,"

W-wait, how did he know my name?

"Where are you going now? Babalik ka sa park?"

"S-so what?! Wala kang paki!"

He sighed, "O sige, hahayaan kita. Hahayaan kitang panoorin ng mga tao doon na mag-isa at malungkot. Hahayaan din kitang pag-usapan nila at magmukhang ewan. 'Yun naman talaga siguro ang gusto mo diba? Sige, iiwan na kita."

Naglakad na siya pero bago siya tuluyang makapasok, 

"Pero kung magbabago man ang isip mo, nandito lang ako."

Argh! I hate him!

"O sige, hahayaan kita. Hahayaan kitang panoorin ng mga tao doon na mag-isa at malungkot. Hahayaan din kitang pag-usapan nila at magmukhang ewan. 'Yun naman talaga siguro ang gusto mo diba? Sige, iiwan na kita."

Nakakainis! Bakit nagdadalawang isip ako sa sinabi niya?!

Kung nandito lang sana si Angel...

"So, bumalik ka."

"Tsk. I guess I have no choice." 

In the corner of my eye, napansin kong tiningnan niya ako pero nakayuko lang ako. Wala akong paki kung ano man ang gawin niya basta magpapalipas muna ako ng oras dito. 

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now