12 - Rienn's birthday

7K 191 35
                                    

12 - Rienn's birthday

"Talaga? May regalo ka sa kanya?" tanong ko kay Silver. Sabi niya kasi sa'kin nakabili na siya ng regalo para kay Rienn. Hindi ko naman ine-expect na magbibigay siya.

"Oo. Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Akala ko ba...inis ka sa lalaking 'yun?"

"Mas maganda na magbigay ako sa kanya kaysa naman sa wala. Baka kung ano pa ang masabi niya sa'kin sa party."

"Ah oo nga naman."

Tinanong ko sa kanya kung ano 'yung ireregalo niya at ipinakita niya sa'kin ang isang magandang relo. Para namang nahiya 'yung regalo ko sa kanya. Mayaman kasi siya eh. Wala akong magagawa.

"Anong sa'yo?"

"Pabango lang. Cool water pero hindi gan'on kamahal."

"Ako na lang sana ang ibinili mo."

"H-hindi mo naman birthday eh."

"Oo nga. Sandali lang, magpapalit lang ako." Pumunta siya sa kwarto kaya naiwan ako. Ipinagbilin kasi ako ni kuya kay Silver kasi bukas pa siya ng gabi makakauwi at si mama ay may night shift kaya ako lang ang mag-isa sa bahay. Masyadong malaki ang tiwala ni kuya sa manyak na 'yun kaya basta-basta niya na lang akong hinahayaan kay Silver.

"I'm done. Hindi ka pa magpapalit?"

"Ni-lock kaya ni kuya 'yung bahay! Wala naman sa'kin 'yung su--" Teka...

"What?"

"A-alam ko 'yang shirt na 'yan." Kung hindi ako nagkakamali ay "'Y-yan 'yung regalo ko sa'yo noong birthday mo? B-bago tayo mag-break?"

"Oo, lagi kong sinusuot 'to kahit sa Korea. It's really comfortable." 'Yung shirt na 'yun ay 'yung kulay blue na may happy face sa gitna.

"D-diba itinapon mo 'yan sa basurahan?"

"Syempre palabas ko lang 'yun. Kinuha ko agad 'to nang umalis ka." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Ah eto na lang suotin mo pansamantala." May hinagis siya sa'king damit at short, "Kay mom 'yan. Parehas naman kayong payat kaya baka magkasya sa'yo."

"W-wag na! Baka kung ano pa ang sabihin ni tita Lory!"

"Angel?" Narinig ko ang boses ni tita Lory at bigla siyang pumasok kasama si tito Grey.

"Ah tita, tito...hello po."

"Pinilit ka ba ni Silver dito?" tanong ni tito Grey.

"H-hindi po. Ano po kasi..." Pinaliwanag ko sa kanila ng buo kung bakit dito ako nakatigil at mukhang naintindihan naman nila 'yun. "Pasensya na po talaga."

"Naku, wala 'yun! Welcome na welcome ka naman dito kahit anong oras. May damit ka ba? Papahiramin kita." tanong ni tita.

"Uhmm...pinahiram po sa'kin 'to ni Silver." Pinakita ko 'yung hinagis ni Silver sa'kin kanina at napatango siya.

"Sige, magpalit ka na. Silver, ituro mo naman 'yung guest room sa kanya. Wag na wag kang maninilip sa kanya ha?!"

"Tss. Yes, mom."

Sinundan ko siya hanggang sa umakyat kami sa ikatlong palapag. First time ko lang makapunta dito sa 3rd floor kasi doon lang naman kami lagi nakatambay sa salas kapag tuwing pinapapunta ako ni Silver dito.

"Dito ka magpalit." Pumasok kami sa isang kwarto at nakita ko ang isang single bed na kulay puti. May maliit na mesa sa tabi nito at doon nakalagay 'yung lamp. May drawer rin na sakto lang 'yung laki at may TV sa bandang dulo. May aircon pa at halatang wala pang nakakagamit dahil sa linis.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now