23

4.2K 120 7
                                    

Warning: Lame update! Atsaka pagpasensyahan niyo na ung POV ni Silver dito. Puro bad words.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

23

"Ahhh...ang sakit ng ulo ko." nasabi ko na lang habang nakahiga ako sa kama.

Wala kaming pasok today. Katatapos lang ng midterms namin at ngayon ay masama ang pakiramdam ko dahil masyado akong nag-focus sa pag-aaral. Mas nagkaroon ako ng time sa pag-aaral dahil hindi ko na masyadong nakakasama or nakakausap man lang si Silver. Syempre mas matindi 'yung kanya. Kasali siya sa club, vocalist tapos leader pa siya ng banda, kailangan din niyang mag-aral tapos dapat may time din siya sa family niya.

Haay...buhay nga naman oh. Gusto ko nang maka-graduate para matapos na ang paghihirap ko sa school. 

Pero kumusta na nga kaya siya? Sabi niya kasi, siya ang unang magte-text kapag hindi na siya busy pero ilang araw na nakalipas, wala pa rin. Noong isang araw nga, hinintay ko siya sa bahay nila pero inabot na ng gabi, wala pa rin. Ang sabi lang nila tita Lory, 11 na daw ng gabi nakauwi. 

"Knock, knock! Papasok na po ako!" Oh. Nandito na naman siya.

"Talagang sa'kin mo inuubos ang oras mo, Deborah?"

"No, it's just that may ikukwento lang ako sa'yo." kinikilig na sinabi niya at tumabi sa'kin.

Wala si mama ngayon kasi may duty siya at si kuya naman ay makikitulog sa kaklase niya kaya alone lang ako dito. Pero naging habit na yata ni Deborah na pumunta dito at magdala ng kung anu-anong pagkain. Sanay na siya. Feel at home palagi.

"Anong ikukwento mo? Tungkol saan?"

"Kay Denver Kei Chua!!!" at pagkatapos ay pinanggigilan niya 'yung unan sa sofa. "Oh my! Ang dami ko nang alam sa kanya!"

"Talagang gusto mo na siya 'no?"

"Yup! You know what? Wala pa siyang girlfriend!"

"Talaga? Then, chance mo na 'yan." Kinuha ko 'yung marshmallows na dala niya at kinain ko ito.

"Yeah! Pero hindi pa ulit kami nagkakaroon ng chance na magkausap. Maybe, next time. Magpapaganda muna ako. Gusto mo magpa-facial tayo ngayon?"

"'Yun lang ang ikukwento mo?"

"Oo, next time na lang! Tara na, magpa-facial na lang tayo!"

"Huh?" Baliw talaga 'to.

"Dali na! Boring na dito! Magbihis ka na!" Hinila niya ako at tinulak papasok sa kwarto ko.

Haay,  ano pa bang magagawa ko?

After ko magbihis, lumabas nga kami at nagpa-facial. Nagpa-massage din kami at pagkatapos ay nagpa-manicure. Sagot niya kasi lahat kaya wala akong angal. Nasanay na kasi akong lagi siyang nanlilibre. Nung umangal kasi ako dati, nagalit siya at 'di ako pinansin ng ilang oras.

"Ang ganda, bagay sa'yo 'yang black cutics." sabi niya pagkatapos naming magpa-manicure.

"Ngayon nga lang ako nagkaroon ng ganito sa kuko ko eh."

"Really?! Grabe naman! Virgin na virgin ka pala! Tara, magpabago tayo ng hairstyle!" Pumunta kami sa isang hair salon at halata pa lang na mahal ang pagpapaayos ng buhok dito.

"Hindi ko naman kailangang baguhin hairstyle ko eh. Okay na ako sa buhok ko."

"Hindi pwede, alam mo bang wala na sa uso 'yang buhok mo? Kaya tara na. Wag ka na magreklamo." Hinila niya ako papunta sa mga hair stylist at pinaupo niya ako. Umupo din siya sa kabila at inasikaso na kami.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now