7 - Deborah

9K 212 11
                                    

dedicated to my sister here in watty. Siya ang gumawa ng book cover ng AMKEB. Ang cute niya gumawa ♥♥

Si Deborah gorgeous nga pala ung nasa multimedia ---->

------------------------------------------------------------------------------

7 - Deborah

Shems. Mababaliw na yata ako nang wala sa oras. Kanina pa ako pagulong-pagulong dito sa kama. Hindi na siya nawala sa isip ko!

Kanina pa siya ha!

Kinuha ko 'yung unan ko at isinubsob ko ang mukha ko rito. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakita ko siya sa school.

Bakit kasi ginawa niya 'yooonn?!!!

"H-hala--araayyy!!!" Tokwa! Nalaglag pa ako sa sahig. Ba naman kasi eh, kasalanan niya lahat 'to!

"Pero sa totoo lang...napahiya ko siya kanina."

Hindi ko alam ang mukhang ihaharap ko sa kanya bukas.

Bahala na si spongebob.

♥~♥~♥

"Angel, are you okay?" Kinausap ako nung katabi kong si Jillian. Sa una lang pala siya mataray pero okay naman siya kausap. 'Yun nga lang, magkalayo talaga ang mundo namin. We're totally opposite.

"I-i'm okay,"

"Then what's with that pose?"

"Uhh..wala lang, hehe."

"You know what? You're weird. Are you hungry?"

"N-no, I'm not. Marami akong kinain kanina." Ang daldal ng katabi ko.

"Sinow ba kasi ang pinagtataguwan mow?"

"P-pinagtataguan? W-wala, ha-ha-ha. Trip ko lang takpan 'yung gilid ng mukha ko." Okay, sana umubra 'yun.

"Trip?"

"Oo, wala akong magawa eh."

"Hmm...I still don't get it." Phew. Buti naman at 'di na siya nagtanong pa. Kanda hirap na ako sa pag-iisip ng isasagot sa kanya. Atsaka nahihirapan akong pakinggan 'yung pagsasalita niya ng tagalog. Kaiba kasi 'yung accent. Palibhasa hindi pure pinoy.

"Oh...your boyfriend is here."

"Boyfriend?"

Nandito na si Silver?!

Mula nang sabihin ni Silver sa ibang babae na girlfriend niya ako, tuluyan na silang naniwala na mag-on kami kahit na sobra-sobra na 'yung explanation na ginagawa ko.

"Here he comes,"

Takte, takte. Anong gagawin ko?

"Jillian, p-pakigising na lang ako 'pag start na ng class ha? Matutulog muna ako."

Kinakabahan ako...

"Not so fast, Angel." Halos malaglag ako sa upuan nang biglang may dumamba sa upuan ko at halos idikit na ang mukha sa'kin.

...it's him.

"S-silver?"

"Bakit kailangan mo pang itago ang mukha mo sa'kin?"

"N-nagtatago? At bakit ako magtatago? M-may atraso ba ako sa'yo?"

"What do you think?" Shoot. Mali ako ng nasabi. Bakit ba binanggit ko pa 'yung word na 'atraso'?!

"Sorry na, hindi ko naman sinasadya na takbuhan ka eh. K-kasi naman...ang daming tao tapos...eh si kuya pa nanonood yata..." Nagkanda-bulol bulol na ako! Packing tape!

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now