2 - "Angel ko"

11.4K 356 47
                                    

dedicated to her. Fan daw siya ng AMKA kahit noong isang araw niya lang nabasa XD

----------------------------------------------------------------------

2 - "Angel ko"

"Ma, wala ba kayong planong bumalik sa dati nating bahay?"

"Ikatlong beses mo na 'yang tinatanong ha?"

Napatungo ako, "Baka sakali lang naman po."

"Wala nga akong plano. Hindi ka ba masaya dito? Malaki na nga 'to para sa ating tatlo ng kuya mo eh."

"Pero ma--"

"Nakakahalata na ako ha? Anong problema?"

"Oo nga bunso, bakit ba gusto mong lumipat tayo? Eh kalilipat lang natin dito noong nakaraang buwan?"

"Hindi naman, tinatanong ko lang."

"Sus! Baka naman may sinisilip ka doon sa dati nating bahay?"

"Loko, wala."

"Tama na nga 'yan. Angel, magluto ka muna. At ikaw Cloud, saan ka na naman nagpunta kanina? Uutusan pa naman kita!"

Nagtungo ako sa kusina habang nakasimangot. Mukhang dito na kami habambuhay! Hmp! Kainis kasi! Bakit bumalik pa siya?!

"Bunso, may ipabibili ka ba? Inutusan ako ni mama sa labas!"

"Wala!"

"Okay. Nga pala bunso,"

"Ano na naman?!"

"Anong meron sa labas? Bagong kapitbahay? Nakita mo ba?"

" Anong sinasabi mo?!" T-teka, b-bagong kapitbaha--"KUYAAA!!!"

"Aray! Makadamba ka naman! Bakit nakarating ka agad dito?"

"Ah--eh kasi, a-ako na lang bibili! Ikaw na magluto!"

"Bakit?"

"N-nakalimutan ko, m-may bibilhin ako eh."

"Ako na lang ang bibili,"

"WAG NA NGA! AKO NA!"

"Makasigaw ha? Oh ayan na nga, ikaw bahala. Eto pera, tatlong kamatis tsaka limang kalamansi."

"Sige, byeee!!!" Lumabas agad ako ng bahay namin. Muntik na 'yun ah! Ayoko kasing makita ni kuya si Silv--este 'yung bagong lipat. Wala lang. Basta ayoko.

♥-♥-♥

"Makaligo na nga."

"Buti naman at naisipan mong maligo, kuya. Bantot bantot mo na kaya!"

"Bantot? Baka magkaamuyan pa tayo ng kili-kili dito."

"Heh! Lakad na--"

"Tao po!" Wait, is that tita..."Hello? May tao po ba?"

OMG. Boses nga ni tita Loryyy!!!

"Sino 'yun?"

"Kuya waaggg! Ako na magbubukas!" Tinulak ko siya papunta sa banyo, "Diba maliligo ka pa?! Pumasok ka na! Ako na ang bahala!"

"Eh paano 'yung--"

"Ako na! Pasok na! Maligo ka na agad!"

"Oo na, ang wirdo mo."

"Oo na, basta!" Ako na mismo ang nagsara ng pinto at bumalik ako doon sa salas.

"Tao po!"

"S-sandali lang po!" Anong gagawin ko? Tulog nga si nanay tapos nasa banyo na si kuya, eh ano namang gagawin ko? Alangang hindi ko pagbuksan ng pinto si tita?

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now