9 - Rooftop

6.5K 207 9
                                    

9 - Rooftop

"KUYAAA!!!"

"Makasigaw ka naman dyan!"

"HUMANDA KA SA'KIIINNN!!!'

"Teka nga, hindi ki--ARAAYYY!!!"

"BWISIT KA! NATURINGAN KANG KUYA TAPOS GAGAWIN MO LANG SA AKIN 'YON?!"

"A-ANG ALIN?!!!"

"BAKIT MO IBINIGAY SA KANYA 'YUNG PICTURE KO?! WALANGYA KA!!!"

"ARAAY! TAMA NA!" Binitawan ko 'yung buhok niya na kanina lang ay sinasabunutan ko. Pagkapasok na pagkapasok ko kasi ay sinugod ko na agad siya. Buti na lang wala pa si mama.

"Paano mo nagawa sa'kin 'yon ha?!"

"Alin ba?! Hindi nga kita maintindihan! Tsk. Sakit tuloy ng anit ko."

"'Yung picture nga kasi! BAKIT MO IBINIGAY KAY SILVER?! 'YUNG PICTURE KO NOONG BATA PA AKO!"

"Ano?!" Parang 'di siya makapaniwala. "Sinabunutan mo ako dahil lang doon sa picture na 'yon?!"

"Anong picture lang ha?!"

"Binigyan ko lang naman siya ng picture mo! Ano bang masama doon?! Ipinahiram ko lang naman sa kanya 'yung photo album mo noong bata ka tapos nanghingi siya ng isang picture! Ganti ko na rin 'yun sa kanya tutal nagustuhan ng girlfriend ko 'yung kwintas na pinili niya."

"Hindi mo ba alam kung ano 'yung picture na 'yun?!"

"Malay ko ba doon?! Ka-text ko si Rain nun eh!"

Kaya naman pala! Paano kaya kung malaman niya na ang kinuhang picture ni Silver ay 'yung naliligo ako?!

Tsk. Naisahan kami nung manyakis na 'yun!

"Ano bang meron doon?! Bakit galit na galit ka?!"

"Wala ka na doon! Pero kasalanan mo talaga! Nakakainis ka!"

"O bakit kayo nag-aaway?" Biglang dumating si mama.

"Ma! Akala ko hindi ka na naman makakauwi!" sabi ko habang tinutulungan siyang dalhin ang gamit niya.

"May iba kasing naka-assign na nurse ngayon. Pahinga muna ako."

"Ah buti naman po. Sige po, ipagtitimpla daw po kayo ni kuya ng maiinom."

"Ha?! Ikaw na lang, madami pa akong homework!"

"Mag-aaral din ako para sa next subject namin bukas! 'Di pa kami tapos sa prelim 'no!"

"Oo na! Oo na!"

"Wag nga kayong mag-sigawan dyan."

Naku ma, kung alam mo lang.

♥~♥~♥

A few days later...

Haay sa wakas! Natapos na rin ang exam namin! Aaminin ko na medyo mahirap at nakakapagod especially doon sa mga major subject namin. Kumpleto lahat ng questions, talagang pipigain ang utak mo hanggang sa sumuko ka.

Nagtungo muna ako sa rooftop para makapagpahangin. Buti na lang ay walang katao-tao rito. Pwede din akong kumain. Wala na naman sigurong CCTV dito diba?

"Sana hindi ko muna makita 'yung lalaking 'yun. 'Pag naaalala ko talagang nasa kanya 'yung picture, parang gusto ko siyang balian ng buto." Halos mabaliw ako sa kakaisip kagabi dahil doon. Baka ipagkalat niya 'yung picture ko kung kani-kanino. Patay ako nito 'pag nagkataon. Baka pumasok ako sa school nang naka-maskara.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon