KABANATA 10

176 7 0
                                    

X.

"Girl! Ano 'yun? Kasama mo si Sir Heath sa kumakalat ng news! Nakakaloka ka!"

Yinugyog ako ni Gab. Naghihintay din ang iba naming ka-trabaho sa sasabihin ko. Mabuti na lang din talaga ay hindi ko suot ang singsing na binigay niya!

"Fake news lang 'yan, Gab. Ano ka ba," sabi ko.

"E, bakit naman engagement agad ang ipapakalat? Hindi girlfriend lang muna? Fiance talaga agad-agad?!" Histerical na sambit ni Mona.

Umisip ka ng palusot, Anniesyd!

"Mona, I'm his secretary. Babae ako at laging kasama ni Sir Heath sa bawat meeting, syempre bibigyan nila ng issue ang ganun."

"E, paano naman ang picture na kumakalat?" Tanong nung babae galing sa kabilang cubicle.

"Edited," sabi ko. "Pinapahanap na ni Sir ang gumawa at nagpakalat niyan."

Bumuntong hininga ako at tumuloy na sa ginagawa ko kanina. I swear, kahit malamig dito sa'min tingin ko ay pinagpapawisan ako dahil sa halo-halong emosyon.

Paano kaya kung makarating 'yun sa pamilya ko? Pwede ko rin naman sabihin na fake news 'yun.

Sana lang talaga mahanap kung sino ang nagpakalat para ma-turn down. Nakakapagtaka naman na doon pa mismo sa Reunion nila 'yung picture na kumalat, e, ang habilin ni Lola Madam dun ay walang gagamit muna ng kahit anong gadgets.

Nag-text na rin sa'kin si Nerys kaya tinawag ko ng saglit para mapag-paliwanag rin. Panigurado ay nakita na rin 'yun ng ibang nakakakilala sa'min.

"Bakla, tara lunch na tayo," aya ni Gab.

"O–"

"Annie, on my office, now," Biglang tawag ni Sir Heath. Urgh!

"Grabe talaga 'yan! Lunch na baks! Sama talaga ng boss mo, 'di ko talaga sure kung paano ka nakatagal dyan!" Sabi pa niya.

Hindi naman ganun kasama ugali ni Sir. Crush ko din kasi talaga siya kaya napahaba ang pasensya ko at hanggang sa nasanay na.

Nauna nang mag-lunch sina Gab at Mona. Ako naman ay dumiretso sa office ni Sir.

"Bakit po?"

He stood up from his swivel chair.

"Lunch," sagot niya.

"Sa cafeteria po ako. Ano pong gusto niyo para ma-orderan kayo?"

"What?"

"Cafeteria. For food niyo po?"

"Who says I need a food from the cafeteria?" Umupo siya sa couch at binukas ang dalawang butones ng polo niya. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi pa rin ako sanay sa ganito niya lagi. "I ordered foods. Any minute now, the foods are here."

Tumango lang ako.

Ah, so nag-order siya? Para sa'min?

"Yes."

Shit. Napasapo ako sa ulo. I should practice now my mind not to voice out everything! Mapapahamak pa 'ko, e!

Sinabihan niya akong umupo kaya umupo ako sa katapat niyang upuan. Matapos nun ay nakita kong sinandal niya ang kaniyang likod sa upuan. Nakita ko tuloy ng kaunti ang collarbone niya. Tinignan ko siya at nakitang titig na titig siya sa'kin. Na-concious naman ako dahil dun.

"Not there, Annie," sabi niya tapos ay tinapik ang tabi niya. "Here."

"Ayos na 'ko dito Sir."

"Sir? Sir again? I told you to call me by my name, right?"

His Fake Fiancee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon