KABANATA 24

175 7 0
                                    

XXIV.

"Sir Heath–"

Hinatak niya ako pahiga ng kama at nahiga roon!

Bakit naman kasi pumunta 'to rito!?

"Explai–"

Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong busina! Napa-balikwas ako ng tayo at nagma-madaling bumaba!

Shit!

Baka sina Mom at Kuya 'yon!

Agad ako'ng pumunta sa gate para tignan kung sino ang dumating pero nakita ko ang kulay dilaw na sasakyan sa harap at may tao'ng nandoon.

"Who's that?" Himig ni Sir Heath sa likod ko. Bahagya pa 'kong nagulat sa presensiya niya sa likod ko. "Gio."

Nauna siyang lumabas nang marinig ko ang huling sinabi niya. Sinundan ko siya palabas ng gate at grabe! Ang kinang ng sasakyan na 'to! Mukha pa'ng drag race!

"Gio," sabi ni Sir Heath at nakipag-fist bomb.

Si Gio pala na pinsan niya!

"Sorry sa istorbo pero may gusto lang sana 'ko sabihin, e," sabi ni Gio. Nakita niya 'ko at ngumiti siya ng maliit.

"What? What happened?"

Medyo na-feel ko na kailangan ko na muna'ng pumasok sa loob para makapag-usap sila with privacy. Mukha kasing seryoso si Gio sa sasabihin niya kay Sir Heath kasi pinuntahan pa talaga siya rito sa Antipolo.

I excused myself.

Ano kayang sasabihin ni Gio?

Mukhang importante talaga.

Ilang segundo lang nang kakaupo ko pa lang dito sa sala ay sumunod na si Sir Heath kasama 'yong pinsan niya na si Gio.

"Tinawagan lang ako kanina. Mga tatlong oras na raw siya roon," sambit ni Gio.

Bumaling ako kay Sir Heath.

He looks.. He looks terrified and sad.

He gathers his things.

Ano'ng nangyayari?

"How stable is she?" Tanong ni Sir Heath at naka-pamaywang at bakas ang pag-aalala sa mukha. "How stable is she when she's unconcious!?"

Nagulat ako nang mag-taas siya ng boses.

Bigla ako'ng natakot sa mga nangyayari n hindi ko alam.

"Kumalma ka nga! 'Yon lang sinabi sa 'ken."

"I'll call Eli. We need to go there," mabilis na lumabas ng bahay si Sir Heath leaving me clueless. He's furious.. mad? For what?

"Sorry, Syd," biglang sabi ni Gio. "We have a family problem right now. Nasa hospital si Lola, stable naman ang stat pero baka raw ma-uwi sa comatose. Kasama ni Lola si Rose– 'yong kapatid ni Rev, nawala raw siya sa focus mag-maneho at nabangga."

Mabilis na sabi ni Gio sa 'kin.

"O–ok..." I didn't know what to say. "So, uuwi kayo ng Davao ngayon?"

"Oo. Sige, mauna na 'ko. Tawagan mo na lang si Heath. Sabihin mo na kumalma siya. Hindi namin gusto na magkaroon na naman ng away."

Tumango lang ako at umalis na Gio.

Hindi ko agad na-absorb 'yong sinabi ni Gio tungkol sa Lola nila.

Napa-upo na lamang ako sa sofa atsaka huminga. 'Yong Lola raw nila ay na-aksidente?Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinwagan si Sir Heath. Akala ko ay hindi siya sasagot.

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now