KABANATA 3

203 5 0
                                    

III.

Kanina pa 'ko tahimik simula noong nakaalis kami sa condo. Grabe, alam kong naging crush ko si Sir Heath, pero ba't ako pumayag magpahalik?

Gusto kong lumubog ngayon sa lupa at matunaw.

Shit, Anniesyd! Boss mo pa rin 'yon! Inuuna mo 'yang kaharutan mo.

Nasa kotse kami ni Sir Heath ngayon at papunta na ng NAIA. Hindi rin siya nagsasalita.

Is he dissappointed?

Parang gusto ko tuloy umuwi na lang at takbuhan si Sir. Takbo kaya ko mamaya sa airport? Kunware ay magba-banyo lang ako? Ite-text ko na lang na sumama ang pakiramdam ko at uuwi na lang?

Hays! Kanina ko pa kagat kagat 'tong labi ko. Baka kaunti na lang ay malalasahan ko na ang metal na likido dito!

Sa labas lang ang tingin ko, ngayon pa yata ako magkaka-stiff neck. Damn it!

"Annie," biglang sabi nitong si Sir Heath habang nagma-maneho. Nagulat tuloy ako.

"Yes, Sir?"

"Drop the Sir," sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nasa kalsada pa rin ang tingin niya. "Drop the Sir. When we're already in Davao, we will be suspicious if you still call me that."

Tumango na lang ako at tumingin muli sa labas. Okay, noted 'yan!

"About earlier," mahina niyang sabi at bumuntong hininga. "I'm not sorry about our kiss. I'll be more often hold you 'pag nakarating na tayo roon but I'll try to limit myself. This fake fiancee thing will end after a month, we will announce that we cancel the upcoming fake wedding and move on. It is not hard to do some act, okay? So, do your job and we try not to be caught. I'm just tired that they always try to meddle with me, every fucking year."

Tumango lang ulit ako.

Pinili ka lang ni Sir Heath kasi walang choice. Okay, Anniesyd? Please note that to yourself. Pagkatapos ng isang buwan, ia-announce na off na ang wedding at tutuloy ka bilang secretary. Okay? Madali lang 'yan, Anniesyd. Madali lang. 'Wag mo lang bigyan ng meaning ang lahat ng gagawin niya sa'yo. Kaya mo naman 'yan. No feelings involve, please! Kung hindi, patay ka talaga!

"You still don't wanna talk, huh?" Sabi ni Sir kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin na pala siya sa'kin!

"A-ano, Sir. Okay, noted," sabi ko at ngumiti.

"Kunin mo 'yong box sa likod," sabi niya. Tinignan ko ang likurang upuan. Madaming box dito kaya tinignan ko siya. "Pandora."

Ah, 'yong maliit na box na Pandora. Tinanggal ko ang seatbelt ko at bahagyang inabot ang box. Ang layo naman! Inaabot ko pa nang kaunti, medyo tumataas na ang t-shirt ko pero malapit na- biglang bumusina si Sir Heath kaya napabalikwas ako sa upuan!

"Damn it, Annie!"

Inaano ko ba 'to?!

Muli kong inabot ang Pandora at nang nakuha ko na nga ay umayos akong muli sa kinauupuan ko. Nag-seatbelt at inabot kay Sir Heath ang box. Nakakunot noo na naman siya!

"Such a tease," asik niya. "Open it, Annie."

Kinuha ko pa ulit ang laman ng box. Meron maliit na red box at pagkabukas ko, tumambad sa'kin ang makinang na singsing.

Napakaganda naman! Simple lang siya at hindi gaano kalakihan ang dyamante pero sobrang ganda! Isa ito sa pinangarap kong suoting singsing. Simple lang at hindi gaano agaw pansin!

"That's your engagement ring."

Sa sinabi ni Sir Heath na 'yon ay nag-init ang tainga ko.

Kinikilig ka ba, Anniesyd?! Sabing No feelings involve, e!

His Fake Fiancee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon