KABANATA 2

244 8 0
                                    

II.

"Siguraduhin mo na trabaho ang ipupunta niyo ni Sir Heath mo sa Davao, ha."

Ngumisi ako sa screen. Kausap ko ngayon sa video call ang pinsan ko. Si Nerys.

"'Di ko sure!" Natatawa kong sabi.

E, hindi ko talaga sure! Malay ko ba kung pag-trabahuhin talaga rin ako ni Sir Heath doon.

Natigilan nga ako sa sinabi niya kagabi. Fiancee? Tinanong ko siya kung bakit ako, sabi niya ako lang daw available? Ganon ba 'yon? Kung sino available siya gagawin mong Fake Fiancee? Sabi niya rin dadagdagan niya sweldo ko, tho hindi ko naman kailangan kasi hindi naman ako gahol sa pera ngayon. Ewan ko kung bakit din ako pumayag. Well, maganda rin naman kasi sa Davao. Travel ko na rin ito mula no'ng nag-trabaho ako sa kumpanya nila Sir Heath.

"Kainis 'yan. Nasabi mo na ba kay Auntie na aalis ka? Naku, panigurado n'yan, magtatanong nang magtatanong si Auntie."

"Oo, nasabi ko na. Nakausap ko na siya kagabi sa video call din. Excited nga siya, e! Akala mo siya ang aalis."

"Nakapag-ayos kana ba?"

Tumayo siya upang siguro lumabas ng balkonahe ng kwarto niya.

"Akala ko ba..."

"Hindi ko pa nasasabi kay Mama," bumuntong hininga siya at umupo na.

"E, pano 'yan? Nako, baka itanan ka niyan ni Attorney!" Asar ko. Natawa naman siya.

"H'wag ka nga maingay! Baka marinig ka ni Mama, maniwala 'yon. Kapag naka-tyempo na ako tsaka ko sasabihin."

"Basta Rys, nandito lang ako. Okay? Kung kailangan mo ng kahit ano, magsabi ka lang kaso kung pera parang meron naman na no'n si Attorney!"

Umikot ang mata ng pinsan ko. Sabay kaming malakas na tumawa.

"Sige na. Tapusin mo na 'yang pag-aayos mo."

"Sus! Kakausapin mo lang Attorney mo, e. Sige na nga, bye-bye!"

"Ingat sa biyahe, Syd! I love you!"

Nag-flying kiss ako at in-end na ang call.

Isang oras matapos kong maligo ay nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit. Sabi ni Sir Heath, more or less nasa Davao kami ng mga 10 days. Iilan lang dadalhin ko. Na-conscious tuloy ako kung ano-ano ang mga dadalhin ko. Pamilya kaya iyon ni Sir Heath ang mga naroon. Reunion ba naman ng mga Del Mundo. Tinanong ko si Sir kung ilan lahat sila doon, ang sagot niya hindi na niya mabilang. Biglang gusto ko na nga umatras matapos niyang sabihin 'yon, e. Sasabihin na lang din daw niya sa akin ang plano kapag nandoon na kami. Bakit kasi hindi na lang ang isa sa mga ex niya ang kunin niya at sabihin na magpanggap.

Dahil sa pagpili ng mga damit, halos ilabas ko na lahat ang nasa cabinet ko. Pinili ko ang mga dress na hanggang tuhod at malamig sa mata na mga kulay. Hindi ko pwedeng isuot ang mga pang-party ko ro'n. Baka maiba tingin nila sa akin, kahit pa-paano naman ay aalagaan ko ang image ko sa reunion nila para kapag sasabihin na namin'g off na ang kasal.. masasabi naman namin na maayos kami o kaya civil na naghiwalay.

Wala ako masyadong dadalhin na make up dahil mukhang hindi ko naman ka-kailanganin. Okay na ang ganda ko sa sariwang hangin doon sa probinsyang parte ng Davao kung saan gaganapin ang reunion.

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now