KABANATA 38

92 5 0
                                    

XXXVIII.

"Mrs. Anniesyd Del Mundo?"

"Anniesyd, kahit isang statement lang!"

"Mrs. Del Mundo, anong masasabi mo sa scandal ni Mr. Del Mundo?"

"Anniesyd, totoo ba ang bali-balitang namatayan kayo ng anak?"

"Totoo ba'ng may third-party sa relasyon niyo ni Mr. Heath del Mundo?"

Dire-diretso akong pumasok sa loob ng van ngunit patuloy pa rin ang kanilang pagkatok at pagmamakaawa na may marinig muli sa 'kin.

Napatitig na lang ako sa mga reporter na nasa labas ng kotse ko. May mga dalang mic at camera. Sunod-sunod ang pagkuha.

Nakasuot ako ng salamin dahil sa nagawa kong pag-iyak buong magdamag. Halos hindi ko na marinig ang pag-iyak ko kagabi. Dalawang araw nang walang tigil ang luha ko. Halos hindi ko kinaya ang balitang bumalot sa pagkatao ko. Pinaandar na ni Kuya Axl ang kotse at bumiyahe na kami. Sana ay hindi na kami sundan ng mga taga-media.

"Syd, hinahanap ka niya kay Mommy," biglang sabi ni Kuya kaya napatingin ako sa kaniya. "Pati rin ako halos pasubaybayan niya kanina hapon."

"Titigil din 'yan, Kuya."

"Paano kung hindi? Lalayo ka na lang palagi?"

"Kung kailangan, 'yon ang gagawin ko," Napabuntong hininga siya. Totoo naman. Kung kailangan araw-araw akong umalis para lang hindi niya 'ko makita ay gagawin ko. Kung pwede nga lang umalis ng bansa ay ginawa ko na rin pero hindi pa muna sa ngayon. Kailangan ako ng pinsan ko.

Pa-biyahe na kami ni Kuya Axl pabalik ng Antipolo. Pagabi na ngayon at alam ko, sa pag-akyat namin doon ay mararamdaman ko lalo ang lamig.

Hindi ko na alam kung may papatak pa bang mga luha sa mga mata ko. Halos naubos na nga yata kagabi. Hindi ko rin inaasahan na iiyak ko ng ganoon katindi. Ni-minsan hindi 'yon sumagi sa isip ko.

Ang mga halinhing nila ang naririnig ng utak ko kagabi. Hindi ko magawang alisin. Nakakapanlamig ng buong sistema at hindi ko alam ang iisipin.

Ganoon pala talaga... Kapag sumobra ang saya ay babawiin din sa'yo agad.

Nag-ring ang cellphone ko.

Tumatawag na naman siya. Agad kong pinatay at nilagay sa block list ang bago niya'ng numero niya.

"Ano ba ang nangyari?" Si Kuya. Hindi ako agad nakasagot dahil maski ako ay hindi alam kung ano ang nangyari. Parang gusto ko na lang magpahinga ng matagal-tagal para maalis ang sakit.

"Umasa ako. 'Yon ang nangyari, Kuya."

Batid ko ang pait sa pagkakasabi at tumingin sa labas ng bintana. Umasa ako, nagmahal, at nagtiwala. 'Yon ang nangyari.

"Nakausap niyo na si Dan?" Tanong ko.

"'Yong mga tao sa bahay ang kumakausap sa kaniya kaso hindi pa rin daw nagsasalita at kumakain. Nasa tabi lang daw siya ni Rys."

Nang marinig ko ang pangalan niya ay parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Parang hindi ko magawang pakinggan ang nangyari sa kaniya.

"'Yong mga kapatid niya, nandoon na rin?"

"Oo. Ganoon din, mga hindi rin nagsasalita kaya nag-aalala si Mommy."

Tuloy tuloy ang biyahe namin ni Kuya paakyat ng Antipolo. Ilang oras kaming tahimik at mabuti na lang ay hindi siya gaano nagtatanong tungkol sa'min. Alam kong hesitant siyang magtanong sa kalagayan ko.

Makalipas ang ilang oras at bago maghating gabi ay nakarating kami sa destinasyon namin.

Nanghihina akong bumaba sa sasakyan. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko papasok.. ngunit bago pa ako muling humakbang ay may tumawag sa'kin.

His Fake Fiancee (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz