Chapter 53

3.9K 122 6
                                    

This chapter is dedicated to:
kerenieecute

Thank you so much for supporting my story and waiting for the new update! 💛

- - -

Ang isang linggo ay mabilis lamang na lumipas. Kung sa iba ay parang normal lang ang araw na ito ngunit para kila Scarlet at Lauren ay hindi. Ito kasi ang araw na susugod sila sa Sanguis University para iligtas lahat ng estudyanteng binihag ni Monica at ito rin ang araw na tatapusin niya ang kahibangan ni Monica.

Pumarada ang sinasakyan nilang itim na sasakyan sa harapan ng lobby. Sabay silang bumaba ni Lauren mula sa sasakyan at tumingin sa paligid kung may susugod ba sa kanilang isang nosferatu o sanguine, ngunit kahit isa ay walang sumulpot.

Hindi nila kasama ang High Council dahil sa hindi na sila pwedeng makielam pa sa kaguluhang ito, nandyan lamang sila para gabayan ang buong Sanguis University at bukod dun ay wala na sila pwedeng pangielaman pa.

"Mukhang hindi talaga nila inaasahan ang pagdating nating dalawa, Scarlet."

Nakangising sambit ni Lauren habang nakatingin sa kanya.

"Bukod sa hindi nila inaasahan ay hindi rin naman alam ni Monica na isa na akong bampira. Wala silang naaamoy na mortal kaya rin siguro walang bampira ang sumugod sating dalawa."

Tugon naman ni Scarlet.

Sabay nilang nilakad ang mahabang hallway ng isang building patungo sa direksyon kung nasaan ang field ng university. Sigurado silang doon dinala ni Monica ang lahat ng estudyante dahil sa napakalawak ng lugar na ito at kayang-kaya ang mahigit isang libong katao.

Ngunit bago ang araw na ito, ano nga ba ang naging pag-uusap at plano ni Scarlet kasama sina Lauren, ang High Council at ang kanyang ama.

Flashback..

Pagkatapos ng madramang pag-uusap nila Scarlet at Christopher sa loob ng greenhouse, napagkasunduan nilang dalawa na bumalik na sa mansion para mapag-usapan naman nila ang naiisip na plano ni Scarlet kung paano niya ililigtas ang lahat ng estudyante mula sa mga kamay ni Monica.

Dumiretso silang dalawa sa loob ng meeting room at naabutan nila na nandun parin ang High Council pati na rin si Lauren.

"Ayos na ba kayong dalawa?"

Bungad na tanong sa kanilang dalawa ni Mr. Cedrick.

"Yes, ayos na kaming dalawa."

Nakangiting tugon ni Christopher sa kanya. Umupo siya sa tabi ni Mr. Kurt habang si Scarlet naman ay nakatayo lamang at malalim ang iniisip.

"So what's your plan, queen? "

Tanong naman ni Lauren kay Scarlet.

Nabaling ang paningin niya kay Lauren na nakangisi sa kanya.

"To be honest, I don't have any concrete plan but I do have an idea."

"It's okay, princess. Tell us about your idea."

Tinanguan niya ang kanyang ama at nginitian.

"I just realized na walang kaalam-alam si Monica na isa talaga akong bampira, ang alam lang niya ay isa akong mortal na bigla nalang ginawang reyna ni Maximus Ethan Dietrich. Sigurado akong wala siyang kaalam-alam tungkol sa pagiging bampira ako at sigurado rin akong wala siyang alam na may pinaghahandaan natin ngayon ang pag-atake para maligtas ang lahat ng mortal na estudyanteng dinamay niya sa kabaliwan niya."

Queen of the Vampire KingWhere stories live. Discover now