Chapter 90

546 19 2
                                    

Sakto namang palabas si Marcus ng silid ay siya namang kadarating lang ni Scarlet kasama sila Brianna at Cindy.

"Marcus, where are you going?"

Curious na tanong ni Scarlet sa binata pero hindi siya nito pinansin, ni hindi rin siya nito tinignan man lang. Napansin rin niya na sobrang seryoso ng mukha nito at parang naiinis.

Tinignan niya sina Kelly, Dustin, at Lauren na may pagtataka kung bakit biglang naging ganun si Marcus. Nagkibit-balikat lamang ang mga ito habang si King naman ay bumalik sa kaninang inuupuan nilang dalawa ni Scarlet.

"What happened to Marcus? Bakit nawala ang mga tao dito?"

Nagtatakang tanong ni Scarlet sa kanilang lahat.

"Na-bored kasi sila dito sa loob kaya ayun, naisipan nilang lumabas lahat. Si Marcus naman, ano.."

Hindi alam ni Kelly kung ano ang sasabihin niyang rason kung bakit naging ganun si Marcus. Bahagya niyanh tinapik si Lauren para tulungan siya.

"He's just in the mood right now, Scarlet. Let's give him some space."

Wika ni Lauren para saluhin ang gawa-gawang rason ni Kelly.

Alam nilang hindi maniniwala sa kanila si Scarlet pero kailangan parin talaga nilang gumawa ng kahit na anong rason kaysa naman sabihin sa kanya kung ano ba talaga ang nangyari kanina noong wala pa sila dito sa silid.

Bahagya nalang tumango si Scarlet at agad na nilapitan ang kanyang nobyo na tahimik. Hindi naman na siya nagtataka sa pagiging tahimik ni King kasi ganito naman na siya noon pa, kaya hindi rin halata kay King na kasali siya sa naging gulo at tensyon kanina. Hindi na rin siya tinanong ni Scarlet kasi parang wala rin naman siyang kaalam-alam, pero yun ang akala niya.

Mabilis na lumipas ang oras at pasikat na ang araw, ibig sabihin ay tapos na ang class hours ng mga nasa Moon Campus. Nagsilabasan na sila sa silid at nagpuntahan na rin silang lahat sa parking lot, pero simula kanina ay hindi na bumalik pa si Marcus. Hindi maiwasan ni Scarlet na mag-aalala para sa kanya kasi hindi ugali ni Marcus na bigla nalang mawala ng ilang oras at hindi na bumalik pa.

"Love, hop in. Let's go."

Wika ni King habang hawak ang pinto ng kanyang sasakyan para kay Scarlet.

Ngunit hindi parin maiwasang mag-alala ni Scarlet para kay Marcus, kaya hindi niya maalis sa building nila ang kanyang paningin. Hindi na rin niya nasagot pa si King kasi masyadong occupied ang kanyang buong isip kung nasan ba si Marcus ngayon at kung bakit hindi na ito bumalik pa simula kanina.

Napansin rin naman ni King na kanina pa nga ito tahimik at parang malalim ang iniisip. Hindi niya alam kung ano ba ang iniisip nito simula pa kanina.

"Love, what's wrong? Are you okay?"

Nag-aalalang tanong ni King sa kanyang nobya habang kanyang hinahapit ang bewang nito palapit sa kanya.

"I'm just worried about Marcus. Ang unusual lang kasi na bigla nalang siyang umalis kanina tapos hindi na talaga bumalik man lang. He was never like that before."

Tugon ni Scarlet sa kanyang tanong.

Hindi naman na nagulat si King sa naging sagot niya, para bang inaasahan pa nga niya na ganito ang magiging sagot nito. Hindi rin niya ipagkakaila na nakakaramdam siya ng selos at inggit sa pag-aalala ni Scarlet sa kapatid niya.

"He'll be fine, love. Just like what Lauren said earlier, let's give him some space. Alright? Let's go, I'll take you home so you can rest."

Queen of the Vampire KingWhere stories live. Discover now