Chapter 74

876 23 0
                                    

This chapter is dedicated to:
Gelynmndz

Thank you so much for reading my story, sweetie! Natatawa rin talaga ako sa mga comments mo. 😂 Maraming-maraming salamat! Love lots! 💛

— — —

Napaiyak na lamang si Scarlet dahil sa sinabi ni Marcus, ito kasi ang unang beses na may nagsabi ng ganito sa kanya. Kahit si King ay hindi pa nakakapagsabi ng ganito sa kanya.

Oo, nararamdaman niya namang tinutulungan siya ng mga kaibigan niya pero kakaiba parin pala ang pakiramdam kapag sa bibig mismo nanggaling. Yung tipong sinserong sasabihin talaga sayo ng personal.

Kaya hindi na rin talaga niya mapigilan ang kanyang sarili at tuluyan na siyang naiyak. For the first time kasi may taong nandyan na handang samahan siya habang umiiyak. Okay lang kahit walang sinasabi na kahit na ano, basta nararamdaman niyang nandyan siya na handang samahan siya.

Lumipas ang ilang minuto sa kanyang tahimik na pag-iyak, talagang hindi nagsalita si Marcus. Hinahaplos lang niya ang likod ni Scarlet para matahanin ito, nakinig lang talaga siya sa mga mahihinang hikbi ng dalaga.

Pinunasan ni Scarlet ang mga natitirang luha sa kanyang mga mata, pagkatapos ay hinarap niya si Marcus.

"Hey, uh.. thank you. I.. I know I've been so rude and mean to you and I'm really sorry about that. Uh also.. thank you so much, Marcus."

Nahihiyang wika ni Scarlet sa kanya.

Lagi niya kasi itong sinusungitan pero hindi naging hadlang yun para iparamdam ni Marcus na nandyan parin siya para sa kanya kahit na ilang beses na niya itong sinungitan at tinaboy.

"It's okay, Scarlet. It's fine. No need to say sorry, naiintindihan ko naman yung pagsusungit mo. Alam ko rin naman sa sarili ko na masyado akong feeling close sayo."

Medyo natatawa namang tugon ni Marcus sa kanya.

Bahagyang natawa si Scarlet at napairap dahil sa pagbibiro niya. Napapangiti na lamang si Marcus dahil sa nakikita na ulit niyang ngumingiti ito ngayon.

"Are you okay now? Nalabas mo na ba lahat ng nararamdaman mo?"

Tanong ni Marcus kay Scarlet.

"I know to myself that I'm not yet fine, but I'll be fine. So don't worry about me, baka si Scarlet Celine Flammia 'to."

Nakangising sagot niya naman kay Marcus.

Bahagyang natawa si Marcus at napapailing nalang dahil sa sagot niya.

"Oo nga pala, nakalimutan kong ikaw pala si Scarlet Celine Flammia the Vampire Queen of Sanguine University. Sorry ah, my bad."

Pagbibiro rin naman niya sa dalaga.

Napailing na lamang si Scarlet at tinignan ang mga estudyanteng wala paring malay. Para silang mga taong nagha-hibernate kasi kanina pa sila tulog na tulog. Hindi kasi sila magigising hangga't di inaalis ni Lauren o ni Marcus ang vampire spell na nilagay nilang dalawa sa katawan nila.

"So what's your next plan to them, queen?"

"For now, wala pa. But we must exterminate all of the remaining sanguis and nosferatu vampires inside the Sun Campus. Hindi rin kasi tayo pwedeng maging kampante na wala na talagang gumagala sa loob ng university na 'to."

Seryosong tugon ni Scarlet sa tanong ni Marcus.

"How about the vampire students inside Moon Campus? Baka may iba pa palang nosferatu vampires ang nakikihalubilo sa loob ng campus na yun, katulad nung babaeng nosferatu na nahuli natin."

Queen of the Vampire KingWhere stories live. Discover now