Chapter 78

681 22 0
                                    

This chapter is dedicated to:
nicolecole07 and Marie3118

Thank you so much for reading and supporting my story, sweeties! It means a lot to me! 💛

"Maximus, follow me. I'll show you your room."

Sambit ni Mikaela sa kanya at pinangunahan na ang pagtaas sa kanilang engrandeng hagdan patungo sa ikalawang-palapag ng mansyon nilang bahay.

Napabuntong-hininga na lamang si King at walang magawa kundi sundan na lamang si Mikaela.

"Do you know about this plan?"

Tanong ni King sa dalaga.

"Well, yeah.."

Tipid nitong sagot sa kanyang tanong.

Kumunot naman ang noo ni King ng marinig niya ang tipid nitong tanong, dahilan para mapahinto siya sa pagsunod sa dalaga.

"And you didn't even bother yourself to inform me when we met at the airport? You should have told me earlier so that I already left this freakin' country and went back home!"

Hindi niya mapigilang magtaas ng boses kasi kanina pa siya nagtitimpi sa inis sa kanyang ama at sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya ngayon. Feeling niya parang kinokontrol siya ng mga ito kaya hindi siya makaisip at makagawa ng plano para makabalik sa Pinas.

Nagulat naman si Mikaela dahil sa biglaang pagtaas ng kanyang boses. Nilingon siya nito habang nakakunot rin ang kanyang noo.

"Even if I told you earlier, sa tingin mo ba maganda paring idea na bumalik ka? No, kasi you're just going to put on a risk in your queen's life. Just accept the fact that this is what it's meant to be, Maximus. This is the prophecy for a hundred years and we can't do anything about it."

Pagkatapos niyang sagutin ang binata, katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Mabuti na lamang ay walang kasambahay sa paligid nila kaya wala ring nakarinig sa pagtatalo nila.

Bumuntong-hininga si Mikaela, bahagya niyang tinignan si Maximus at umiwas ng tingin.

"The color of my room's door is white, yours is just beside mine and the door's color is black. Magpahinga ka na kung gusto mong magpahinga and just to my door if ever you need anything."

Malamig na wika ni Mikaela bago siya nito iwan mag-isa.

Nahilamos na lamang ni King ang kanyang palad sa kanyang mukha kasi hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Hindi niya alam na may ganito palang prophecy na isang-daang taon na naihula.

Sa Pilipinas naman ay hindi pa sumisikat ang haring araw ay maagang nag-ikot sina Kelly, Dustin, at Marcus sa buong Sun and Moon Campus. Halos ilang beses nilang inikot ang dalawang malawak na campus para masiguradong wala ng nagtatagong sanguine at nosferatu vampires.

Ang mga Vanguards naman ay naghahanda na rin sa kani-kanilang mga tasks, kasa-kasama nila sina Scarlet at Brianna na tutulungan silang apat.

Pagkasikat ng araw, ibinigay nagbigay na agad si Scarlet ng go-signal niya. Naghanda na ang lahat sa paggising ng mga estudyante, sakto naman na kadarating lang ni Lauren.

"Hey, I'm sorry for being late. How can I help the team, queen?"

Bungad niya kay Scarlet na nakaharap ngayon sa mga estudyante.

"Just stay here beside me, para in-case na magkagulo ay nandyan ka para tulungan ako."

Tinanguan na lamang siya ni Lauren at tinanaw nalang rin ang mga estudyante.

Queen of the Vampire KingWhere stories live. Discover now