Chapter 108

693 32 21
                                    

Hindi makapaniwala si King dahil sa sinabi at naging reaksyon ni Scarlet mula sa kanyang pagkakahawak sa isang kamay nito. Nasasaksihan niya ang pagtulo ng mga luha nito mula sa kanyang mga mata ngunit nakikita rin niya ang galit nito sa lumuluha nitong mga mata.

Hindi ito ang inaasahan niyang magiging reaksyon ni Scarlet kapag nahanap na niya ito. Ang inaasahan niya ay tatakbo ito agad palapit sa kanya dahil sa dumating na siya para iligtas siya, ngunit kabaligtaran ang bumungad sa kanya.

"But love.."

Pagsusumamo nito habang muling hinawakan ang kamay ni Scarlet.

Ngunit katulad kanina, agad ring tinanggal ni Scarlet ang kanyang pagkakahawak sa kamay nito at mas lalo pang lumapit kay Marcus na para bang nanghihingi ito ng tulong.

"I said don't touch me! Hindi mo ba yun naiintindihan?!"

Galit na sigaw nito sa binata na siya namang kinagulat ni King.

"L-Love, I came here to rescue you. I'm here to take you away from them."

Malumanay na sambit ni King sa kanya.

Sarkastikong tawa naman ang isinukli ni Scarlet sa kanya pagkatapos marinig ang mga sinabi niya.

"You came here to rescue me? Have you forgotten that you are the reason why I ran away? Akala ko ba partners tayo, King? Akala ko ba hinding-hindi tayo papayag na paghiwalayin nila tayong dalawa? Pero.. Pero bakit parang pabor ka sa plano nilang yun?"

Naluluhang tanong ni Scarlet kay King.

Ang mga kasama naman nila ay napalingon sa mga kilalang bampira na nagdarating ngayon. Kumpleto ang High Council na ngayon nalang ulit nila nakita, paniguradong nakarating rin sa kanila ang propesiya at ang plano nila Theon. Nagdatingan rin ang Senate na mga nakasuot ng itim na roba. Bihira lang nilang makita ang Senate kaya gulat sila na pati ang mga ito ay nandito ngayong gabi. Sunod na nakita nilang dumating ay sina Theon, Christopher, Cassandra (ang ina ni Christopher), at Mikaela.

Hindi nila inaasahan na ganito karami ang darating ngayong gabi. Ang inaakala nila ay silang Royalties lang pati na rin sila Theon, Christopher, at Mikaela. Pero nagkakamali pala sila, mukhang talagang malaking gulo ang mangyayari kung sakali mang hindi matuloy ang plano nila.

Hindi agad nakasagot si King sa mga sinabi ni Scarlet. Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano niya sasagutin yung mga tanong nito. Pero bakit pa siya magsisinungaling kung alam naman na ni Scarlet ang planong napag-usapan nila ng kanyang ama pati na rin ng ama ni Scarlet?

"Yes, you're right. I agreed to their plan. Why? Because I don't want to see you slowly dying because of the prophecy, love. I may not know what will happen after this plan, but at least I know to myself that I did everything I can to save your life. I may suffer the consequences of agreeing to this plan, but at least I have the assurance that you'll be fine."

Naluluhang wika ni King sa harap nilang lahat.

Ni hindi na niya naisip kung sino man ang nakakakita nang pagiging mahina niya ngayon. Ni wala na siyang pake kung makita man nilang lahat ang lowest point niya ngayon. Basta ang mahalaga sa kanya ay masabi niya kay Scarlet yung bigat na matagal na niyang dinadala.

Oo, pumayag siya sa planong ito dahil sa ayaw niyang mamatay si Scarlet. Sa mga lumipas na araw bago ang araw ng midnight ball ni Theon, hindi niya alam kung ano ba talaga ang magiging desisyon niya. Hindi niya alam kung susundin ba niya ang kanyang puso, kasi mahal na mahal niya si Scarlet at hindi siya papayag na ilayo ito sa kanya ngunit ang kapalit lang nito ay ang kamatayan nito. O, mas susundin niya ang kanyang isip at mas pipiliing ilayo sa kanya si Scarlet basta sigurado siyang mamumuhay ito ng payapa.

Queen of the Vampire KingDär berättelser lever. Upptäck nu