"What a pleasure. Do expect us to join, Dean Sandro," sagot ni Blanka.

"That's great! It's just a little celebration. It's my wife and I's anniversary so I thought I could invite you all to have fun. My great-granddaughter here helped us to cook some of our special dishes."

Nakangiting lumapit si Yassi kay Dean Sandro. Binigyan niya pa ng nang-aasar na tingin si Shantal bago siya tuluyang nakahawak sa braso nito. Nagtaas ng kilay si Shantal.

"Grandpa, I want to meet my Bisnonna! (Great-grandmother)" ani Yassi sa maligayang tono.

Sumulyap ako kay Roze na tahimik na nakatingin lamang sa lahat. Bakas ang pagod sa mukha niya at mukhang hindi na siya makakasama sa pagsasalong magaganap.

"Sure you will have to, Yassi," tumango ang Dean. "I know for sure she'll be glad to meet you too."

Hindi nagtagal ay nagtungo na rin kami sa pinakataas ng opisina ni Dean Sandro sa BSB office kung saan may mahabang lamesa na nakahanda para sa aming lahat.

Doon ay nadatnan namin ang isang matandang babae na naghihintay at ngumiti agad nang makita kami. The old woman's smile faded when her eyes drifted at Xiafezin Roze. May panunuri sa kaniyang mga mata.

Matamlay na tumingin din si Roze sa matanda. Inaalalayan namin siya ngayon ni Blanka dahil kanina pa namin napapansing hindi maganda ang pakiramdam niya.

We're expecting Zayden to come with her or at least notice that Roze isn't feeling well. But he seems to be oblivious about it. May lihim din silang pinag-uusapan ni Venix kaya hinayaan na lang namin.

"Good evening, Nonna..."

Hindi pinansin ng matanda si Krystal at ngumiti lang ito sa dalawang Valerious, si Darcee at Randee. Nakita ko pa ang pagtapik ni Tylex sa pinsan.

"Don't mind it," bulong niya rito ngunit hindi siya nagawang lingunin ni Krystal kahit pa narinig niya ito.

Ang mga mata niya'y napako na ngayon kay Yassi na nakangiti sa matanda.

Binati ng magkakapatid na Mondevalle at Valerious ang kanilang Lola at maligayang ngumiti ang matanda sa mga ito, maliban kay Krystal. Siguro'y hindi gaanong gusto ang isang apo?

Hindi na ako magtataka kung bakit.

"Nonna! It's nice to see you again here!"

Mabilis na yumakap si Shantal sa matandang babae at yumakap din ang matanda rito.

"W-Who are they?" pagtutukoy niya sa amin.

"New trainees, Nonna," ani Randee. "They are actually done with their skill test tonight."

"Oh! Did we disturb the training?"

"Of course not, Nonna," sagot ni Shantal.

"They'll be here with us for the celebration, Amore," nakangiting sinabi ni Dean Sandro sa asawa. Humarap siya sa'min. "By the way, I want to introduce you my wife, Laetitia Korinthia Valerious."

"Call me Madame Inthia," ngiti ng asawa.

"Amore. This is Ivanna Herrera, Scarlett Correa, Kendall and Klaud Dela Vega, Calixtaa Caballero, Skaizer Arcena, Ace Correa, Mikey De Marco, Jethro Ignacio, Heidi Delgado, Blanka Delgado, and Miss Roze La Spada."

"La Spada?"

Bahagyang namilog ang mata ni Mrs. Valerious habang nakatingin kay Roze na napatungo lang.

"She's—"

"You're Romnik's son?!" nakangiti nitong tanong, pinutol ang sunod na sasabihin ng Dean.

FLAMES OF ROZE | Season 1 | TRS#1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now