Sixteenth Miracle

8 0 0
                                    

Chapter 16
The Third Knight Angel

Maaga palang ay naghanda na si Rafael upang pumasok sa eskwela.

Maligalig ang namumutawing pakiramdam kay Rafael gayong ngayong araw ang kaarawan nito.

Pagkarating sa kanilang eskwelahan ay mga pagbati agad ang sumalubong sa kanya mula sa kanyang mga kaklase na pinangunahan ng dalawa nitong kaibigan na sina Gabriel at Celeste.

May bitbit ang dalawa na regalo na lalong nagpasaya kay Rafael.

"Maligayang kaarawan, Rafael." pagbati ni Celeste sa kanya na nakangiti ng malawak.

"Maligayang kaarawan sayo, Rafael." nakangiti namang wika ni Gabriel.

Inabot ng dalawa nitong kaibigan ang kanilang mga regalo sa kanya at malugod naman niya itong tinanggap.

"Salamat sa inyo." naiiyak nitong pagpapasalamat.

"Naku napaka-iyakin mo talaga kahit kelan, Rafael." natatawang sambit ni Celeste.

"Kayo kasi e pinapaiyak niyo ko." sumbat naman ni Rafael na tuluyan nang pumatak ang mga luha.

Natatawa nalang ang dalawa nitong kaibigan.

"Salamat sa inyong dalawa kasi andiyan lang kayo palagi na nakaalalay sakin. Salamat kasi hindi niyo ko iniwan." naluluhang wika nito.

"Tama na nga yan naiiyak narin ako sayo." sambit ni Celeste na hindi narin napigilan ang emosyon.

"Ang da-drama niyo talaga kahit kelan. Isang group hug nga diyan." singit ni Gabriel sa dalawa.

"Group hug!" wika nila sa isa't isa at nagyakapan.

Matapos ang kanilang klase ay inimbitahan ni Rafael ang dalawa nitong kaibigan sa kanilang bahay para sa maliit na handaan.

Pagkarating sa bahay nila Rafael ay sinalubong agad sila ng lolo ni Rafael ni si Ramiel.

"Mabuti naman at nakadalo kayong dalawa sa kaarawan ng aking apo. Bweno halina kayo sa loob at nang makakain na kayo." pagbati ni Ramiel sa dalawa.

Malugod namang tinanggap ng dalawa ang paanyaya ni Ramiel.

Tanging sina Gabriel at Celeste lang ang bisita ni Rafael bukod sa mga kaanak nito.

Tulad ni Gabriel ay hindi sanay sa maraming tao si Rafael kaya naman piling tao lang ang inimbitahan nito upang dumalo sa kanyang kaarawan.

Bago nagsimula ang piging ay hinadugan muna si Rafael ng isang awitin mula sa kanyang mga kaibigan at kaanak.

Wala namang pagsidlan ang pagpapasalamat ni Rafael sa tinatamasa nitong galak.

Masayang pinagsasaluhan ng magkakaibigan ang simpleng handa sa hapag nang maungkat ni Celeste ang nangyari noong isang araw kung saan nasaksihan nila ang Dark Mark sa kalangitan.

"Hindi pa rin maalis sa isip ko ang imahe ng Dark Mark. Nag-aalala ako sa maaring mangyari kinabukasan." bulong ni Celeste sa mga kaibigan nito.

"Binangungot nga ako kagabi dahil diyan." singit ni Rafael.

"Lubha ngang nakakabahala ang Dark Mark pagkat iyon ang hudyat ng pagsakop ng kasamaan sa mundo at ang napipintong paghahari ni Lucifer. Panahon na siguro para isakatuparan ang matagal nang dapat naisakatuparan ang pagbukas sa Chamber of Miracle." determinadong wika ni Gabriel.

"Pagbukas ng Chamber of Miracle?" hindi makapaniwalang hinuha ni Ramiel na hindi sinasadyang marinig ang usapan ng tatlo.

Gulat na gulat na napatingin ang tatlo sa kanya.

"Tama ba ang narinig kong winika mo Gabriel ang sagradong lagusan patungo sa kaharian ng Diyos?"

"Paano niyo po nalaman ang bagay na yun lolo?" gulat na tanong ni Rafael kay Ramiel.

"Ako ang dapat ang nagtatanong niyan sa inyo paano niyo nalaman ang bagay na iyan gayong mga anghel lang ang nakakaalam ng bagay na ito." litanya ni Ramiel.

Nagtinginan ang tatlong magkakaibigan sa tinuran nito.

Napakurap naman si Ramiel nang mapagtanto nito ang kanyang nasabi.

"Sabihin niyo nga lo may koneksyon po ba kayo sa mga anghel?" matapang na tanong ni Rafael sa kanyang lolo.

Nagpalinga-linga naman si Ramiel sa kanilang paligid.

"Mabuti pa siguro ay magtungo tayo sa kwarto mo Rafael at nang mapag-usapan natin ang bagay na 'to." bulong ni Ramiel sa tatlo.

Isinara agad ni Rafael ang pinto nang makapasok sila sa loob ng kwarto nito.

"Paano niyo nalaman ang tungkol sa Chamber of Miracle?" bungad ni Ramiel sa tatlo.

Nagkatinginan muli ang tatlo at tila hindi kumbinsido na ilahad ang katotohanan.

"Mas mainam siguro kung sagutin niyo muna lo yung tanong ko sa inyo kanina." sambit ni Rafael sa lolo nito.

"Ah-ang totoo niyan...

"Isa po kayong anghel." pagpuputol ni Celeste sa kanya.

Gumuhit ang gulat sa mukha ni Rafael nang marinig ito.

Hindi nakaimik si Ramiel sa tinuran ni Celeste sa kanya.

"Totoo po ba lolo?" usisa ni Rafael.

Tulala si Ramiel at tila napipi sa gulat.

"Kayo ang pangatlong Knight Angel." wika ni Gabriel.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyan?" hindi makapaniwalang bulalas ni Ramiel.

"Pagkat siya ang The Chosen One." pagsisiwalat ni Rafael.

Namuo ang luha sa mga mata ni Ramiel nang marinig ito sa kanyang apo.

"Tama ba ang tinuran ng aking apo? Ikaw nga ba ang The Chosen One, Gabriel?" naluluha nitong wika.

"Tama po kayo. Ako ang itinakda." sagot ni Gabriel.

Matapos itong sambitin ni Gabriel ay napayakap ng mahigpit si Ramiel sa kanya.

"Kaytagal ka naming hinanap, Gabriel." puno ng galak nitong sabi.

"Kung gayon kayo nga ang ikatlong Knight Angel lolo?" di patid ang kasiyahan sa boses na sambit ni Rafael.

"Tama ka apo ako nga at ikaw ay nagmula sa angkan ng mga anghel." nakangiting sagot ni Ramiel.

"Narinig niyo yun may lahing anghel ako!" nag-uumapaw sa sayang sambit ni Rafael sa dalawa nitong kaibigan.

"Masaya kaming malaman iyon Rafael." masayang wika ni Celeste.

"Mukhang itinakda nga talaga tayong tatlo na magkakaibigan." pabirong sambit ni Gabriel.

Masayang nagtawanan at nagkwentuhan ang magkakaibigan kasama ang pangatlong Knight Angel.

To be continued...

The Chamber of MiracleNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ