Tenth Miracle

7 4 0
                                    

Chapter 10
Revelation

Nang makuwi si Gabriel sa kanilang bahay ay dagli-dagli itong pumunta ng kanyang kwarto upang kunin ang kwintas na naiwan nito sa kanyang kama.

Halos manlumo sa takot si Gabriel nang makitang wala na ito sa kanyang higaan na siya nitong huling pinaglagyan.

Agad na nagtungo si Gabriel sa kanyang lola na abala sa paghahanda ng kanilang hapunan.

"Lola mayroon po ba kayong nakitang kwintas sa higaan ko?" tanong nito sa lola niya.

"Ano bang kwintas ang tinutukoy mo apo?" nakangiti nitong tanong.

Nagtaka si Gabriel sa emosyong bumabalot ngayon sa kanyang lola gayunpaman ay sinagot niya parin ito.

"May nakasabit pong snowflake sa kwintas."

Ngumiti ng malapad ang lola nito at nilabas sa kanyang kamay ang kwintas na hinahanap ni Gabriel.

"Ito ba ang hinahanap mo, Gabriel?"

"Iyan nga po." masayang wika ni Gabriel nang malamang hindi  ito nawala.

"Hayaan mong isuot ko sayo ang kwintas, Gabriel." pakiusap ng kanyang lola.

Naguguluhan man ay nagpaubaya si Gabriel na isuot ang kwintas sa kanya.

Matapos itong maisuot ni Gabriel ay naluha nalang ang kanyang lola at maagap siya nitong niyakap ng mahigpit.

"Lola b-bakit po kayo umiiyak?"
pagtataka ni Gabriel.

"Kaytagal ka naming hinanap." lumuluhang wika ng kanyang lola.

"Lola a-anong ibig niyong sabihin?"

"Ikaw ang The Chosen One, Gabriel."

Mas lalo pang humigpit ang yakap nito kay Gabriel.

"P-paano niyo nalaman ang tungkol doon" usig ni Gabriel.

"Pagkat isa ako dati sa tatlong Knight Angel na sinugo upang maghanap sa itinakda." pagsisiwalat ni Haziel sa kanyang apo.

Nagsitindigan ang mga balahibo ni Gabriel nang kanyang marinig ito.

"Isa kayong anghel?"

"Ganun na nga Gabriel."

"P-pero bakit kayo namuhay rito sa mundo ng mga tao? hindi bat nabibilang ang hanay niyo sa hanay ng mga Powers?"

"Ang mahabang panahon naming inilagi sa paghahanap para sa itinakda ang siyang nagdulot saming tatlo upang mawalan ng kapangyarihan at pakpak kung kayat namuhay kaming tatlo bilang mga mortal."

"Kung gayon isa nga kayong tunay na anghel?"

"Siyang tunay Gabriel." puno ng kagalakang wika ni Haziel sa apo.

Napayakap nalang ng mahigpit si Gabriel sa kanyang lola.

"Naiintindihan kong mahirap sa iyong tanggapin ang lahat ng ito pero Gabriel sana ay malinawan kang para ito sa kaligtasan ng lahat." turan ni Haziel sa apo.

Kumalas mula sa pagkakayakap si Gabriel sa kanyang lola.

"Hindi pa po ako handa lola." nakayukong wika nito.

Marahang hinaplos ni Haziel ang mukha ng kanyang apo.

"Hindi ito patungkol sa sukatan ng galing Gabriel. Ang paghahanda ay hindi nangangailangan ng mahabang panahon bagkus ito ay nangangailangan ng sapat na tapang upang ito'y harapin ano mang oras." makabuluhang pangaral ni Haziel sa apo.

Naluha nalang si Gabriel nang marinig ito mula sa kanyang lola.

To be continued...

The Chamber of MiracleWhere stories live. Discover now