Twelfth Miracle

15 4 2
                                    

Chapter 12
The Second Knight Angel

Maingat na nilapag ni Muriel ang gintong libro nito sa kanyang mesa.

Mahabang panahon na niya itong iniingatan at kailanman ay hindi niya ito iniwan o pinagkatiwala sa iba.

Nagbalik-tanaw siya sa mga nangyari kanina kung saan nahulog ito sa pagkakabungo ng binata na kaklase ng kanyang apo—si Gabriel.

Kilalang kilala ni Muriel ang binata gayong madalas itong magawi sa library kung saan siya nagtratrabaho bilang librarian.

Naalala nito kung paano gumuhit sa mukha ni Gabriel ang labis na pagkagulat nang makita ang Book of Angels.

Hindi mawala sa isip ni Muriel ang mga katagang namutawi sa binata nang tanungin siya nito kung ano ang librong nasa kanyang pag-iingat.

Nababahala si Muriel nang masabi nito sa binata ang uri ng libro.

Nagpapasalamat nalang siya at hindi niya nasabi ang luwad na katotohanan sa likod ng libro—kung ano ang tunay na nilalaman nito.

Binuksan niya ang libro at mula sa blankong pahina ay lumabas ang mga titik na tila may nagsusulat sa mga ito.

Ang mga titik ay unti-unting bumuo ng salita hanggang sa nakabuo sila ng kumpletong teksto.

For he is a mortal.

The dark one will vanguish through him.

The Chamber will open only for he who don't believe in Miracle...

Unti-unting naglaho ang mga nakasulat sa pahina nang matapos itong basahin ni Muriel.

Isinara muli ni Muriel ang gintong libro.

Ilang panahon narin ang nagdaan at nasa pangangalaga parin niya ang libro kahit pa wala na siya sa katungkulan upang pangalagaan pa ito.

Ngunit wala siyang magagawa kundi gampanan ang pangangalaga sa libro gayong dito nakapaloob ang lahat ng propesiya lalong lalo na ang huling propesiya na nagdulot sa kanya at ng dalawa niyang kasamahang anghel sa pagkawala ng kanilang pakpak at kapangyarihan.

Bigo man silang tatlong Knight Angel sa paghahanap noon ay hindi parin nawawala ang pag-asa sa puso ni Muriel na darating din ang panahon na mahahanap at matatagpuan ang itinakdang makapagbubukas sa Chamber na siyang nakasaad sa propesiya.

"Magandang hapon po Mrs. Muriel." natalima si Muriel nang marinig ang boses na iyon.

"Oh iho Gabriel naparito ka wala na ba kayong klase?" tanong niya kay Gabriel na nakatayo sa tapat ng kanyang mesa.

"Bakante po namin e."

"Ganun ba o siya at mamili ka na ng librong gusto mong hiramin."

Hindi sumagot sa kanya ang binata bagkus ay nakatuon ang atensyon nito sa gintong libro.

"Natatakot akong hindi ko maibibigay ang naisin mong libro ngayon, Gabriel." tugon ni Muriel tsaka kinuha ang gintong libro at isinilid ito sa kanyang cabinet.

Kabadong ngumiti si Gabriel sa kanya.

"Ah s-sige po maghahanap nalang po ako ng libro sa doon sa bandang dulo." sagot nito at tinungo ang dulong sulok ng library.

Palaisipan kay Muriel kung bakit interesado ang binata sa kanyang libro.

Napaisip tuloy siya kung may higit na nalalaman ang binata patungkol sa libro.

Likha nga ba ito ng kuryosidad o masidhing paghahangad?

To be continued...

The Chamber of MiracleWhere stories live. Discover now