First Miracle

48 17 3
                                    

Chapter 1
Snowflake

Ang mga puno ay nagsisimula nang mamulaklak, hudyat na paparating na ang tagsibol.
Ang araw ay sumisilip sa kanluran na tila hindi pa handa sa panahon ng tagsibol.
Ang mga niyebe sa lupa ay nagsisimula naring matunaw.

Ang bawat araw ay isang milagro.
Ang lahat ng tao sa mundo ay naniniwala sa milagro maliban kay Gabriel.

Ulilang lubos na si Gabriel.

Pumanaw ang kanyang ina nang siyay isilang nito.At ang kanyang ama naman ay namatay dahil sa aksidente.Kayat ang kanyang lola nalang ang nagsilbing ama at ina nito.

"Lola pasok na po ako." paalam ni Gabriel sa kanyang lola na nakaupo sa tapat ng bintana.

"Mag-ingat ka apo." paalala ng kanyang lola.

Ngumiti lamang si Gabriel bilang pagsang-ayon.

Medyo madilim palang sa daan nang magsimulang maglakad si Gabriel.

Ang daan papunta sa kanilang paaralan ay makipot at masukal.

Sa gilid nito ay may malawak na gubat.

Nakasanayan na ni Gabriel ang paglalakad ng maaga nang sa gayon ay hindi siya mahuli sa kanyang klase.

Biglang umihip ang malamig na hangin sa kanyang katawan.

Mabuti na lamang ay may dalang sweater si Gabriel na bigay pa ng kanyang yumaong ama.

Pagkatingala ni Gabriel sa kalangitan ay bumagsak sa kanyang ilong ang isang snowflake.

Gulat na gulat si Gabriel sa kanyang nasaksihan.

Iginala nito ang kanyang mukha.

Ang daan na kanina pa niyang tinatahak ay nababalot na ng nyebe.

Maging ang malawak na gubat sa gilid ay nababalot narin ng makapal na nyebe.

Kinusot ni Gabriel ang kanyang mata, nagbabasakaling namamalik-mata lamang ito.

Pero pagmulat niya ay ganun parin.

Kinurot niya ang kanyang pisngi, nagbabasakaling nananaginip lamang siya.

Pero nakailang kurot na siya sa kanyang pisngi ay hindi parin nawawala sa kanyang paningin ang daan at gubat na balot ng makapal na nyebe.

Nyebe sa buwan ng Hunyo?
sa isip ni Gabriel.

Nagtataka si Gabriel kung bakit umuulan ng nyebe gayong Hunyo na.

Pero mas nagulat siya nang makitang sa parteng yun lang umuulan ng nyebe.Walang bahid ng yelo ang buong lugar maliban sa kanyang tinatahak.

Kinuha ni Gabriel ang snowflake na nasa kanyang ilong.

Namangha siya sa perpektong hulma nito.

Naniniwala ang mga tao sa kanilang lugar na hinuhulma ito ng mga Anghel sa kalangitan.

Pero para kay Gabriel, hindi.

Pagkat ni minsan hindi siya naniwala sa mga kwentong bayan, sa mga paniniwala, sa mga pamahiin, sa mga kasabihan, sa mga kababalaghan, at lalong lalo na sa milagro.

Matalino si Gabriel para diktahaan o paniwalain ng sinuman.

Inusisa nito ang Snowflake na nasa kanyang kamay.

Sa sobrang nipis nito ay kahit isang hawak lang ay matutunaw na agad.

Hinawakan ito ni Gabriel gamit ang dalawa nitong daliri.

Nagulat siya nang hindi ito natunaw.

Ikinulong niya ang snowflake sa kanyang mga palad.

Nagtaka si Gabriel nang buksan niya ang kanyang palad.

Hindi ito natunaw kundi kuminang.

Parang isang diyamante ang snowflake sa pagkapino at kinang nitong hatid.

Napatitig si Gabriel sa snowflake.

Itinapat niya ito sa kanyang mukha at mariing inusisa.

Kumikinang ito na parang bituin sa langit.

Ang perpektong hugis nito ay maihahalintulad sa kinang ng pinakamalaking bituin sa kalangitan.

Binaliktad ni Gabriel ang snowflake at laking gulat nito nang mapansing may nakaukit rito.

Sa gitna ng snowflake ay nakaukit ang isang feather.

Hinaplos niya ito.

Umilaw ito ng kulay ginto.

Napasinghap sa gulat at pagkamangha si Gabriel sa kanyang nasaksihan.

Natulala rito si Gabriel.

Mas lalong namangha si Gabriel nang mapansing lumakas ang gintong ilaw nito.

Lumakas pa lalo ang liwanag na nagmumula rito.

Nasilaw si Gabriel sa taglay na liwanag ng snowflake.

Tinakpan niya ang kanyang mukha.

Hanggang sa makaramdam si Gabriel ng malakas na pwersa na nanggagaling sa liwanag na parang hinihigop ang buong katawan nito.

Magpro-protesta pa sana ang katawan ni Gabriel pero huli na nang higupin na siya ng liwanag.


To be continued...

The Chamber of MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon