Fifth Miracle

20 15 0
                                    

Chapter 5
Flight of the three

Nang makabalik si Gabriel sa kanila ay hindi siya makapaniwala nang magawi ang tingin nito sa orasan.

Limang minuto lang ang lumipas magmula nang mawala siya sa kanila gayong halos buong araw ang ginugol niya sa Mt. Wingard.

Gayunpaman ay nagmadali parin si Gabriel na pumunta sa kanilang eskwelahan.

Isinalaysay ni Gabriel ang lahat ng kakatwang pangyayari na naganap sa kanya nitong nagdaang araw sa kanyang mga kaibigan.

Hindi halos makapaniwala sina Celeste at Rafael sa kanilang mga nalaman.

"Gabriel hindi kaya napaginipan mo lang yan." turan ni Rafael.

"Kaya nga Gabriel baka naman nag-lucid dream ka lang." pangsasang-ayon ni Celeste.

"Tsaka walang bundok na Mt. Wingard sa mundo Gabriel."

"Meron at ako ang makakapagpatunay gayong napuntahan ko na ito. Totoo lahat ng sinabi ko sa inyo. Hindi ko gawa-gawa ang lahat ng ito."

"Sige sabihin na nating totoo nga ang lahat ng ito pero bakit? bakit ka napunta sa lugar na iyon, Gabriel?" usisa ni Celeste.

"Pagkat ako ang The Chosen One."

"The Chosen One?" sabay na wika ng dalawa niyang kaibigan.

"Tama ako ang napili at nakatakdang magbubukas sa chamber."

"A-anong Chamber?" tanong ni Rafael sa kanya.

"Ito ang Chamber of Miracle, isa itong lagusan papunta sa kanlungan ng mga anghel."

Nagtinginan ang dalawa niyang kaibigan na pawang hindi parin kumbinsido sa kanyang mga isiniwalat.

"Alam kong mahirap paniwalaan pero totoo, ako ang itinakdang makapagbubukas sa selyadong itim na mahikang nakapalibot sa Chamber of Miracle."

"Pero Gabriel—"

"Hindi ka ba naniniwala sakin Celeste? hindi ba't ikaw pa ang nag-uudyok sa aking maniwala sa mga milagro?"

"Gabriel hindi naman sa ganun."

"Kung ganun ano nga? o baka naman hindi kapani-paniwala na galing sakin ang mga 'to gayong matagal na panahon akong hindi naniniwala sa mga milagro?"

"Gabriel nagkakamali ka."

"Gabriel ano yang suot suot mong kwintas?" biglang singit ni Rafael.

"Ah eto ba." hinawakan niya ang mahiwagang snowflake.

"Eto ang nagsisilbing daan ko papunta sa Mt. Wingard."

Lumapit ang dalawa niyang kaibigan at inusisa ang kwintas.

"Teka totoong snowflake ang isang 'to." manghang sabi ni Celeste.

"Ang astig hindi siya natutunaw!" manghang tugon ni Rafael.

Hinawakan ito ni Celeste at nagulat nang maramdaman ang init nito.

The Chamber of MiracleWhere stories live. Discover now