Second Miracle

40 17 0
                                    

Chapter 2
Mt. Wingard

Nagising si Gabriel sa gitna ng kawalan.

Nataranta si Gabriel nang mapansin niyang ang paligid ay nababalot ng makapal na yelo.

At walang pagsidlan ang lakas ng walang tigil na pag-ulan ng nyebe.

Ang lahat ng nakikita niya ay puti.

Walang bahid ng kulay,

tulad ng kanyang buhay.

Tumayo ito at naglakad.

"N-nasaan ako?" tanong ni Gabriel sa kanyang sarili at bakas ang kaba sa boses nito.

Naglakad ito sa kawalan habang pilit iniinda ang takot na kanyang nadarama.

Si Gabriel ay namuhay na walang takot.

Walang araw na hindi niya sinuong ang hamon ng kanyang buhay.

Walang pagkakataon na hindi siya naging matapang.

Ni minsan hindi niya naramdamang siya ay nag-iisa.

Pero ngayon ramdam niya ang matinding takot.

Ramdam niya ang pag-iisa.

Binabalot ngayon ng matinding lamig ang kanyang matapang na puso.

Nanliliit siya sa kanyang sarili sa takot at kaba na kanyang nadarama ngayon.

Naglakad sa kawalan si Gabriel.

Tila walang hangganan ang lugar kung nasaan siya ngayon.

Unti unti naring lumulubog ang sikat ng araw na tila sumasabay sa pagkawala ng pag-asa nito hanggang sa nasilayan ni Gabriel ang maliit na bahay.

Nagsimulang tumakbo si Gabriel patungo sa maliit na bahay pagkakita niya rito.

Kahit papano ay nagkaroon siya ng munting pag-asa.

Hingal na hingal si Gabriel nang marating niya ang bahay.

"Tao po?" marahang pagkatok ni Gabriel sa pintuan ng maliit na bahay.

Ang bahay ay maliit at gawa sa kahoy.

Kitang kita mula sa labas ng bintana ang alab ng apoy na nagmumula sa silid-painitan.

"Tao po?"

Sa pangatlong katok ni Gabriel bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang magandang babae.

Ang babae ay may mahabang kasuotan, kulay ginto ang hibla ng kanyang mga buhok.

Namangha si Gabriel nang mapansing kulay ginto rin ang kulay ng kanyang mga mata.

Ang kanyang kagandahan ay maihahalintulad sa isang diwata.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo iho?" malumanay na tanong ng babae.

"Ahh magandang gabi po. Pasensiya na po sa istorbo pero pwede po bang makituloy muna ako sa inyong bahay pansamantala?"

"Siyempre naman iho ang lahat ng taong nangangailangan ay laging pinagbibigyan." makabuluhang sabi nito kay Gabriel.

"Salamat ho."

Unang pumasok ang babae sa loob at sumunod naman sa kanya si Gabriel.

"Saang lugar po ito?" biglang tanong ni Gabriel sa babae na kasalukuyang kumukuha ng mga panggatong.

Napalingon ang babae sa kanya.

Tiningnan lamang niya si Gabriel na tila tinubuan ng pakpak.

Isang nakakabinging katahimikan ang namayani bago nagdesisyong sumagot ang babae.

The Chamber of MiracleWhere stories live. Discover now