Fourth Miracle

28 16 0
                                    

Chapter 4
Mt. Wingard's Guardian

Nagising si Gabriel nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mukha nito.

Habang nagliligpit ng higaan ay bigla nitong naalala ang pangyayari kagabi.

Hindi parin makapaniwala hanggang ngayon si Gabriel na ang inaakala nitong panaginip ay isa palang katotohanan.

Ang nagpatigil sa mga panghihinala ni Gabriel ay ang kwintas na minsang naging lagusan niya papunta sa Mt. Wingard.

Hindi lubos malaman ni Gabriel ang kanyang mararamdaman gayong alam niyang kaabikat ng lahat ng ito ay isang responsibilidad na hindi niya matiyak kung totoo ba o hindi.

Hindi maipagkakaila na puno parin ang puso niya ng pag-aalinlangan.

Kinapa niya ang loob ng kanyang damit kung saan nito suot ngayon ang kwintas.

Namangha siya sa katangian ng kwintas na snowflake.

Hindi ito natutunaw at tila may sarili itong buhay.

Hinawakan niya ito at sa kanyang gulat bigla itong umilaw.

Nasilaw si Gabriel sa tingkad ng liwanag nito.

Parang may kung anong pwersa ang nagmumula sa liwanag na humahatak sa kanya.

At doon palang ay alam na ni Gabriel ang mangyayari sa kanya.

"Hindi. hindi maaari!" sigaw nito habang nilalabanan ang pwersa na humihigop sa kanya.

Pero huli na nang mas tumingkad pa ang liwanag na nagmumula rito.

At sa isang iglap ay naglaho si Gabriel kasama ng kwintas.

~*~

Natagpuan ni Gabriel ang sarili sa pamilyar na lugar.

Ang buong paligid ay balot ng yelo.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang kita niya ang bulubundukin ng Wingard.

Sa kanyang likuran ay ang kaisa-isang bahay na nakatirik sa lugar na iyon.

Napagpasyahan ni Gabriel na pumunta sa loob habang balisa parin sa mga pangyayari.

Kumatok si Gabriel sa pintuan at bumungad sa kanya ang anghel na may gintong buhok na nakilala niya sa inaakala niyang panaginip.

Ngumiti ito sa kanya.

"Alam kong babalik ka tulad ng inaasahan ko." sabi nito pagkatapos ay malugod na inanyayahan siya papasok sa loob ng silid.

"Maupo ka iho." sabi ng anghel kay Gabriel.

"Hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko." wika ng anghel.

"Ako si Eris, ang tagapagbantay ng Mt. Wingard at Chamber of Miracle."

"T-totoo ang lahat ng 'to?" hindi makapaniwalang wika ni Gabriel.

"Lahat ng nakikita mo ay pawang katotohanan, Gabriel." sagot ng anghel.

"Pero bakit ako narito anong kailangan mo sakin?"

"Pagkat may misyon kang kailangang mapagtagumpayan, Gabriel." malumanay na tugon ng anghel sa kanya.

"Anong misyon?"

"Kailangan mong buksan ang sagradong lagusan ng mga anghel. Ikaw ang The Chosen One, ikaw lang ang tanging makakapagbukas ng Chamber of Miracle."

"Nagkakamali kayo wala akong kahit anong kakayahan para buksan ang Chamber na sinasabi nyo."

"Hanggang ngayon ba ay pinagdududahan mo parin ang iyong sariling kakayahan Gabriel?"

Naglakad ang anghel papalapit sa kanya at hinaplos ang mukha ni Gabriel.

"Puno ng poot ang iyong puso, pinupuno ng poot ang iyong paniniwala't pananampalataya."

"Wala kayong alam sakin." matalas nitong sabi at tinalikuran ang anghel.

Nang makalabas ay tumakbo siya palayo sa munting tirahan ng anghel.

Binagtas ni Gabriel ang daan papunta sa Buludundukin ng Mt. Wingard.

Madulas at matarik ang daan pero nagpatuloy parin si Gabriel sa kagustuhan nitong mapag-isa.

Hindi alintana ni Gabriel ang lamig na dulot ng pag-ulan ng yelo sa bundok ng Wingard.

Kalaunan ay nanginginig na ito sa lamig kaya napagpasyahan niyang tumigil sa paglalakad.

Naupo sa isang matayog na puno si Gabriel at niyakap ang sarili sa lamig.

Nanghihina na ang katawan nito sa sobrang lamig.

Hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng malay.

Nang magkaroon siya ng malay ay nahanap nito ang sarili sa isang kweba.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga at doon nito nasilayan ang anghel na si Eris sa buong anyo nito.

Nakalabas ang gintong pakpak nito na pumapareha sa kanyang ginintuang buhok.

Kapansin pansin sa lahat ang mapusyaw na gintong bilog sa itaas ng kanyang ulo—ang halo.

"Nagagalak akong makita kang maayos, Gabriel." turan nito.

"A-anong nangyari?"

"Nanigas ang iyong katawan sa sobrang panlalamig kaya tumigil sa pagtibok ang iyong puso."

"Tumigil sa pagtibok?" gulat na tanong ni Gabriel.

"Nag-yelo ang buong katawan mo kaya naman tumigil ito sa pagtibok kung kayat hinilom ko ang iyong katawan para bumalik sa pagtibok ang iyong puso."

"Maraming salamat." nahihiyang tugon ni Gabriel tsaka ito napayuko.

"Alam kong mahirap parin sa iyong tanggapin ang lahat lalo na ang responsibilidad na sayo ay nakatuon. Pero hindi lang kapakanan ng mga anghel ang nakataya dito kundi pati ang sangkatauhan. Hinihiling ko na sana ay maintindihan mo rin balang araw. Kung dumating man ang araw na iyon ay sana hindi pa huli ang lahat." seryosong wika ng anghel.

Agad na binagabag ang isip ni Gabriel sa tinuran sa kanya ng anghel.

Naglakad palapit ang anghel sa bukana ng kweba at ibinuka ang gintong pakpak nito na nakahandang lumipad ano mang sandali.

Tumingin siya kay Gabriel at nginitian ito.

"Kung aalis ka ay hawakan mo lang ang suot mong kwintas at makakabalik ka sa inyong lugar ng ligtas. Hanggang sa muli, Gabriel." pagkasabi niya nito ay mabilis pa sa kidlat itong lumipad sa himpapawid.

Tiningnan ni Gabriel ang suot niyang kwintas.

Buo parin mula rito ang mahiwagang piraso ng snowflake.

Binabagabag man ang isip ay napagdesisyunan ni Gabriel na bumalik sa kanila.

Hinawakan niya ang gitnang bahagi ng snowflake at lumabas mula rito ang nakakasilaw na liwanag na siyang lumamon sa kanya ng buo.

To be continued...

The Chamber of MiracleWhere stories live. Discover now