Seventh Miracle

15 4 0
                                    

Chapter 7
Lucifer

Si Lucifer ay dating anghel.

Nahahanay siya sa mga Archangel na ang tungkulin ay panatilihin ang kapayapaan sa langit ngunit naging sakim siya at gahaman sa kapangyarihan na umabot sa puntong ninais nitong palitan sa posisyon ang Panginoong Diyos.

Ang kanyang pag-aaklas sa Panginoong Diyos ay nagdulot sa kanya at ng kanyang mga kapanalig na anghel sa kanilang pagkatakwil mula sa kalangitan pabulusok sa Paraiso ng Kawalan (Paradise Lost) kung saan ang lugar ay gawa sa nagbabagang bato at lupa na kalaunan ay tinawag na impyerno. Ang lugar kung saan sila paparusahan ng walang hanggan.

Simula noon mas umigting ang galit nito sa Diyos. Sa mga hakbang nito na gapiin ang Diyos ay wala ni isa sa mga ito ang nagtagumpay kung kaya naman nag-isip siya ng ibang paraan at kumalap ng bagong estratehiya na siyang magpapabagsak sa kaharian ng Diyos.

Napagtanto niyang hindi niya mapapabagsak ang Diyos hanggat hindi nawawala ang mga kapanalig nito sa mundo ng tao-ang mga Guardian Angel na siyang nagpapanatili ng kabutihan at kaayusan sa mga tao.

Pinag-isipan at pinag-planuhang mabuti ni Lucifer ang kanyang ginawang hakbang upang maubos ang hanay ng mga Guardian Angel bagamat sila ang panghuling hanay sa hirarkiya ng mga anghel ay higit na importante ang kanilang tungkulin gayong sila ang pinakamalapit sa tao. Sila ang nagsisilbing gabay ng mga tao sa mundo upang ilayo sa kasamaan at panatilihin ang kabutihan sa kanilang mga puso.

Mapayapa ang gabi sa Mt. Wingard nang salakayin ito ni Lucifer.

Gamit ang lumang itim na mahika ay isinara ni Lucifer ang Chamber of Miracle na daan papunta sa kanlungan ng lahat ng uri at hanay ng mga anghel papunta sa kaharian ng Diyos.

Ang Chamber of Miracle ang nagbibigay ng buhay sa lahat ng uri ng anghel at isa na rito ang mga Guardian Angel na naglalagi sa banal na lugar ng Mt. Wingard.

Magmula noong isara ang Chamber of Miracle ay unti unting nalagas ang hanay ng mga Guardian Angel.

Sa pagkawala ng mga Guardian Angel ang siyang naging hudyat sa napipintong paghahari ni Lucifer sa lupain ng mga tao.

Hanggat hindi nabubuksan ang Chamber of Miracle ay mananaig ang kasamaan sa mundo.

Tulala lang si Gabriel nang isalaysay ni Eris sa kanya ang nakaraan at paghihimagsik ni Lucifer na siyang nagtulak sa kanya upang isara ang Chamber at nagdulot sa pagkaubos sa hanay ng mga Guardian Angel.

"Nakasalalay sayo ang kapalaran at kinabukasan ng sanlibutan, Eros." wika ng anghel kay Gabriel.

"Pero wala akong sapat na kakayahan." alinlangan ni Gabriel.

"Nasa puso mo ang sapat na kakayahan." makahulugang sagot ng anghel.

Napakunot ng noo si Gabriel sa tinuran sa kanya ng anghel.

"Nabanggit mo kaninang may hanay ang mga anghel." usisa ni Gabriel kay Eris.

"Tama ka Gabriel tinatawag itong Hierarchy of Angels."

To be continued...

The Chamber of MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon