TC 012: Where Is He?

Start from the beginning
                                    

"Si-sinong sila?", mahinang saad ni Edel mula dito.


"Sina Ara, Add, Chung, Elena at si ...", pinutol nito ang kanyang pagkakasabi sa mga pangalan ng mga kaibigan ni Emil. Tila ayaw na nitong banggitin kung sino ang isusunod niyang pangalang sasabihin.


"At si... Sino?!", galit na turan ni Edel mula dito.


"Sina Ara, Add, Chung, Elena at Emil", malungot na wika nito kay Edel. Tila automatic kay Edel na bigla itong himatayin dahil sa masamang balitang ito.


——-+++++——-


ELESIS's POV


Bigla na lamang nahimatay si Edel ng marinig nitong ang barkada nila Emil ang nasabing patay ni Dio. Lahat kami at nabigla sa mga nangyari. Para kaming mga istatwang hindi makapagsalita dahil sa balitang nalaman namin mula kay Dio.


"Sigurado ka bang sila yung mga taong iyon ba binanggit ni Ma'am? Baka naman nagkakamali lang siya?", lakas loob kong kong tanong Kay Dio.


"Sa tingin ko at malalaman natin ang lahat ng katanungan na iyan kung pupuntahan na natin mismo ngayon kung saan nakita ang bangkay nila", saad ni Dio sa amin.


"Saan daw ba natagpuan yung mga katawan nila kung sila nga ba talaga iyon?", dagdag ni Amy na kanina pa reklamo ng reklamo.


"Nabanggit sa akin ni Ma'am na sa may Laguna daw nakita ang katawan nila, malapit daw sa Enchanted Kingdom. Si Ma'am agad ang tinawagan nila dahil nakita nila sa ID ng mga bangkay ang pangalan ni Ma'am at tinawagan nila ito", sabi ni Dio.


"O siya Tara na para malaman na natin", dugtong ni Arme.


——-+++++——-


Agad bumiyahe ang magbabarkada papuntang Laguna. Halos inabot din sila ng dalawang oras papunta mula dun. Malayo pa lang sila sa Enchanted Kingdom ay nakikita na silang mga taong nagkukumpulan sa may poste. Naroon din ang mga pulis at ilang mga nag-iisyoso sa nasabing eksena. Sigurado na silang sa mga kaklase nila ang pinagkakaguluhan dito dahil nakita nila ang isang puting van na pagmamay- ari ng pamilya nila Add dahil  nakaimprinta mula sa gilid ng wasak nitong van na halos mayupi ang ang Kalahati nito ang Add is the Best! Halos yung salitang the Best! na lang ang nakita nila dahil sa halos  mangalahati na lang ang van na ito. Parang napakalakas ng pagkakabangga nito sa poste. May mga talsik pa ito ng mga dugo sa mga gilid ng bintana ng van.


——-+++++——-

 

DIO's POV


Nag park kami sa di kalayuan na pinangyarihan ng insidente. Pagbaba pa lang namin sa van at nakaramdam na agad kami ng kakaibang lamig. Ibang lamig yung naramdaman namin. Parang nakakataas ng mga balahibo. Lumapit kaming lahat pwera lang kina Lime at Edel dahil hanggang ngayon ay Hindi pa rin gising si Edel mula sa pagkakahimatay niya. Nag volunteer si Lime na siya na muna ang magbabantay sa kanya.


Habang papalapit kami ng papalapit ay lalo naming naaamoy ang masangsang na Amoy mula dito na parang matagal na itong nabubulok. Hanggang sa makita namin ang malagim na sinapit ng aming mga kaklase. Halos tadtad sila ng mga saksak at maraming hiwa sa katawan nila at kung saang saang parte ng katawan nila. Naliligo na rin ang mga ito sa mga sarili nilang mga dugo at natuyo na ang iba na kumalat na sa kalsada. Nilalangaw na rin ang ilang mga hiwa sa katawan nila. May ilang mga gumagapang na insekto ang makikita sa katawan nila. Talagang nakakapandiri ang aming nakita.


"Kaano ano niyo ang mga biktima?", biglang saad sa amin ng isang pulis na nagpakilalang si Officer Jessie.


"Mga kaklase po namin sila. Tingnan niyo po parehas po kami ng ID at section", sabay abot ko ng aking  ID mula sa officer.


"Ahhh, ganun ba? Sige", sabay alok sa amin na pumasok sa CaUtion sign .


"Officer, ano po bang nangyari dito?", tanong ko ulitt sa pulis. Marami kaming katanungan sa kanya dahil lahat kami at gulat na gulat sa mga nangyayari. Hindi namin alam kung aksidente ba ang nangyaring ito sa kanila o sinadya ito dahil bakit napakadaming hiwa nila sa katawan? Hindi kaya kagagawan na naman ito ng Collector? Pero papaano?


"Ilang araw ng patay ang mga biktima dahil na rin sa naagnas na ang mga balat ng mga ito. Hindi na din sila halos makilala dahil sa dami ng saksak sa kanila, buti na lang at may narecover kaming ID nila. Hindi namin agad nakita ang mga bangkay ng kaklase niyo dahil bihira lamang ito daanan ng mga tao, napakaliblib kase na ng lugar na ito at halos walang bahay na madadaanan dito. Mukhang napagtripan sila ng nga adik kaya ganyan ang nangyari sa kanila ", sunud sunod na paliwanag sa akin ng officer. Ilang araw na? Oh, shit! Napabulalas ko sa isip ko. Hindi mga adik ang gumawa nito sa kanila. Hindi kaya inuna ng patayin ng Collector ang mga kaklase ko dito bago niya kami atakihin? Damn it! Napakasama niya! Wala na ba talaga siyang puso?


"Pero officer, bakit apat lang silang nandito? Lima po kase silang magkakasama ee", tanong ko sa officer dahil isa sa kanila ang wala. Sa pag- oobserba ko ay lalaki ang nawawala dahil sa hugis pa lang ng mga pangangatawan nila ay 3 balingkinitan at isang medyo malaki ang pangangatawan. Hindi ko mawari kung kay Emil ba o Add ang nawawalang bangkay. Sana naman ay kung sino man ang nakaligtas sa kanila ay  tumawag agad sa amin para malaman namin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Sana ay nakaligtas ito.


Nagkukuyom ako sa galit dahil sa mga nangyayari. Ano bang sumpa meron ang section namin? Hindi na ba niya kami titigilan hanggat hindi kami nauubos? Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Parang wala na lang sa kanila ang nangyari. Walang ekspresyon ang kanilang mga mukha, Parang nawawalan na sila ng pag ASA na makakaligtas pa sila. Niyaya ko na silang umuwi kami at nagpaalam na kami sa officer. Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Wala naman akong nakitang kakaibang kilos sa kanila. Dapat ko silang pagmasdang mabuti. Lahat ng kilos at mga kaunting galaw nila. Malalaman ko din kung sino ka! Lahat sila ngayon ay mga suspek ko. Nang yayain ko na silang sumakay ay nakita naming pababa sina Lime at Edel. Hindi pa sila nakakaalis sa van at isang nakakakilabot na pangyayari ang nakita namin. Isang bagay na hindi naming inaasahang lahat.


Limeeeeee! Edelllllll!

The CollectorWhere stories live. Discover now