Chapter 33

299 35 0
                                    

Krislyn's P.O.V

Masaya kaming nagse-celebrate kahit kami kami lang,mas maganda nga ang ganito kesa bonggahan pa.

Bukas ang alis namin papuntang Palawan,wala na kaming kailangang gastusin pagdating dun dahil ang parents na namin ang bahala,gift na nila yun sa amin.

Tutal 1 month na lang ang magiging pahinga namin at magsisimula na kaming tumulong sa business.

Siguro si shei lang ang magiging maluwag ang schedule dahil mag-e-emerge na ang company nila ni Oliver at dahil sweet at mabait si Oliver s'ya na ang bahalang magpapatakbo non.

"Bro sasama ka ba bukas?"rinig kong tanong ni Vince kay aivenne,sana sumama na s'ya para makapag pahinga naman s'ya.

Single na ulit si aivenne ngayon at kung bakit?well micalyn and him broke up,akala nga namin magtatagal sila pero hindi pala dahil hindi naman talaga gusto ni aivenne si micalyn,ewan ko ba at bakit naging ganyan yang si aivenne nagmukhang heart broken yan simula nung umalis si Zy.

"Yup,I'll come with you"sagot nito at kumuha ng chocolate cupcake.

"Aivenne wag kang magge-girlfriend huh hintayin mo kaibigan namin"gulat akong napa lingon kay jinky nang sabihin n'ya yun,pero parang wala lang sa kanya dahil nagtuloy tuloy lang s'ya sa pagkain.

Napa ubo naman bigla si aivenne,"oh my gosh,bigyan n'yo s'ya ng tubig bilis"natatarantang ani ko at agad namang binigyan ng tubig ni psalm si aivenne na mukhang naluluha pa ang mga mata.

Lokang jinky na to,nilingon ko naman si cevin nang magpigil ito ng tawa,nagtatanong ko itong tinignan nang lingunin ako nito pero umiling lang ito at nagtuloy tuloy sa pagkain pero halatang natatawa pa rin.

"Wag kang mag-alala jinky matyaga naman yang kaibigan namin hahaha"tatawa tawang ani ni Psalm.

Napailing nalang ako mukhang alam ko na hahaha di naman ako ganon ka slow para di maintindihan ang gusto n'yang sabihin.

"Uhm...do you mind if I ask" panimula ni cevin na mukhang seryoso na.

"Not at all,ano ba yun?"tugon ko sa kanya,sinulyapan pa nito si aivenne bago ako muling tinignan.

"When will you---"

*cring~*

Hindi pa man naitutuloy ni cevin ang tanong n'ya ay biglang tumunog ang doorbell.

"Teka,baka sina mama yun ako na ang magbubukas"prisinta ni tintin,napa tango lang ako.

"Sasamahan na kita"agad na tumayo si dailan kaya hindi na s'ya pinigilan pa ni tintin.

Tumuloy lang kami sa pagkain pero ang tagal ata ng dalawa.

*****
Christine's P.O.V

"Bumalik ka na dun"sabi ko sa kanyang pero sadyang makulit s'ya kaya hindi n'ya ako pinakinggan instead mas lalo pa s'yang tumabi sa akin.

"When will you forgive me christine?"seryosong tanong nito,
Hmph when will you forgive me n'ya mukha n'ya!

"Kapag maayos na ang lahat" simpleng sagot ko,hindi naman talaga ako galit sa kanya dahil wala naman s'yang kasalanan.

Nawalan lang ako ng tiwala sa kanya dahil dun sa nakita ko, mawala na ang lahat wag lang ang tiwala.

Kasi pagnawala ang tiwala hindi na magiging maganda ang relasyon dahil mababalutan na ng pangamba at paghihinala.

Ayaw kong mabaliw lalo na't Playboy pa naman s'ya,pero mukhang unti-unti naman na s'yang nagbabago pero hindi parin yun sapat.

Parang may hinihintay at may gusto pa akong gawin s'ya pero hindi ko alam kung ano yun,ang gulo diba?

Akmang hahawakan ko na ang seradura ng pinto pero inunahan na n'ya ako,"let me"sabi n'ya.

Si dailan na ang nagbukas ng pinto habang nakatingin lang ako sa kanya,kung hindi n'ya siguro ginawa yun 1 year in a relationship na sana kami ngayon.

"Uhm Hi?.."

Parang wala sa sarili akong napa lingon sa labas,nang makita kung sino ang nakatayo doon ay halos wala akong boses na mailabas nang subukan kong magsalita.

Pero walang salita ang lumabas sa bibig ko,lalo na nang makita ko ang kabuoan n'ya,malaki ang ipinagbago n'ya.

Ghad after 1 year!

Graduate na kami't lahat!

She's back!

"Ziren?"si dailan na gulat na nakatingin sa babaeng nakatayo.

Doon na ako tila nabuhayan at patakbong niyakap si Ziren!Oo s'ya nga.

"Z-ziren!z-z-zy"humahagulgol kong tawag sa pangalan ng kaibigan ko,ang kaibagan kong baliw pa sa lahat ng baliw!

"Tintin i miss you"umiiyak na ani nito at mahigpit rin akong niyakap."oh...asan *sniff* na yung iba?"

"Wait I'll tell them"boses yun ni dailan,halatang pati ito ay natataranta rin kaya bahagya akong natawa.

"I'm very very happy you're back Zy"humihikbing sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya saka ko s'ya muling pinagmasdan."ang laki nang ipinagbago mo"nangingiting sabi ko at sabay pa kaming natawa nang magkatinginan kami.

"Baliw!"

_____

👇🏻⭐

The JICKSZ SquadWhere stories live. Discover now