Chapter 32

299 33 0
                                    

I'll make this short as I can~
___

Third Person's

Mabilis na lumipas ang araw hanggang sa araw na ng kanilang graduation,masugid na nag-antay ang magkakaibigan ngunit wala man lang silang natanggap na balita.

Huling nabalitaan nila ay nung tumawag ang pinsan ni ziren nasi Hans,sinabi nito maaaring bumalik na si ziren ngunit hindi pa ito sigurado,at ngayon ay naka uwi na ang binata sa California upang pagtuonan ang pag-aaral nito.

Hindi naman naging malungkot ang mga nakalipas na araw dahil na rin sa mga binatang dumadalaw sa bahay ng mga dalaga,hindi nga lang maiwasang mapag-usapan si ziren at kung ano na nga ba ang kalagayan nito.

*****
Isabelle's P.O.V

"OMYGEE!!!GRADUATE NA TAYO!!!"tili ni Shei,pauwi na kami para mag-celebrate,and as usual,wala ang parents namin.

Pumunta naman sila kanina sa ceremony pero agad ring umalis nang matapos,inuna pa ang business meeting nila kesa sa celebration na gagawin sa bahay namin.

Pati ang mga boys makiki-celebrate rin sa bahay hindi na raw sila nag-abala tutal hindi rin naman nila kilala ang mga bisita nila,dahil tulad nina mama puro investors at mga businessman ang kaibigan ng parents nila.

At speaking of makiki-celebrate, syempre kasama dun si Psalm.

Isa pa ang lalakeng yun napaka babaero ang gago!tss kung di lang talaga magjowa ang mga kaibigan namin sisiguraduhin kong hinding hindi s'ya makakapasok sa bahay!

Nakakainis s'ya!kanina harap harapan pang nakikipaglandian as in iww mukha namang hipon yung babae!mas maganda pa nga ako dun.

But I can't change the fact that I like him *sigh* syempre nasasaktan ako at naiinis,umasa naman kasi ako noon,I thought nag-click na kami pero lintek na lalakeng yun!bigla akong iniwasan langya!!!

"Isabelle tara na!!"tawag ni christine.

"Ayaw mo na bang lumabas dyan?"tanong naman ni krislyn.

"Hayaan mo muna nag mo-moment s'ya"bulong naman ni jinky at sabay silang natawa.

Graduate na kami pero wala pa rin s'ya,Ziren where are you? 'Bat ang tagal mo?tss lagot ka kapag naagaw na si Aivenne,wag na wag mo akong lalapitan at iiyakan.

"Hoy!labas na---ayy andito na pala baby koooo!!!"tignan mo yun buti pa si shei mukhang magkaka-happy ending na kay Oliver.

Napaka swerte.

Pagkababa ko sa van namin agad na bumungad sa'kin ang naglalandiang mga lovebirds maliban kay Christine na s'yang nilapitan ko.

"Saan tayo bukas?"tanong ko,mag a-outing kami at bukas ang alis namin,one week rin kami dun para mag relax at makalanghap naman ng sariwang hangin.

"Bakit saan kayo pupunta bukas?"biglang singit ni dailan.

"Pake mo?"masungit na pambabara ni tintin,hayss simula nung mangyari ang aksidente ganyan na ang ugali n'ya pagdating kay dailan.

Masungit,laging binabara si dailan at in denial.

Siguro ay ganyan s'ya dahil sa nangyari lalo na nung umalis si ziren,kung bumalik na kaya ang babaeng yun!edi okay na love life netong si tintin.

"Pupunta kaming Palawan bukas,so sasama kayo?"pesteng to!shei!!'bat ang daldal mo!!!

Pagsumama si Oliver malamang sasama na rin ang buong squad nito,and that includes Psalm ang lalakeng kinamumuhian ko!

I hate him with all my life!

Bwiset!

"So are you coming with us?" Maamong tanong ni krislyn kay Cevin,napa lingon nalang ako kay tintin na mukhang labag rin sa loob tulad ko na sumama ang mga lalakeng yan.

"Sure,why not"sagot ni cevin at hinalikan sa noo si krislyn.

Di wow.

"Chicksss dami nun sa palawan nyahahhaha"nakakalokong ngumiti si Psalm kaya nilingon ko ito at sakto namang nagtama ang paningin namin.

*wink*

Saka ako kinindatan,naiinis na inirapan ko ito!chicks pala?!!!bwiset malunod ka sana dun!

"tara pumasok na nga tayo!ang panghi ng amoy dito!"amok ko at inis na pumasok sa loob ng bahay,dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis,at syempre excited na ako para bukas.

Pero sa iisiping makakasama ko si Psalm dun,namomorblema tuloy ako.

___

👇🏻⭐

The JICKSZ SquadWhere stories live. Discover now