Chapter 3:Young Ms and Mr

752 63 2
                                    

Ziren's P.O.V

Kasalukuyan akong nasa isang café rito sa subdivision namin at kumakain ng chocolate cake at pinaresan ko ito ng Milk tea na ang flavor ay cookies and cream.

Dito muna ako pansamantalang tatambay,boring din naman kasi sa bahay puro tarayan lang naman ang mangyayari do'n at kung magsasagupaan ang apat maliban kay krislyn na siyang referee atleast safe ako.

Habang kumakain ng cake ay nagbabasa ako ng kakabili ko lang na libro mula sa book store na katapat lang ng Café na ito.

Ilang oras pa ang ginugol ko sa café hanggang sa maisipan kong umuwi,2:00 pm na rin kasi kailangan ko pang maghanda para sa bago naming papasukan na University bukas,actually we're transferees students from California,kasalukuyan kaming nasa first year college,at pare-pareho kaming anim ng course as usual Business Management,ano pa bang aasahan namin?mag business partners kasi ang mga parents namin at ang bawat pamilya namin ay nagmamayari ng mga sikat na Hotels and Resorts dito sa pilipinas at sa iba't iba pang mga bansa kaya heto't kaming anim na lang ang laging magkakasama kasi laging busy ang mga parents namin.

Hmm...kainis naman oh..bakit kasi ang layo ng narating ko?ish...tinatamad tuloy akong umuwi wala pa naman akong dalang kotse or motor ihh....

Saka wala pang taxi na dumadaan dito,kainis!kaya wala akong choice kundi ang maglakad na lang talaga.

Habang naglalakad ay bigla akong napairap nang marinig ang maiingay na nilalang sa likuran ko.

"Dre bakit kasi hindi tayo nagdala ng car"tila maarteng ani ng isang lalake,ka lalakeng tao maarte magsalita dinaig pa si isabelle.

"At sa tingin mo makakabalik tayo agad doon kung may kotse tayo?" Tanong naman ng isang lalake.

"Hayss!!itigil niyo na nga 'yan magtanong-tanong na lang tayo."ani naman nung isa pang lalake.

Agad kong ginamit ang headphone ko dahil sa ayaw ko nang marinig ang mga maiingay na 'yon at mabilis na rin akong naglakad pero ilang minuto lang ang nakakaraan ay hinarang ako ng dalawang lalake kaya napataas ako ng kilay.

"What?"blangko kong tanong,nakita kong may pilit silang sinasabi pero hindi ko iyon marinig dahil sa music na tumutugtog galing sa headphone ko,kaya ibinaba ko ito at muling nagsalita."Ano ulit 'yon?"tanong ko.

"Miss alam mo ba kung saan ang house address na 'to?"tanong ng lalake at ipinakita ang address sa akin.

Hmm....nakita ko to kanina eh...saan nga ba?saglit muna akong nag-isip hanggang sa maalala ko ang nakita kong address,ito yung address ng mga bagong lipat sa tapat namin.

"Doon kayo sa kabilang sidewalk tapos straight lang makakarating kayo agad.

Ani ko at isinuot ulit ang headphone ko,baka kasi magtanong pa ulit nakakapagod nang magsalita at mag instruct baka kasi sa huli kailangan ko pa silang samahan o ihatid.

Habang naglalakad ay nakita ko naman mula sa gilid ng aking mga mata ang anim na matatangkad na lalake,hmm siguro sila ang nagtanong sa'kin kanina at hindi naman ako pamilyar sa mga mukha nila dahil hindi ko naman tinignan ang mga mukha ng nagtanong sa'kin.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad at pansin kong nakatingin sila sa akin, siguro ay na wiwirduhan sila kasi pareho lang kami ng dereksyon na pinupuntahan eh...malay ko bang kapitbahay ko ang hinahanap nila.

Siguro ito yung mga anak nung dating nakatira doon,maniningil siguro sila pang tuition sa paaralan at malay ko bang anim talaga silang lalakeng sisingil.

Nang tuluyan na akong makarating sa gate ng bahay namin ay derederetso akong pumasok at pumunta sa kosina para kumuha ng makakain.

Kasalanan ko ba kung bakit ako laging gutom?pero ang swerte ko kasi hindi ako tumataba kahit na hindi ako nag wo-workout.

"Zy!"agad akong napalingon kay tintin na siyang tumawag sa akin.

"Yep"sagot ko sabay taas ng dalawa kong kilay.

"Nakita mo ba yung Business Management book ko?"tanong nito habang palingon-lingon.

"Libro?'di ba ipinahiram mo kay Shei kagabi iyon?"tanong ko na kanyang ikinakunot noo."tinanong mo na ba si shei?"dagdag ko na kanyang ikinailing."edi tanungin mo go!" Sabi ko kaya agad itong lumabas ng kosina.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa mini auditorium dito sa loob ng bahay,nire-renovate pa kasi yung sala kaya alam kong wala sina krislyn at jinky do'n.

Pagkapasok ko sa audi ay agad kong nakita sina jinky at krislyn na nanonood ng korean movie,mataray plus mabait equal to peaceful life oh...kakaiba hahaha!!!

Agad akong tumabi ng upo kay jinky dahil sa wala ng space sa tabi ni krislyn,"oh...bakit ngayon ka lang?" Tanong ni jinky habang ngumunguya ng popcorn.

"Ang layo kasi nung café na pinuntahan ko"sagot ko at nag-inat.

"Huh?'di ka nag dala ng kotse o motor man lang?"tanong ni krislyn na aking ikinailing.

"Shhhh.....ayan na oh"ani ko na lamang at nag concentrate sa aming pinapanood.

Gabi na at oras na para matulog tapos na rin akong mag half bath at mag study,actually niyaya akong mag bar nina Isabelle at Christine kaso tumanggi ako dahil sa maaga pa kami bukas kaya silang dalawa nalang ang tumuloy.

Gusto rin sanang sumama ni Shei kaso inaantok na sya kaya nag stay na lang siya,si krislyn naman hindi pa raw siya nakakapag study kaya pass na raw muna gano'n din si jinky.

Maayos at komportable na akong nakahiga sa malambot kong kama at ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang bigla akong napabalikwas ng upo nang makarinig ng mga sasakyan  sa labas kaya dali-dali akong pumunta  sa balkonahe ng k'warto ko at tinignan kung saan galing ang mga sasakyan na iyon,only to see the amazing and expensive cars outside the new neighbor's gate.

At ang magaling pa do'n ay lahat ng mga kapitbahay namin ay nandon at nakikinood ng gagawin atang karera,ano pang magagawa ko eh...halos ang mga nakatira dito ay mga kasing edad lang namin ng mga kaibigan ko,Teenagers ang karamihan sa nakatira sa Subdivision na ito kaya nga 'Young Teens Subdivision' ang pangalan ng subdivision na 'to,halos kokonti lang ang magpamilyang naninirahan dito at isa ang subdivision na ito sa mayamang subdivision na meron ang Manila.

The JICKSZ SquadWhere stories live. Discover now