Chapter 23:A silent day

364 39 0
                                    

Ziren's P.O.V

*Yawn...*  \\(~0~)//

>_-

Umaga na pala?Hayss grabe anong oras na ba?agad akong napa bangon at tinignan ang wall clock.

9:58 AM?!

Agad akong napa takbo papunta sa banyo at dali daling naligo pagkatapos ay agad akong pumasok sa walk in closet ko at hinanap ang uniform ko na agad ko namang na hanap at sinuot saka dali daling lumabas ng kwarto.

Pero agad akong napa hinto ng makitang halos mag kakasabay lang rin kaming anim pero ang pagkakaiba ay ako lang ang naka school attire habang si krislyn at jinky ay naka outdoor attire at ang iba ay naka pambahay na.

"Bakit hindi pa kayo naka bihis?"taka kong tanong nag pigil naman ng tawa si tintin habang si jinky naman ay kunot noo akong tinignan.

"Zy wala tayong klase"ani pa ni isabelle habang naka taas pa ang isang kilay,napa tingin naman ako sa sapatos ko pataas sa necktie ng uniform ko.

Ilang beses pa akong napa kurap kurap bago napa kagat labi,oo nga pala no?may seminar ang mga Professors ngayon sa US,hehe napa kamot nalang ako ng aking leeg bago sila tinignan ng may awkward na ngiti.

"Hehe..."pilit kong tawa at agad na pumasok sa loob ng kwarto,ngayon ko lang na realize na hindi pa pala ako nag susuklay Kyaaaaa......

"Okay lang yan self mga bff/sisters mo ang mga yun hindi ka nila pagtatawanan kaya kal---" hindi ko na naituloy pa ang pagse-self talk ko dahil sa rinig na rinig ko ang malakas nilang tawa mula sa labas,nako kakasabi ko lang na hindi nila ako pagtatawanan eh....\\(>×<)//

Agad na akong nag bihis ng pang bahay,simpleng kulay pink na Adidas short at oversized na t-shirt na kulay puti at syempre bago ako lumabas nag ayos muna ako.

Pagkalabas ko ay dumiretso ako sa kosina pero si Tintin,Shei at Isabelle palang ang andun,"asan sina krislyn at jinky?"tanong ko.

"Nag grocery"sagot ni tintin saka nag simulang kumain"umupo kana ang sarap ng ulam oh.."aya pa nito ya agad na akong umupo at kumain.

Wow naman sina krislyn nag Grocery talaga huh?eh...di naman sila mahilig mag grocery huh pero kung shopping ang pag-uusapan hindi na ako mag co-comment kasi yan lang naman ang lagi naming ginagawa kapag na bo-boring kami dito sa mansion,dibale na nga ang dami ko ng iniisip dumadagdag pa yan haysss.

At kung nag tataka kayo kung anong nangyari kagabi,well...bitin:(syempre kasi hindi natuloy ang H & D at ang kantahan kasama ang boys kasi nung pagkatapos gawin ni cevin ang hugot nya ay may biglang tumawag sakanila at ang sabi raw ASAP kaya nag madali silang umalis at ayun kami kami nalang ang nag continue pero ng pool party,at dahil sa ayaw na naming ituloy ang laro nag kantahan nalang agad kami.

Actually si jinky at Isabelle lang talaga ang kumanta habang kami nina Krislyn,tintin at shei hmm...taga palakpak at taga papak lang kami ng junk foods.


Haysss kahit naman wala ang boys masaya parin ang takbo ng pool party namin idagdag nyo pa kabulastugan namin ni tintin hahahaha....laughed  trip kami kagabi.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa mini auditorium at doon kami nag laro ng mga arcades buti nalang talaga at naisipan naming mag lagay ng arcades dito kung hindi naku baka maboring lang kami sa laki ng mansion.

"Hoy!!!HALA TATAMAAN NA AKOOOO!!!"sigaw ni tintin habang busy sa paglalaro.

"HAHAHA...Ako na ang mananalo hala ka...."pananakot naman ni Isabelle,haha baliw talaga alam nya kasing pagtinatakot si tintin eh... natataranta yan kaya nawawala ang concentration nyan whahahah kawawa naman..

Napa tingin naman ako dito sa tabi ko na sobrang tahimik,himala uh...,
"shei anong ginagawa mo?"tanong ko,syempre di ko naman alam kung anong ginagawa nya kaya mag tatanong nalang ako diba?

"Mag se-cellphone"sagot nito,napa sapo naman ako sa aking noo,nako naman kahit kailan ka talaga shei huhays

"Hindi,ang ibig sabihin ko ano ang ginagawa mo dyan sa cellphone mo" panlilinaw ko napa hinto naman sya at saglit na napa isip,ang dali lang naman ng tanong ko diba?

"Nag i-scroll at click o nag e-fb pili ka nalang"sagot nya sabay kibit balikat at itinuon ulit ang kanyang pansin sa cellphone nya.

Napa iling iling nalang ako saka ibinalik ang aking paningin sa librong binabasa ko,sigurado akong mababaliw ako dahil dito kay shei eh...

kung maitatanong nyo ang librong binabasa ko ay tungkol sa stars at constellations,hindi ko alam kung bakit pero bigla ko lang gustong basahin,tutal wala akong ganang mag laro ng arcade wala rin akong ganang gumala at mag internet kaya heto nag basa nalang ako kahit alam kong wala namang ganitong lesson sa kinuha naming course.

Well malapit na rin naman akong matapos mag basa at paniguradong papauwi narin sina krislyn at jinky kaya aayain ko nalang silang mag shopping mamaya,haha...mukhang mapapadalas ang pagbista namin sa mall this year ah...

Lame no?wala pa kasi akong maisip na magandang pangyayari eh...

👇⭐

The JICKSZ SquadWhere stories live. Discover now