Si kuya sam.



Tumingin ako ng nagtataka kay maam mandy pero binigyan nya lang ako ng tingin na parang nagsasabi na 'let me explain'

"Yes maam, kumpleto na po kami. Kumpleto na din daw po ang panghapon"




Lahat kaming studyante ay nakatuon na ang pansin kay maam mandy na nagsasalita at sa mga teachers na nasa tabi rin nya.



"Grade 10 am, you can now go on bus number 1 with Me and Maam girly. While grade 10 pm, yours will be the bus number 2 with Maam Grace and Maam tintin."



Pagkatapos sabihin yun ni maam ay nagsisigawang pumunta ang bawat studyante sa assigned bus nila.


"Hail, tabi na kami ni jaimee ha?"


Alam ko ang nasa isip ni Janah kaya nya sinabi yon kaya tumango ako sa kanya bilang pag sang-ayon. Sumakay na kami ngayon dito sa bus at solo ako sa aking seat. Umaasang tatabi sakin si maam.



Magkatabi na kasi si andrea at kathleen tapos si savannah at harvey, as usual. Samantalang si deigo ay hindi ko na alam kung saan napadpad. Baka sa isa sa mga boys tumabi yon.



Sana talaga tumabi sakin si maam. Err. Edi kung hindi, edi solo ako sa seat ko tss. Pero hindi talaga mawala sa isip ko si kuya sam. Sasama ba sya??? Bakit? Bakit nya pinasama??? Gusto nya bang makasama si kuya sam????



Nakaupo na kami lahat dito sa bus at kanya kanyang kwentuhan na nga ung mga kaklase ko. Ang sad ko naman dito, mag isa lang ako dito sa unahan. Pinili kasi namin na pangalawang row sa unahan maupo dahil baka sa pinakauna uupo si maam mandy, maam girly at ang bf nya.



Nasa likod ng seat ko naman ung mga kaibigan ko. Nagsoot nalang muna ako ng earphone at tumingin sa bintana habang hinihintay na umakyat sila maam.




Pero isang eksena ang umagaw ng pansin ko. Nasa baba si Maam Mandy at kuya sam at bigla itong hinalikan ni kuya sam sa cheeks. Habang halata namang inaasar sila ni maam girly. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit kaya ipinaling ko nalang sa kanilang side ung ulo ko.




Girlfriend ba talaga ang tingin nya sakin? Bakit nya hinahayaang tratuhin sya ng ganon ni kuya sam? Bakit halata ang saya sa mukha nya nung hinalikan sya ni kuya sam sa cheeks???




Maya maya pa ay nakita kong dumungaw sa taas ng seat si Janah dahil siguro nakita nya rin ung nangyari sa labas. Kaya sumenyas nalang ako sa kanya ng okay at bumalik na sya sa pagkakaupo.



"Hailey"




Agad kong inalis ung earphone ko nang makita ko si john na nakatayo sa gilid nitong seat ko.


Wait what is he doing here??


"John anong ginagawa mo dito?"



Nag sign sya na umisod ako sa gilid at umupo naman sya sa tabi kong upuan bago may hinalungkat sa dala nyang backpack. Infairness, ang pogi ni john ngayon.



"Yiii oy john, wag mo dito nililigawan si pres. Diba panghapon ka? Dun ka sa kabilang bus" narinig kong sigaw mula sa dulo pero hindi ko sure kung sino yon.



"Sandali lang naman harvs, may ibibigay lang ako kay hailey"  sigaw din ni john at dumungaw para tingnan ung nagsalita. Si harvey pala.



"Ahm, hailey. Here"


Agad akong napatingin sa iniaabot ni john sakin. Oohh, Waaa ang kyuutt. It was a we bare bears !eck pillow! Ang cuuteee!!


My Strict ProfessorWhere stories live. Discover now