[TWO] Chap.3: Ang Multo sa may CR (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

....Tulungan mo kami....

....Pakinggan mo naman kami...

.....Bata....Bata.....

....Tulong!....

Natatakot ako baka sundan pa nila ako sa bahay! Alam ni Magayon ang inisip ko kaya dali-daling gumawa ang lagusan pabalik sa mundo ng mga buhay. 

Pagbalik namin, tapos nang gumawa ng malaakas na orayson ang tatay ni Clarissa na si Mang Jose para kahit papano maging masamang ala-ala na lang ang mga nangyari sa Grand ball. Iisipin na lang ng mga guro at estudyante na may naalala silang pangyayari na hindi kailan man mangyayari at kakalimutan na lang nila ito. Astig din ang orasyong iyon!

Makalipas ng ilang oras ay bumalik na si Clarissa kasama si Ren Dela Rosa na may elementong-kaisa na rin! Sobra-sobra ang pasasalamat ni Mang Jose na ligtas ang kanyang anak. 

Buong magdamag kaming naghintay at nag-isip kung nasaan na si Gino. Nag-uusap-usap din ang mga nakatatanda na sina Mang Jose, Nurse Ruby Javier, Si Sir Daniel Solisat ang nanay ni Katherine na si Ginang Violy. Sila ay mga miyembro ng SKKKS o yung 'Samahan sa Kaayusan at Katahimikan ng Kalikasan at Sangkatauhan.' Lubos ang pag-aalala nila na baka nagtagumpay na si Gunaw na kunin si Gino.

Naiinis ako. Sana may nagawa ako para iligtas ang aking kaibigan. Siguro kasalanan ko na naman, 'guilty' na naman ako. Natatandaan ko pa noon sa may parking lot ng O.A., tinanong niya ako kung pwede ko siyang tulungan laban kay Gunaw pero tinanggihan ko siya.  Hindi naman siya nagdalawang isip na tulungan ako para iligtas si Katherine sa purgatoryo. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sana may magawa ako para makabawi. 

Kinabukasan, nabalitaan ko na nagbalik na si Gino. Iniligtas siya ni Father Gilbert Quirante. Ilang araw din na wala sa sarili si Gino dahil nawala ang kanyang elementong-kaisa na si Popoy. Mas naging mahigpit din ang mga miyembro ng SKKKS para sa kaligtasan niya. Ako naman, hindi na kailangang pilitin, ako na ang nag-volunteer na proprotektahan ko siya pag kami ang magkasama.

Dumaan ang mga natitirang buwan namin sa first year na para bang walang nangyari. Lubos naman namin na-enjoy ang bakasyon dahil lagi kaming naglalaro ni Gino ng basketball o kaya sa bahay namin para maglaro ng 'computer games.' Lagi lang nakabuntot sa kanya ang kanyang pusang nagsasalita na si Itim at kung minsan ang mayabang na duwende na ang pangalan ay si Dahongo...

......HOOOOOOOYYYYYYYY!.......

Simula din nang bumalik si Gino, lagi na lang sumasakit ang kanyang ulo...

....TINGNAN MO KAMI BATA!.....

Lagi din siyang nakakaranas ng pagsikip ng dibdib at hirap sa paghinga....

.....MAKINIG KA SA AMIN!....

Naiinis na ako.

....TULUNGAN MO KAMI!.....

Sobra na. Mga peste na sila.

....ANDYAN NA SIYA.....

....ISASAMA KA NAMIN!......

"TUMAHIMIK KAYO!" galit kong sigaw. Sobrang ingay. Nabibingi na ako. Tinitiis ko lang. Hindi ko sila pinapansin at pinipilit kong mag-isip ng maayos pero sumosobra na sila. Sinisigawan pa nila ako! 

"Huh?" nagtatakang reaksyon ng Tito Derek ko, napalingon siya mula sa 'driver's seat.' "Wala namang maingay, Jun-Jun, ah?"

Hindi ako makatingin ng maayos sa tito ko na puro dugo ang mukha. May isang multong ginagaya siya. 

"Ako po yun. Maingay daw ako." sagot ni Gino at tumango sa akin.

Naguguluhan pa rin ang tito ko pero hindi na niya inisip pa dahil papasok na siya sa 'parking lot' ng Owkward Academy. 

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon