I sincerely said that.

Siguro dito, I'll be his friend. Not his secretary muna. Ilang araw lang naman 'to. Lubus-lubusin ko na.

"Ako nga, buti hindi ko pinapaalala mga schedule mo, e," natatawa kong sabi. I heard him chuckled too.

Kinikilig ako pero hindi dapat. Wala rin naman papatunguhan 'tong kilig ko.

"Syd! Over here!" Sigaw ni Gwen. Napangiti ako sa kanila nang makalapit. Tumakbo na din ako para makisabay sa kanila. Narinig ko pang tinawag ako ni Sir Heath pero hindi na 'ko lumingon.

"Ang ganda mo! Your skin color is so much like a pure milk, sobrang puti!" Sabi ni Queen.

"Hindi naman," nahihiya kong sabi.

"Even your blush, grabe. Natural beauty indeed!" Si Gwen. "Let's swim?"

Bahagya kong pinasadahan ang ilog. Sobrang ganda. Siguro ay nasa gitna kami ng kagubatan. Ang ilog din ay clear water. Nakikita mo ang mga bato sa ilalim. Ang mga ibon rin ang nagsi-silbing musika namin dito.

Sobrang layo sa siyudad.

This is life!

Naghahagik-hikan ang mga kasama kong mga babae dahil nagbabasaan na sila banda doon sa tubig.

Dahan-dahan akong naglakad papuntang tubig! Wow, sobrang lamig! Nang umabot na sa binti ko ang tubig ay may humawak sa baywang ko.

"No. You're not gonna swim there," si Sir Heath. Inangat niya ako gamit ang kamay niyang nakayakap sa baywang ko. Ang gaan ko para buhatin niya. Itinaas ko na rin ang kamay at binti ko para mabuhat niya nang maayos.

Parang ginawa niya 'kong bata sa buhat niya.

I heard his other cousin's chuckled, even his Grandmother na hawak 'yung baby ni Queen na pinapaarawan ang likuran.

Binaba niya 'ko na wala na sa tubig. Tinignan ko siya.

"No," he simply said at pumunta na doon sa mga kahoy na upuan katabi ng mga pinsan niyang lalaki.

"Heck! Kami na lang ni Gio walang love life," sabi ni Hizon at tumawa. "Si Gio 'di pa rin makalimot dun sa babaeng minahal noong highschool!"

Binato siya ni Gio ng bato.

Narinig ko pa ang ilang asar ng magpi-pinsan.

Lumapit ako at tatabi na sana kay Sir kaso hinarang niya. Ano bang trip nito?!

"Grandma," turo niya. Uupo ako tapos ipapapunta niya 'ko doon?!

"Uupo ako."

"You are wearing a damn dress, Annie," mahinang asik niya.

Ano naman!? Uupo lang naman. Attitude talaga Sir. I mentally rolled my eyes at pumunta na lang sa Lola niya na hawak hawak ang baby ni Queen.

"Such a cutie," I giggled.

"Gawa na rin kayo ni Heath."

Tumawa na lang ako.

Fake fiance po ako dito, Lola Madam. Hindi pagawaan ng baby. I chuckled at my own mind.

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now