Chapter 4

373 31 1
                                    

Vince's POV

Nagising ako sa tunog nang alarm ko, tumingin muna ako sa bintana kung saan nakikita ko na madilim pa rin sa labas dahil five pa lang ng umaga. Namali ata ako sa pag set ng timer dito since mamayang eight pa ang pasok ko.

Umalis na ako ng kama ko at pumunta ng banyo. Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako ng makakakain ko since maaga pa lang naman kaya may oras pa ako para kumain.

Nakaalis na ako ng bahay ng seven na ng umaga at kasalukuyan akong nakapagpara ng taxi. Medyo traffic ngayon pero maaga pa naman at malapit naman na ako sa kumpanya.

Binayaran ko na muna ang driver bago pumasok sa building.

"Good morning Vince, napaaga ka yata." bati sa akin ni kuya Rick, securoty guard ng kumpanya. "Morning din po kuya Rick, napaaga lang po ng gising." Sagot ko naman sa kanya.

"Well di na ako mabibigla eh sa dami ng empleyado dito sa kumpanya ikaw lagi ang pinaka magaling, efficient sa work at laging maaga dito, kahit secretary ang trabaho mo parang nasa mataas kang ranggo sa kumpanya nabibilang eh. Oh sya sige pasok ka na baka nakaabala pa ako sayo. Napapakwento na ako sayo tuloy, good luck ngayon ah."napangiti na lang ako sa mga sinabi nya.

Pwera kay lucy, si kuya Rick ang isa sa naging malapit sa akin dito. Palakwento ito at laging masiyahin kaya kahit sino ang makausap nito ay di mo mapipigilang ngumiti rin, at kasama din ako sa mga yun.

"Ok po kuya Rick, salamat at good luck din po sa inyo." nakangiti akong nagpaalam dito bago pumasok na ng tuluyan.

Nang malapit na ako sa reception nakita ko si Mia ang isa sa aming receptionist dito. Masama ang timpla nito sakin at di ko alam kung bakit but since i couldn't care less about it, hinayaan ko na lang siya. I'm not here to please anyone anyway.

"Hoy may tumawag ngayon na isang supplier gusto raw makipagmeeting sa boss. In-email ko na yung mga details nun." di sya nakalingon sa akin dahil mukhang busy sya sa computer, pero alam kong ako ang kinakausap nya.

Di ko na lang to pinansin ito at nagtungo na lang sa cubicle ko para simulan ang trabaho.

Inaayos ko na ang mga papeles na kailangan, mga meetings na dapat iattend, at mga schedule na ipapakita kay boss. Busy ako sa computer ng makita kong dumaan si boss kaya hininto ko muna ang ginagawa ko at tumayo at yumuko para batiin sya.

Nagtaka ako dahil nakatitig lang sya sa akin. Di ko alam kung ano iniisip nya pero nakapagtataka ang pag masid nito sakin.

"Is there something wrong sir?." i asked emotionlessly. He just looked at me a minute before going inside his office without saying anything.

I just shrugged at tinuloy na lang ang inaayos ko. Na file ko na lahat at tatayo na sana nang marinig kong magring ang intercom na naka connect sa office ni boss.

"Hello sir, is there something you need." tanong ko

"I want the schedules and the papers for me to sign." yun lang sinabi nya at binaba na ang tawag.

How rude

Tumayo na ako hawak ang mga papeles at list of schedules ni sir at tumungo na sa office nito. Kumatok muna ako bago pumasok.

Nakita ko naman itong nagtitipa sa computer nito habang nakasuot ng reading glasses na ngayon ko lang nakitang sinusuot nya. Napansin nitong papalapit at hininto ang pagtipa nito at tiningnan ito. Nilapag ko naman sa mesa nya ang mga papeles.

"These are all the papers that needs your signature and approvals sir." chineck ko din ang clipboard ko na may laman ng meetings at conference ni boss. "You also have a meeting with Mr. Ardon of Andromeda Excel, Mr. Takashima of Kuroma Companies, Ms. Ayala of R and N Tradings and Mr. Benedict of Benedict's Ace company." mahabang sabi ko

Valentin Series Book 1: Lonely Hearts [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon