Chapter 8

297 30 1
                                    


Vince's POV

After 30 excruciating minutes ay natapos agad sila, di ko pa nakikita ang mukha ko dahil tinanggal nila ang salamin para daw surprise. Pagkatapos ng make-up at hair ay pinasuot na nila sa akin ang gown, nahihiya pa nga ako dahil sila mismo ang nagsuot sa akin nito.

Isa itong star tutu evening gown na mukhang pangkasal. Sobrang elegante nito, para nga di bagay sakin ang magandang gown na to.

Pagkatapos kong suotin ang gown ay pumunta silang lahat sa harap ko at sabay na ngumiti.

Hihingi sana ako ng salamin para makita ko ang sarili ko nang may kumatok sa pinto sabay bukas nito.

Bumungad dito si niel kasama si miss Miya.

"Tapos na ba ka--- Wow! ang ganda mo Vince." namamangahang sabi ni miss Miya.

"Alam kong maganda ang bestfriend ko, pero di ko alam mas lumevel up ang ganda mo pag inayusan." sabi naman ng gagong si niel.

"Well madali lang naman siyang ayusin, di nga kami nagtagal ng isang oras sa pagaayos at light lang ang nilagay naming make-up, dahil natural na syang maganda." sabi ni tessa, isa sa mga nagstyle sa akin.

"Huh? Asan ang salamin dito." biglang tanong ni niel.

"Ay oo nga pala nakalimutan namin." bigla namang tumakbo si yanna at rex, ang dalawa pang sylist sa isang kwarto.

Pagkalabas ay hila nilang dalawa ang isang malaking salamin at nilagay sa harap ko. Agad ko naman nakita ang repleksyon ko, di mo nga talaga malalaman na lalaki ako.

Maliban na lang sa flat kong dibdib ay masasabi kong mukha talaga akong tunay na babae.

"Oh speaking of, vince marunong ka bang rumampa. If not i can call one of the models to teach you." sabi ni miss Miya.

Napaghandaan ko na yan. Ang dami kong pinanuod na tutorial kung paano lumakad ng elegante at nanood rin ako ng mga fashion shows para makakuha ng onting inspirasyon.

"Ok lang po nanood naman ako ng mga tutorials sa bahay."

"Masyado ka atang handa bess para sa taong hindi mahilig sa modeling." sabi ni niel.

Inikutan ko lang ito ng mata. "Alangan naman pahiyain ko lang ang sarili ko sa harap ng maraming tao. And who's fault was it that i was here in the first place." ngumiti lang ito sa sinabi ko.

Paalis na kami ng dressing room para makahanda na rin kami dahil malapit nang magsimula. Umalis na rin ang mga stylist para magpahinga.

Habang naglalakad kaminay nilibot ko ang mata ko sa lugar at sa mga taong nandito. Napansin kong halos lahat ng mata sa akin nakatingin, may dumi ba ako sa mukha or something. Ayoko ko pa namang tinititigan ng maraming tao, nakakainis.

"Bess ang ganda mo nga kaso ang mukha mo parang papatay ng tao hahaha." sinamaan ko lang ito ng tingin. Ganoon ba katakot mukha ko?

Huminto muna kami at tumingin sa akin si miss Miya. "Ok vince hanggang dito na lang muna kami, sundan mo lang yung mga models na nakapila doon at bibigyan kayo ng short briefing ng event organizer, and by the way sa last part may special event, it will be for a cause, di ko lang alam kung anong klaseng charity prod ang gagawin. Pero wag kang kabahan you'll do great." tumango na lang ako dito bago ito naglakad paalis.

"Galingan mo bess ah. Kukuha ako ng maraming litrato mo, para may pangblackmail ako wahahaha." akmang hahampasin ko sana siya ng tumakbo ito palayo.

Valentin Series Book 1: Lonely Hearts [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon