Chapter 5

369 28 2
                                    

Third person's POV





Alas syete ng gabi na ng matapos ayusin ni vince ang mga paperworks na tumambak sa kanya. Naka assign kasi sya sa pag do- double check ng mga papeles na isinusumite sa kanya, pero mukhang mahaba-haba ang kanyang aayusin dahil kung hindi sa wrong spelling ay puro halos palpak ang ibang pinapasa sa kanya. Di sya sigurado kung sinasadya nila ito o sadyang pinagmamadali nila ang trabaho nila para lang makauwi ng maaga.




Inunat nya ang kanyang katawan pagkatapos nito ayusin ang mga papeles. "Haaay sa wakas natapos rin." sabi nito sa sarili




Inayos nya ang pagkakafile ng mga papel bago ito tumayo at tumungo sa office ng kanyang boss. Kumatok muna ito ng mahina at binuksan ang pintuan.




Nakita nya ang kanyang boss na nakapikit habang nakalagay ang kamay sa ulo nito na parang natutulog. Dahan-dahan itong naglakad sa mesa nito at nilapag ang mga papel na dala nito, tiningnan nya muli ang kanyang boss.




Vince's POV




Di ko alam kung gigisingin ko ito o hindi, mukha kasing nakatulog ito habang may ginagawa sa laptop dahil nakabukas pa rin ito. Nag buntong hininga muna ako bago naglakad sa gilid nito para gisingin.




Lalapitin ko na sana ang kamay ko para gisingin ito pero nabigla ako ng hablutin nya ang kamay ko at hinila, nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo patagilid sa hita nito habang sya naman ay nakatitig ng mariin sa akin habang hawak ang kamay ko paitaas.




"What do you think your doing?" tanong nito habang nakahawak pa rin ang kamay nya sa palapulsuhan ko.




Nawala agad ang pagkabigla ko sa tanong nito at bumalik sa sarili ko. "Sorry sir, i was just trying to wake you up cause i want to ask permission to go home." sabi ko na lang dito.



Mukha naman nakumbinsi ito at pinakawalan ang kamay ko, agad naman akong tumayo at inayos ang suit ko.




"Are you finished with your work?" tanong nito habang inaayos ang gamit sa mesa nta.




"Yes sir." sabi ko na lang dito.




Nang natapos na ang ginagawa nito ay kinuha nya ang telepono sa bulsa niya. "Alfred I'm going home, fetch me now." tumingin naman ito sa akin. "Let's go. I'll take you home and i won't take no for an answer." anyaya nito sakin.




Wala akong choice kundi ang hayaan sa gusto nito, baka magalit lang sya sa akin eh boss ko pa naman ito.




Ilang oras ay bumaba na kami para hintayin ang sundo ni boss, pero di nagtagal ay nakarating agad ito at dali-daling lumabas para buksan ang pintuan para sa amin.




Sobrang tahimik ngayon ng byahe, wala ni isa sa amin ang umiimik. Sa ngayon nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang labas.




"Your house" kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya pero gaya ko kanina ay nakatingin din ito sa labas.




Di ko na gets ang sinabi nya, pero bigla ko naalala na di ko pa sinasabi ang address ko. "253 alberto street, Sinco's apartment." yun lang ang sinabi ko




"Alfred let's take him home first." sabi nito sa driver nya, tumango naman ang huli.




Ilang oras ay agad kaming nakarating sa apartment ko, bumaba na ako sa kotse nya at nagpasalamat. Tumango na lamang ito at agad na nag drive paalis, naghintay na muna ako sa labas hanggang sa tuluyan na itong nakaalis bago ako pumasok.




Valentin Series Book 1: Lonely Hearts [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon