Chapter 10

308 29 6
                                    

Vince's POV

Di ko inaasahan ang maabutan ko sa loob ng restaurant.

Kung maganda sa labas mas nakakamangha ang loob nito. Malawak ang loob at kulay ginto ang paligid, may malaking chandelier sa taas na nagpapaliwanag lalo sa paligid. Ang nakakataka lang ay may isang table lang sa gitna.

Wag mong sabihin na nakareserve sa amin tong restaurant. Sobra palang bigatin ang may-ari ng fashion show na yun para makapareserve sa napakamahal na lugar na to.

"Is something the matter?" napatingin aki kay boss nang tanungin ako nito.

Sa sobra kong pagkamagha ay di ko napansin na nakatayo pa rin pala kami malapit sa pintuan.

"Uh..ehem. Sorry, nabigla lang ako sa lugar na to. Sobrang ganda kasi niya. Uhm, shall we sit?" yun na lang ang sinabi ko at agad kami lumapit sa gitna.

Papaupo na sana ako ng hinila nya ang upuan sa tapat ko.

Umupo ako sa upuan na yun ng maalala ko na babae pala ako ngayong gabi. Mukhang masungit si boss pero gentleman rin pala ito.

Pumunta naman ito sa harap ko at umupo doon, agad namang may lumapit sa amin ang waiter at binigyan kami ng menu. Mukhang french restaurant itong kinakainan namin ngayon dahil nasa salitang french ang nakalagay sa menu.

Swerte at pwede raw kami pumili nang makakain namin dahil sila na daw ang bahala sa lahat ng babayarin ma kinain namin, di nagkamali si andrea nang sabihin nito na ito talaga ang pinaka magandang part ng fashion show na ito.

"For the Appetizer i would like a Saumon Fumé, for the Entree i choose a Filet de Boeuf aux Morilles, and for dessert i want a Pain Perdu Caramel Au Beurre Salé."

Pagkatapos ko ay humarap naman ang waiter kay boss para kunin naman ang order nito.

"If you don't mind i can recomend you our famous winethe 'Premier Cru Classe Lafite Rothschild'. It is is made in a family-owned Chateau in the Pauillac appellation of Medoc in the Bordeaux region. Are you and your date interested?." feeling ko namula ng onti ang mukha ko nang sabihin ng waiter ang 'date'.

"Alright, we will have that as well. You can go now."

Agad naman umalis ang waiter pagkatapos para ihanda ang order namin.

"You are very versed in the french language, I'm really impressed." napatingin ako dito dahil sa sinabi nya.

"Oh it's cause i find french a beautiful and interesting language, so i took lessons for 2 years to learn it."

Ang totoo ay walang may alam na kumuha ako ng course tungkol sa french cuisines. Unang lesson namin ay ang matutunan ang french language, mataas ang score ko sa language.

Actually ay unang salita ko palang ng french ay nabigla ako at ang mga classmates ko na sobrang straight ko mag french na para bang matagal ko na tong natutunan.

"Hm..." kumunot ang noo ko nang yun lang ang tanging sagot nito.

Magsasalita na sana ako nang lumapit ang waiter kasama ang pagkain namin.

Kumakain kami nang tahimik na wala ni isa samin ang naguusap, haloshalinghing lang ng kobyertos namin ang naririnig.

Napaharap ako bigla sa kaliwa ko at nakita ang isang maliit na orchestra na  nagpapatugtog ng kanta.

Napangiti ako nang malaman ko ang pyesa na tinutugtog nila.

"You seem happy." napatingin ako kay boss nang magsalita ito.

Valentin Series Book 1: Lonely Hearts [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon