Chapter 11

273 26 4
                                    

Vince's POV

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang taong tunikhim para kunin ang pansin ko.

Isa itong lalaking may itsura, itim ang buhok nito at may asul na mata. Di ko alam kung sino to. May sigarilyo rin ito sa bibig na nakapagpa-inis sa akin, ayoko talaga nang amoy ng sigarilyo at bawal rin ito sa office dahil ayaw rin ito ni boss. Paano to nakalusot sa mga tao sa baba, kausapin ko nga ang mga yun mamaya.

"Yeah I'm looking for Ivan. Is he here." sabi nito sabay ihip ng usok sa bibig nito na nakapagpaubo sa akin.

"Sorry Sir. Do you mind telling me your name? Boss doesn't have a scheduled meeting with someone today. And please throw your cigarette, this place is a no smoking area."

"Oh...yeah..right..sorry." lumapit naman ito sa trash bin at tinapon ang sigarilyo. "Just tell him Jace Alexander is here to see him."

"Alright sir. I'll inform the boss right away. Please sit anywhere you like."

Lumapit ako sa office ni boss at kumatok bago buksan ang pintuan. "I'm sorry for the intrusion Sir, someone with a name of Jace Alexander is here looking for you."

Naabutan ko itong pumipirma ng papeles, tumigil ito sa pagpipirma para tingnan ako. "Tell the idiot to fuck off cause I'm busy." tumango ako dito at sinara ang pinto bago bumalik sa cubicle ko.

Pagkabalik ko sa cubicle ay masama ang tingin ko rito nang makita ko itong nakaupo sa upuan KO habang nakataas ang paa sa mesa.

Letse. Ang pinakaayaw ko ay ang dinudumihan ang mesa ko.

Pagkalapit ko rito ay lumaki ang ngiti nito pero masama pa rin ang tingin ko rito.

"Sir i suggest you take your dirty shoes off my table and boss said to tell you to FUCK OFF cause his busy." sabi ko habang dinidiin ko ang mura ko rito.

Napatawa ito nang malakas habang masama pa rin ang tingin ko rito. Nangiinsulto ba to? I didn't know why may kilala si boss na walang modong lalaki na katulad nito.

"Hahaha...your really interesting Mr. secretary, i really like you. You know bakante ang position sa kompanya ko bilang secretary." tumayo ito sa upuan at agad na inakbayan ako na para bang close kami. "What do you say Mr. Secretary? Want to be my...owww! What the hell man!"

Napahiwalay ito sa akin habang hinahawakan ang ulo nito. Agad ko naman nakita si boss na nakatayo sa gilid ko habang may hawak itong libro na naka-position sa taas.

Kaya pala napaaray ito. Hinampas ata ni boss ang libro sa ulo ng kaibigan nito.

"I'm just teasing your secretary man, chill. He's so cute while glaring at me so i can't help but want to tease him a bit." tumatawa ito habang masama ang tingin ni boss dito.

Lumayo naman si boss sakin at nilapitan ang kaibigan nito. Tinanong ko naman si boss kung ipaghahanda ko sila ng makakain, pero tinanggihan ang alok ko rito, at lumayo sila sa pwesto ko para magusap ng maayos.

"Hah. What do you want fucker. And stop bothering my secretary. He's a busy person."

"Nothing bro. Hahahaha...., i just want to know if you want to go to the bar today. The guys missed hanging out with you, they haven't seen you in ages." sagot nito.

Di ko na lang sila pinansin at lumapit na lang ako sa bag ko at kinuha ang isang pack ng wet wipes at sinimulang linisin ang mesa ko. Halata mo talagang may paa na tumambay dito dahil sa dumi na naiwan rito. Buti na lang di nya nadumihan ang papeles na nasa mesa lagot ako kay boss kung nagkataon, may pagka clean freak pa naman ito.

"The only reason your here is to invite me to hang out with you. You could have just texted me instead of wasting my time by coming here."

"Alam ko namang di ka papayag kaya pumunta ako mismo para pilitin kang sumama. So what do you say bro."

Tumunog ang telepono sa mesa at agad ko itong sinagot. Si Mr. Gutierrez pala ang tumawag para ikansel ang meeting nila ni boss sa tuesday sa susunod na linggo at gawin itong next week nang thursday. Isa si Mr. Gutierrez sa mga close na tao sa dati kong boss, isa rin sya sa mga may mataas na share sa kompanya.

Pagkababa ko ng telepono ay agad kong ni reschedule ang meeting nila ni boss sa computer ko. "Hey Mr. Cute secretary, what is your boss's schedule next week?"

Umangat ang ulo ko nang tinawag ako ng kaibigan ni boss, na nasa harap na pala ng mesa ko.

Di ko ito pinansin at tumingin kay boss na nasa tabi nito. "Boss Mr. Gutierrez called to cancel his meeting with you for tuesday next week. He would like to reschedule it on thursday the other week. So your basically free on tuesday ang Saturday."

"Then it's settled bro, let's meet next week Tuesday at the bar. Don't forget to come okay, if you don't we'll ask permission from your dad instead. Bye bro see you on Tuesday, bye too mr. cute secretary." tumakbo naman ito paalis bago pa makapagsalita si boss.

"Tsk. Asshole." sabi nito sabay lingon sa akin.

"Mr. Madrigal it's lunch time already. Why are you still here." tanong nito.

Tumingin ako sa orasan at tama ngang lunch time na namin "Sorry sir. I was too preoccupied with work, I'll eat once I'm done."

"Leave those first and come with me, be ready in 30 minutes." di na ito nagsalita bagkus ay bumalik na lang sya sa office nito.

Sinunod ko naman ito at inayos ang mga gamit at mga papeles sa table ko.

"Um sir. Saan po ba tayo pupunta?"

Kasalukuyan kaming nasa kotse nito at di ko alam kung saan kami pupunta. Malayo na kami sa office kahit mag la-lunch lang naman kami, maraming mga restaurant malapit sa amin. Di ko alam kung anong balak ni boss.

Di pinansin nito ang tanong ko at nanatiling nakatikim ang bibig nito. Tumingin na lang ako sa labas dahil mukhang wala akong makukuhang sagot sa kanya.

Ilang oras ay huminto na ang sasakyan sa lugar na di ko alam kung saan.

Huminto kami sa isang magarbong restaurant, lumabas ako at sinipat ang paligid.

Napapalibutan ang lugar na ito nang malalaking bahay, may mall at may iba pang mga restaurant rin akong nakikita. Mukhang nasa isang magarang subdivision kami.

Lumabas na si boss ng sasakyan at agad akong pumunta sa tabi nito. Di ko talaga alam kung bakit nagpakalayo pa kami para lang kumain.

Binuksan ng bantay ang pinto para papasukin kami, nagtaka ako dahil wala akong makitang gamit sa loob bukod sa malaking mesa sa gitna at may limang tao ang nakaupo rito.

Nakita kong lumingon ang isa sa mga taong nakaupo at kumaway kay boss.

Nang napunta ang tingin nito sa akin ay mabilis na sumama ang timpla nang mukha nito.

Ba't parang kilala ko ang tao na to?

Agad naman akong natauhan nang maalala ko bigla kung saan ko ito nakita.

Valentin Series Book 1: Lonely Hearts [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon