Chapter 6

360 28 1
                                    

Flashback

Vince's POV





"Asar!. Ba't bgayon pa umulan ng di nadala payong ko. Bwisit ang lamig!"





Tumatakbo ngayon ako sa gilid ng kalsada dahil sa lakas ng ulan ngayon. Wala kasi ako pamasahe na dala dahil ayaw ko gumastos ng pamasahe kung malapit naman sa bahay ang work ko. Kaso mukhang maghahanap ulit ako mg work, nag quit na kasi ako sa job ko dahil masyadong kapirangot ang sweldo. Pamahal ng pamahal na ngayon ang mga bilihin at upa ko, kaya kailangan mag doble kayod. Di na nga muna aka tatapos ng pag-aaral para makaipon ako ng mas mabilis.





Napahinto na lang ako ng mapansin ko ang isang lalaki na nakahandusay sa gilid ng isang clothes store, di sya mukhang pulubi dahil maganda ang kasuotan nito. Nakita ko sa gilid lang nya ang dalawang suitcase at isang bag.





Nabahala naman ako dahil mukhang nahimatay ito, kunuha ko agad ang cellphone ko at tumawag ng ambulansya.





Pagkatapos kong kausapin ang nurse sa linya ay nilapitan ko ito at inayos ang pagkaupo nito. Kapansin-pansin rin ang klase ng pagkahawak nito sa tyan, na para bang may importanteng tinatago ito.





Di ko na lang ito pinansin ng marinig ko ang pagdating ng ambulanya.






----Flashback ends----






Pagkarating sa ospital napag-alaman kong buntis pala ito, kaya pala grabe ang pagkahawak ng tyan nito ng makita ko ito sa kalsada. Isa pala sya sa mga lalaking may kakayahang mabuntis.





Pagkagising nito ay agad nyang tinanong kung okay lang yung bata, nabigla naman ito ng makita ako at tinanong nya rin kung ano ang nangyari.





Inexplain ko naman ang nangyari at sinabi rin nya kung bakit nasa kalsada ito ng araw na yun. May mga magulang pala na kayang gawin sa anak nila ang ganito, dapat sila ang unang makakaintindi pero sa kalagayan niya ay mukhang di ito sinwerte.





Binayaran ko naman ang bayarin nito sa ospital pero tinanggihan lang nya ako, pinilit ko naman ito na hayaan ako. Nagpalitan naman kami ng pangalan at numero bago ako umuwi.





"Vince. Gusto mo ba mag stay muna, malalim na ang gabi." nabalik ako sa huwisyo ng magsalita ito.





Binalik ko sa bisig nito si Jacob bago magsalita. "Okay lang ako, maaga pa ako sa work at kailangan ko pang ayusin ang mga gagamitin ko bukas." tanggi ko rito.





"Oh sige, di ko na sasayangin oras mo. Anak paalam ka na kay toto mo"





"Bye-bye po toto."





Napangiti naman ako rito. "Bye baby. Alis na ako chris, good night." sumakay naman ako sa motor at sinuot ko naman agad ang helmet ko at inistart ito.





Kumaway lang sila sa akin, kumaway naman ako dito pabalik at tuluyang nilisan ang lugar na ito.





Kasalukuyang nasa desk ako ngayon at nag aayos ng mga files ng may tumawag sa phone.




"Hello this is Vince from Gencell Inc. How may i help you."





Sinulat ko ang lahat ng sinabi nito nagpaalam at ibinaba ang tawag. Apparently isa nanamang investor ang tumawag at nagschedule ng appointment kay boss.





Valentin Series Book 1: Lonely Hearts [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon