Chapter 3

432 34 0
                                    

Vince's POV

"Huy...huy!! Vince! Buhay ka pa ba. Helllooo!." Winagayway ni Neil ang kamay nya sa mukha ko. Tiningnan ko naman sya ng nakataas ang isang kilay.

"What do you want?" I asked him coldly pero ngumiti lang sya. "Kanina ka pa tulala dyan. May problema ba?." Di ko sya pinansin at tumingin uli kung saan ko nakita si boss kanina, pero wala na siya dun.

Di ko na lang pinansin at uminom na lang ako. "Vin, labas naman tayo tatlo sa sabado. Alam mo na bonding." Sabi ni neil habang umiinom nang alak.

"I can't i'm busy." Sabi ko. Tiningnan naman ni neil si Chris, pero napasiklop lang ito ng kamay sa harap nya. "Sorry, may nag maternity leave kasi sa amin kaya kailangan ko pumasok, sayang yung sahod at yung may ari rin nitong bar ay darating sa araw ring yun. Sorry talaga."

Chris Rivel Sandoval is a bartender here in the bar. Pag umaga naman isa syang waiter sa isang mamahaling restaurant. He works two jobs to support his only son Jacob. Chris is actually a carrier ibig sabihin lang nun ay isa sya sa 46% ng lalaki na kayang manganak. Sa totoo lang he was actually really rich, pero nabuntis sya ng isang di kilalang lalaki, kaya nang malaman yun ng pamilya nya agad syang pinalayas.

"Ba't kasi ayaw mo tanggapin ang tulong namin para makaluwagluwag ka naman. Mukha kang nanganak ng sampu sa itsura mo eh. Umaga at gabi trabaho mo at meron ka pang anak na inaalagaan. Give yourself some time off you know." mahabang sabi ni Neil.

Tama naman kasi ang sinabi nya. Noon pa lang gusto na naming tulungan si chris sa gastusin nila pero ayaw, masyado na daw siya nakakaabala sa amin. Wala naman kaming binubuhay ni niel dahil pareho kaming ulila kaya sa amin lang ang perang nakukuha namin sa trabaho. At kahit anong pilit namin tinatanggihan nya parin ang alok namin, buti nga pag sobra nya talagang kailangan ng pera dun na sya lumalapit sa amin.

"Sabi ko naman sa inyo ok lang ako, pag nangangailangan naman kami sa inyo ako lumalapit diba." napasimangot na lang ako sa sinabi nya. "Hay! Ba't ba ang kulit mo, magkaibigan naman tayo ah. Sana naman hayaan mo kaming tumulong sayo. Pano na lang pag magkaroon ka ng malalang sakit kakatrabaho mo, sino na lang mag-aalaga sa anak mo, ayaw mo naman yata na mawalan ng ina yung bata." napayuko na lang siya. "Ok fine, sige na nga lang hayaan ka na namin basta pag sobrang problemado ka na punta ka lang samin ah, lagi naman kaming handang tumulong sayo." Segundo naman ni niel na ikinangiti naman ni chris.

Napabuntong hininga naman si niel. "Ang kj nyo naman talaga." sabi nya na ikinatawa namin.

"Hey doll, would you like to dance with me." napalingon naman ako sa likod.

Isa pala itong lalaki na mukhang lasing, may itsura naman ito pero parang manyak. Nakadantay naman ang kamay nya sa balikat ko habang nakangiting aso.

Kaya ayaw ko lumabas labas dahil lagi na lang to nangyayari sa akin. Sabi raw nila mukha daw akong babae kaya minsan napapagkamalan nila ako. Kung di lang ako nakasuit noon ng mag-aaply sana ako sa company baka tinawag na nila akong miss.

Inalis ko naman ang kamay niya sa balikat ko. "Sorry not interested, i'm not a woman dimwit look for a real one to flirt with, idiot." mukha namang hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.

"Ang yabang mo ah buti nga nilalapitan pa kita kahit bakla ka. You should be lucky." mayabang nyang sabi.

Napaharap naman ako sa kanya at tumawa. "Tapos ka na ba? Kung ganuun pwede ka nang umalis. Sinisira mo araw ko" walang pakialam kong sabi na ikinailing naman ng mga kaibigan ko.

"If i we're you bro hindi ko kakalabanin itong kaibigan kong to. Mukha syang anghel pero nagiging halimaw yan pag nagagalit." sabi ni niel. Sinamaan ko naman sya ng tingin pero tinaas lang nya ang kamay nya at tumawa. Gago.

Mas lalo ata uminit ang ulo ng lalaki nang sinagi nya ang bote ng alak sa mesa namin. Naramdaman ko naman ang piraso ng bote na mukhang tumama sa mukha ko.

Tiningnan ko lang sya ng malamig at tumingin naman kay chris. "I ain't paying for that chris, isama mo yan sa bill ng bobong to."

"Ang ayoko sa lahat ay yung ginagago ako. Pagbabayaran mo to bakla."

Susuntukin na nya sana ako nang inilag ko ang ulo ko pakaliwa at hinawakan ang kamao nya. Di ako nagaksaya ng panahon at pumunta sa kanyang likod habang hawak pa rin ang kamay nya ay tinuhod ko ang likod nya. Tinumba ko sya habang nilagay sa likod ang braso at ipinilipit ito.

"Argh!! You shit let me go!." Mas hinigpitan ko naman ang braso nya na ikinaaray nito. Di pa ako nakuntento at sinuntok ko ang mukha nya

"Ok ok. That's enough Vince, i'll take care of him." Tumingin naman ako sa likod at nakita si Derek, na isang bouncer dito sa bar. Siya lagi ang tagaawat ng away dito na halos ako ang dahilan.

It's not my fault these stupid men are approaching and annoying me.

Tumayo ako habang nilapitan naman nang dalawang bouncer na kasama nya ang lalaki na nahimatay ata dahil sa ginawa ko.

"You know i'm not some damsel in distress derek. I can take care of myself. And as for that asshole he started all this shit."

Tumawa naman si derek at napailing.

"You need to control your anger once in a while you know. Sana lumayo ka na lang sa gulo baka may mas malala pang mangyari sayo." panermon nyang sabi.

I smirked at what he said. "Not my fault. Danger seems to love me." napailing na lang siya sa tigas ng ulo ko.

"Ok i will leave you guys now at chris paki lagyan naman ng band-aid ang sugat ni vince." sabi nya habang papalayo kasama ang mga katrabaho nya.

Tumingin naman si chris sa akin at ipinangikutan ako ng mata. "Yan kasi magingat ka naman vince, may sugat ka tuloy." Kinuha naman nya ang band-aid na nasa bulsa niya at inilagay ito sa pisngi ko.

Tumawa bigla ng malakas si niel. "Hahaha!! Nakita nyo ba yun k.o. agad si kuya sa isang suntok mo, iba ka talaga vince." pailing na sabi nya.

Mga ilang minuto tinuloy lang namin ang pagkekwentuhan ng mga bagay bagay, at inenjoy ang gabing yun.



3rd Person's POV

Sa kabilang banda naman nagkakasiyahan ang tatlong lalaki sa isang VIP table na nasaksihan ang mga pangyayari sa labas. Mga mayayaman at may itsura ang tatlo na may kasamang tatlo ring babae.

"Shit nakita nyo ba yun. Ang astig nya. Kala mo mahina pero may ibubuga pala. Remind me never to piss that guy off." manghang sabi ng isang lalaki habang nakalingis ang braso nito sa isang babae na mukhang kinulang ng tela ang suot.

"That guy's intriguing, buti pala bumisita ako sa bar ngayon." natatawang sabi naman ng lalaki, ang babae naman sa tabi nito ay sinimulan nyang halikan na para bang walang tao sa loob.

Sa kabilang banda naman ay may isang taong sersyosong nakatitig ng mariin sa lalaki na tinutuunan nila ng pansin kanina pa. Sa simula pa lang ayaw na niya sumama sa dalawa kung di lang sya binlackmail ng mga ito nasa office pa sana sya at nagtatrabaho.

Well at least he got something out of it.

Valentin Series Book 1: Lonely Hearts [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon