Pinangarap ko iyong pink and black themed wedding. Gusto kong pink ang wedding dress ko at pitch black naman ang groom suit ni Maxwell. Magkahalong pink and black naman mula sa matron of honor, bridesmaids, best man, groomsmen, ushers and usherettes, ring bearer, flower girl at sa parehong parents namin. Lahat ng flowers ay pink din at may black na ribbon, syempre, dapat pink and black din ang bridal car, invitations and souvenirs—lahat! Maging sa reception, pinangarap kong pink and black lahat. Mula sa chandeliers, interior designs, stage, couch na uupuan namin, mic, hanggang sa ihahaing inumin at pagkain. Kailangan nilang gawan ng paraan para maging pink and black ang lahat, na maging ang wedding coordinators ay kailangang nakasuot din ng pink.

Pero sa dami ng pinangarap kong iyon, si Maxwell lang ang nagkatotoo. Hindi ko nakuha ang magarbo at pink and black themed wedding na plinano ko. Hindi ko nakasama sa kasal ang lahat ng taong gusto kong naroon. Walang wedding pictures, walang bridal car, walang wedding vows, o kung meron man ay hindi ko naman naintindihan. Napakaraming hindi nasunod sa mga pinangarap at plinano ko. Instead, lahat nang nangyari ay hindi ko naisip na posibleng mangyari.

Pero sa kabila ng lahat ng magkakahalong saya, lungkot, sakit, galit at pagmamahal...kontento ako. Ikinasal ako nang hindi ko naintindihan ang pinagsasasabi ng nagkasal pero masaya ako. Sa dami ng imposibleng nangyari at pinagdaanan ng relasyon namin ni Maxwell, wala akong pinagsisisihan. Kontento at masaya ako na nangyari ang araw na 'to kasama ang pinakamamahal kong lalaki at pamilya, kahit iba't ibang kulay pa ang aking nakikita at mga suot nila.

"Maxwell Laurent..."

Ay kigwa! Literal akong napatalon sa gulat nang may magsalita bigla sa tabi ko, hindi ko inaasahan. Gano'n na lang kalalim ang boses niyon kaya mas nagulat pa ako nang makitang matandang babae iyon.

Nakataas ang kilay, sinuyod ko ng tingin ito mula sa ulo hanggang sa suot. Napailag ako nang nakangiwi dahil iyong suot niya sa ulo ay may itim na net na humaharang sa kaniyang mukha.

That is so not fetch...

Wala akong masabi sa fashion style ng bansang ito. Nababagay rito si Keziah. Of course, hindi ako pwedeng magsalita nang masama, baka kung ano ang gawin sa 'kin dito. Kung hindi lang bumagay sa amin ni Maxwell ang hanbok, ewan ko kung makontento pa rin ako.

Gano'n na lang ang pag-iwas ko ng tingin nang makita ang mga tauhan ni madam na masama na ang tingin sa akin. I'm sure isa ito ro'n sa mga nakaupo sa balkonahe kanina, hindi ko lang alam kung sino siya. Iintindihin ko pa ba naman siya, eh, ako ang ikakasal?

Lalo pa akong nagulat nang hindi lang si Maxwell, kundi ang lahat ng tao na naro'n sa harap namin ay magkakasabay na tumango sa matandang babaeng ito sa tabi ko.

Namilog ang labi ko at nakataas nang bahagya ang kilay nang muli ko itong sulyapan. Nakita ko ang gilid ng kaniyang mga mata na nakatingin sa akin. Kaya bahagya na rin akong nakitango saka ibinalik ang mapanlait na mga mata sa matanda.

"Siya ang aming reyna," bulong ni Maxwell dahilan para mapatango muli akong bigla.

Pero dahil hindi ako sanay sa kanilang kultura, nauna akong umayos ng tayo kaysa karamihan. Na naging dahilan para tuluyan na akong lingunin ng reyna.

Deretsong tingin na parang dumiriin sa akin, napalunok ako at muli pang tumango. Gusto kong humingi ng paumanhin pero hindi ko alam kung paano iyong sasabihin. Sa halip ay si Maxwell ang nagsabi no'n para sa 'kin, pamilyar ako sa salita nilang iyon sa t'wing magso-sorry. Hindi ko lang talaga masambit.

Ma-attitude si lola... Palihim ko uling sinuyod ng tingin ang reyna.

"'Wag mo siyang tingnan, Yaz, please,"mariing bulong ni Maxwell.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now