Ngunit, dumaan ang mahabang katahimikan at wala siyang narinig na kahit ano mula rito. Napatingala siya rito at malamig na nakatitig lang ito sa kanya.

"I came here para ibalik ang mga gamit mo na nasa bahay. I guess, wala naman palang rason para ituloy natin ang kasal bukas," sabay talikod nito.

"Gideon..." umiiyak na habol niya rito. Tinakbo niya ang pagitan nila at saka hinila ang kamay nito. "Please, forgive me... Alam kong nagagalit ka sa'kin ngayon... Pero, sana pagbigyan mo pa ang love ko para sa'yo. Inamin ko na ang totoo, because I love you so much that I can't fool you anymore. Sinabi ko ang totoo dahil ayokong pakasalan mo 'ko for the reason na akala mo buntis ako... I realized that I want to have you and your heart because you gave it and not because you're just obliged to do so," madamdaming saad niya habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha niya.

Ayaw niyang mawala ito sa kanya ng tuluyan. Kung kailangang dumaan siya sa napakatagal na proseso para suyuin ito, gagawin niya, basta huwag lang mawala si Gideon sa kanya.

Wala pa ring emosyon ang mga mata nito nang humarap sa kanya. Ngunit, may sakit siyang nakita roon pero agad ding nawala. "Gusto 'kong magalit sa'yo. Gusto 'kong magalit dahil sa naloko mo 'ko... naloko mo kami. Gusto 'kong kainisan ang sarili ko dahil naniwala agad ako sa'yo. Gusto 'kong saktan ka rin," mahina ngunit mariing sabi nito. And the coldness in his words pierced her heart more.

"Then, go ahead! Magalit ka sa'kin, Gideon. Saktan mo rin ako. I'll accept that all. Basta sa bandang huli, mapatawad mo rin ako..." nagmamakaawa na sabi niya.

Umiling ito at tuluyan na siyang hinarap. "Gagawin ko iyon kung pride lang ang nasaktan sa'kin..."

"Gideon..."

Nagsimulang lumamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Akala ko, mali ang pagkakakilala ko sa'yo. Because for the whole week, I saw how incredible you are, Haley. Hindi ko naisip na kakayanin mong magpanggap na buntis para lang mapunta ako sa'yo. Hindi ko akalain na kaya mong paikutin ang lahat para lang masunod ang gusto mo. Ngayon, naisip ko, lahat ba ng pinakita mo sa'kin nitong mga araw, totoo lahat? O kasama lang iyon para mas maikot mo pa'ko?"

Umiling-iling siya. "The only thing that I lied about is my pregnancy. Iyong iba, totoo iyon, Gideon."

"Sabi mo noon, hindi mo 'ko sasaktan," nag-aakusa ang tinig nito. "You said you'll never break my heart like Olivia did."

"That's true, Gideon. That's true. Kaya nga inamin ko na agad ang totoo bago pa mas lumala at tumagal ang sitwasyon. Umurong ako sa plano ko dahil 'di ko kayang gawin sa'yo ang mga ginagawa ko noon." Yumakap siya rito. "Gideon, please... please, give me another chance," she begged hard.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at saka siya nilayo rito. "How can I give you my heart, kung nasa akin pa lang iyon ay nasaktan mo na?"

She was about to touch him when he pushed her away.

"Damn it, Haley!" he bursted out that made her cry more. "Damn it! I started dreaming about a happy family. I was preparing myself to be a husband and a father. Nasanay agad ang sistema ko na makasama ka na araw-araw. I was beginning to get addicted to your sweetness and love. I was excited being married to you! I'm almost there, Haley... Damn it all to hell! I'm almost there! Nagsisimula na 'kong mahulog sa'yo pero ganito na kasakit? Paano pa kaya kapag mahal na mahal na kita?"

Natakpan na ni Haley ang mukha at napaghagulgol na siyang muli dahil sa paninikip ng dibdib. Bawat salitang binitawan ni Gideon ay isang malakas na suntok sa puso niya. He's almost in love with her but she ruined it before it fully bloomed!

Pagtanggal niya ng kamay sa mukha ay wala na si Gideon. Ngunit nakita niya ang inang palapit sa kanya.

"M-Mama... I'm so sorry. I'm so sorry I lied..." iyak niya habang nakayakap rito.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRWhere stories live. Discover now