09: Move in

8 0 0
                                    








Hindi biro 'yung kumakalat na issue tungkol kay Jiyeon at Mr. Cheong. Iniisip talaga ng mga tao na may relasyon silang dalawa at hindi lang bastang magka trabaho. Ganun pa man ay mabuti na lang maagang in-action-an ni PD nim 'yung tungkol sa kumakalat na balitang 'yon.








Maaga siyang nag bitaw ng statement na nag sasabing walang katotohanan ang mga binabalita sa kanila. Kaya dito ako nag audition, e! Alam 'kong hindi pabaya PD nim namin at may pakialam siya sa amin.








Pero kung titingnan mo 'yung comments and reactions ng mga tao sa balita, hindi maganda. Maraming inayawan siya in just a snap. May iba rin tinatawag siyang malandi, ni hindi pa nga confirmed kung totoo ba, e.








Tapos no'ng mag bitaw na si PD nim ng statement, they still hated her.








“Look! Ang ganda ng make up 'ko!”







Lumabas si Minji ng kwarto papunta sa amin sa salas para i-flex ang make up niya. First time niya yatang makapag make up sa sarili. Halata, e.








“Harley Quinn inspired make up 'to!” aniya.







“Yeah, harley quinn na galing lazada.” sabi 'ko na sinamaan niya lang ng tingin.








Kung makatingin ng masama kala mo naman alam niya 'yung lazada. Wala naman no'n sila dito!








“Siguraduhin mo lang maganda ibig sabihin niyan, a.”








“It means parang professional make up artist ang gumawa!” pag sisinungaling 'ko.








She flipped her hair tapos umikot ng 360° sa amin. Feel na feel niya beauty niya. Hay nako! Dapat talaga ako na lang 'yung Center, e. Bagay rin naman sa akin 'yon. Joke. Kuntento na ako dito.








I'm eating kimchi jjigae as my lunch, nakikihati pa nga sa akin si Saera, e. Buti na lang at maganda araw 'ko ngayon kaya hinayaan 'ko siya. Bukas na ang concert namin!








Kinalabit ako ng katabi 'ko at pinabasa ang nasa iPad niya. Those are the comments about Jiyeon's issue.








She just started her career and she's flirting already??


That's not her waist neither her hips. Geez.



Lol, one more issue about this imma say she's a slut.








Inalis 'ko na tingin 'ko do'n at binaba ang iPad niya pataob. “Stop reading that.”








She was about to say something but stopped her at sinubuan na lang ng pagkain 'ko. No one should be reading that.. especially Jiyeon. It's not healthy for her. Sana lang talaga at hindi niya na binabasa pa ang mga 'yon.








Nag vibrate phone 'ko na nasa likod ng shorts 'ko at tiningnan kung ano 'yon. Si Mr. Park lang pala nag text. Sabagay, wala namang ibang may alam ng phone number kundi siya.








Alangan naman mag hingian pa kaming siyam ng number e halos hindi na nga kami mapag layo, e. Tsaka may GC na kami. Pag tagal tagal pa at pag mas sumikat pa kami, siguradong mapapadalas na 'yung mga araw na magkakahiwalay kami at may sari sariling schedule ng hindi mag kakasama.








To The Stars And Back (Completed)Where stories live. Discover now