08: First Bad News

16 0 0
                                    









May two days kaming pahinga bago ang mismong mini concert namin. Nag sisimula na rin na mag bentahan ng tickets. Maximum of 5,000 seats ang available sa pag con-concert-an namin. The rest, kung matibay sila at mahal nila kami, pag titiisan nilang tumayo. Pero for sure naman ay pagkarating namin ng stage, hindi sila uupo, e.








They gotta vibe with us!







Nag puntahan kaming lahat sa kwarto nila Rain para makigulo at duon matutulog. Tho, Dalawa lang naman ang kama nila pero makulit kami kaya pagkakasyahin namin lahat na makatulog dito.








Nag ku-kwento si Seji sa amin ng creepy experiences niya sa bahay nila dati no'ng bata pa siya. She said that their house was haunted dahil maraming beses siyang nakaka encounter ng kakaibang feeling sa bahay nila. And don't forget that she has third eye.








“Pag maaalimpungatan ako ng madaling araw, matatakot ka talaga, e. Kasi syempre madilim tapos kandila lang gamit namin para may konting liwanag. Tapos pag titingin ka sa pader, may makikita ka talagang parang katawan ng tao na nakatayo, e.”








“Kaya kung minsan tinitiis 'ko na lang ihi 'ko sa madaling araw kasi mahirap na no, baka saktan niya ako pag na corner niya ako sa CR.”








“Eight years gano'n kayo?!” hindi makapaniwala si Minji. “OMG. Kung ako 'yon, hindi bale ng sa kalsada kami matulog, huwag lang bahayan ng mga multo!”








“As if namang kaya mo, sa arte mong 'yan?” hindi 'ko napigilang matawa sa pambabara ni Hana sa kaniya.








“Hoy! Mas hindi 'ko naman kakayanin na may ibang nakatira sa bahay 'ko tapos hindi 'ko naman nakikita!”








“Kaya mo 'yon kung wala ka namang third eye!”








“Ay ako, ako!” pag kuha 'ko sa atensyon nila para makapag kwento. “Wala akong naranasan pero marami nag sasabi sa amin na, pag may kumatok sa bubong niyo at buntis ka, ibig sabihin may aswang.”








“Aswang?” sabay sabay pa sila.







“Yes. Not a ghost but a various shape shifting evil spirits.. aswang for short.”








“Ano meron kung kumatok sa bubong?” tatakang tanong ni Sharon.








“There's a baby remover on your roof.” i said na mas lalo silang naguluhan.








Kahit naman kasi tagalugin 'ko 'yung term, hindi nila magegets, e!








“In tagalog, manananggal. Nangunguha sila ng baby by sticking out their tongues hanggang sa makarating sa tiyan mo and stuff.”








“What?! Ew!”






“Ano ba 'yan! Kadiri naman!”







“Yuck! Did they even brushed their tongues first?!”








Iba't ibang reaksyon ang nakuha 'ko sa kanila pagka sabi 'ko no'n. Tawang tawa nga ako sa mga itsura nila, para silang mga nakakain ng luya, hahaha!








“Kakaiba naman mag abort mga tao sa inyo.”








“Huh?! Anong abort?!” naguluhan ako kay Gem.








To The Stars And Back (Completed)Where stories live. Discover now