07: Rehearsal

9 0 0
                                    








“Hala, weh?!” si Gem unang nakapag react sa balita ni Mr. Yoonㅡ Rain's Manager.








Nasa dressing room kaming lahat nag pe-prepare para sa guesting namin mamaya sa knowing brothers. It's been seven months already since our debut at masasabi 'kong sa seven months na 'yon ay sobrang dami na naming nanakaw na mga puso para mahalin nila kami ng sobra sobra.








Nakaisip na rin kami ng magandang fandom name para sa mga fans namin which is Glimmers. Maraming glimmers ang nag mamakaawa na bigyan na kami ng tour, ganoon kami ka bilis sumikat agad! Nakarating naman yata sa PD nim namin kaya ngayon ay may pa-concert kami.








Mini concert nga lang at hindi pa tour dahil ang sabi sa amin hindi pa umaabot ng 100 thousand+ ang fans namin kaya hindi pa pwede. Pero okay lang! Concert is still concert!








Mr. Yoon explained to us the details. Alam rin 'yon ng iba naming mga manager pero siya ang napiling i-discuss sa amin 'yon sa loob ng dressing room.








“Prepare yourselves, matinding rehearsals ang kailangan niyong gawin diyan. Follow all your diet schedules and please.. never be late during the rehearsals.”








Nakasalikop ang mga kamay 'ko habang nakikinig sa kaniya. Marami pa siyang in-explain sa amin pero may kumatok na sa pinto at pinag hahanda na kami para sa pag pasok namin sa classroom kuno ng knowing brothers.








Lumabas na si Mr. Yoon habang kami ay inaayos ang konting yukot sa skirts namin. Napansin 'ko na naman kung gaano ka-igsi ang skirt ng kay Jiyeon. I looked at her, she feels so awkward with her skirt and i can tell.








I walked up to her. “Wala na bang ihahaba 'yang skirt mo?”








“Wala na, e.” aniya.







I tried to call my stylist to fix her skirt pero minamadali na talaga kami no'ng lalaking may suot na headset na may mic malapit sa bibig. “Wala kang bag pang takip?”








“Jiyeon, faster.” tawag ni Mr. Cheong.








Nauna nang lumabas si Jiyeon sa akin sa dressing room. Nasa gilid ng pinto si Mr. Cheong kaya nuong pag labas 'ko ay tumayo rin ako sa gilid para kausapin siya. Kung hindi maaasahan ang stylist ni Jiyeon na ayos ayusin ang mga damit na pinapasuot sa kaniya, kay Mr. Cheong na lang ako makikiusap.








Silip na silip na cycling ni Jiyeon! Skirt pa ba 'yon?








“Mr. Cheong, pwede mo ba pag sabihan stylist ni Jiyeon?” diretsa 'kong tanong.








Bahagyang kumunot ang noo niya, “Bakit? May problema ba sa suot niya?”








“Kung may anak kang babae, tapos ganiyan 'yung pinapasuot sa kaniya, 'yung tipong halos wala ng matatakpan, hindi ka ba maiilang?”








“But she's wearing cycling.”







“Mr. Cheong naman. Hindi porket may suot naman na cycling sa loob ay okay ng makita 'yon.”








“Chaein, alam mong wala akong say sa mga pinapasuot ng stylists niya. — ”








“But you're still her manager! Your job is to also take care of her and make her feel comfortable. Sa nakikita mo naman, — ”








To The Stars And Back (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz