Chapter 41

593 27 2
                                    

Chapter 41

Lux

"Honey okay ka lang ba?. May masakit ba sayo?. Sabihin mo lang! magpapadala ako ngayon ng men and black!. Gagantihan natin sila!." napatawa na lamang ako sa inasal ni Darius. Nakakatuwa siyang tignan at mukhang alalang alala siya sa akin.

Nalaman niya kasing may sinugod ako kanina.

"Ano ka ba naman honey!. Okay lang ako! chicken na chicken lang sakin yung mga yun!." I smiled at him kaya naging kalmado na ulit ang kanyang mukha.

Nakakainis nga iniwanan na ako ng mga kaibigan ko nang makita nila si Darius. Kailangan daw namin ng quality time dalawa. Kaya kaming dalawa na lamang ni Darius ang nasa cafeteria ngayon. At dun kami sa pinakadulo umupo.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka sinaktan ng mokong na yun ah!. Eh kasi kung ako na lang sana ang minahal mo hindi ka pa nasasaktan ngayon!. Pak na pak ka pa! gwapo na nga loyal pa!." singhal niya.

Agad akong napalingon sa kanya. Alam niyang may mahal akong iba?. Pero kailan pa?. Paano nangyari yun?.

"A-alam mong may mahal akong iba Darius?."

Biglang sumeryoso ang mukha niya. Kitang kita ko sa mga mata niya na ang dami niyang gustong sabihin. Nabisto na niya ako. Siguro matagal na niyang alam na matagal ko na siyang niloloko.

"Honey, I just want you to be honest with me okay?, P-please answer me as honest as you can." sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Kakaibang kabog nang dibdib ang naramdaman ko. Nanlamig ang mga kamay ko at nanlambot ang mga tuhod ko. Parang naputol ang dila ko sa tanong niya. Hindi ko mabuka ng maayos ang bibig ko. Ni isang boses walang lumalabas sa bunganga ko.

Nanatili akong tahimik. Kailangan ko na bang sabihin sa kanya ang totoo. Pero hindi pa ako handa. Ngunit kailan ako magiging handa sa pagsabi sa kanya.

"Anu ka ba naman honey!. Tense na tense yang mukha mo!. Joke lang ito naman!. Wag mong intindihin yung sinabi ko kanina. Ang epic ng mukha mo kanina promise."

I found myself blushing. Hindi ako nagblush dahil sa kilig. Nagblush ako dahil sa galit. Walang hiya itong humal na ito!.

"Ikaw talaga Darius! wala ka nang magawang matino."

"Anyways honey, malapit na pala ang concert niyo. Nakita niyo na ba yung mga posters na nakadikit dun sa college hall natin?. Aba! ang dami mong supporters!."

"Err di nga? kailan naman irerelease yung mga ticket?."

"I think this Saturday, ay bukas na pala yun. Malapit na pala ang concert niyo no?. Alam mo ba yung 30%  ng kikitain ng concert niyo ay idodonate para sa mga Yolanda survivors sa Tacloban. Sasama nga ako dun sa September."

"Mabuti naman yun kaysa sa ibang magastos lang sa wala. Magkano ba ang VIP ticket ng concert namin?."

"2500 yung VIP, 2300 yung Patron. Yung Lower Box naman 2000 at yung Upper Box naman ay 1700. Tapos Gen Ad 1000. Grabe talaga magpresyo ang mga official dito."

Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng aking strawberry shortcake.

"Alam mo honey, mayaman naman lahat ang mga nagaaral dito. Wag ka nang magtaka feeling ko masosold out yung mga tickets. Malaki rin ang college hall natin eh. Kayang mag accomodate ng 2500-3000 individuals."

Dun kasi minsan ginaganap sa aming college hall yung mga plays, awardings, mga seminars at kung ano ano pa. Dun din minsan nagoorientation kapag hindi na maaccomodate ng AVR yung dami ng tao.
 
Tumawa lang siya ng bahagya at nagpatuloy din siyang kumain ng kanyang blueberry cheesecake.

Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon