Chapter 19

892 35 2
                                    

Chapter 19

Lux

Isang linggo na akong hindi pinapansin ni Darius. Aba sya pa ang nagtampo saakin. Kasi daw hindi ko sya pinayagang tawagin akong honey. Nakakainsulto naman kasi bakit nya ako tatawagin na 'honey' nakakaurat naman parang ang laki naman ng pwet ko nun kung tatawagin nya akong ganun. As in parang hangin lang ako sa kanya dinadaanan nya lang ako. Nakakainis lang. Hindi kasi ako sanay ng ganun eh. 

At gusto nyung malaman kung anung nangyari samin ni Winter?. Ok lets throwback.

*throwback*

Nasa locker room ako para ilagay yung ibang gamit ko para iwanan dun. Napansin ko din si Winter. Na nandoon sa kabilang side. Hindi ko alam kung tatawagin ko ba sya. Para tanungin kung totoo ba yung sinabi nya sa akin na 'may gusto sya sa akin'. Hindi ko alam kung anung unang sasabihin ko sa kanya. Parang umurong na ang dila ko eh.

Nilapitan ko sya "h-hi Winter a-anu n-nga p-pala yung nangyari nung i-isang a-araw a-ahmm s-sorry talaga at y-yung sinabi mo pala nun ---"

Di sya tumingin sa akin tuloy tuloy pa rin sya sa pag ayos ng gamit nya "ah yun ba? ahaha kalimutan mo na yun Lux ang totoo nyan binibiro lang kita nun at wag mo masyadong seryosohin kasi hindi naman totoo yun ah oo nga pala mauna na ako may gagawin pa kasi eh" sabi nya ng diretsuhan. Para akong nabato. Ang tanga ko talaga. Bakit nga ba ako mag aassume na magugustuhan nya ako?. Hindi naman pala totoo yung sinbabi nya saakin. Lux BINIBIRO NYA LANG DAW AKO. At si ako naman masyadong ASSUMING na magugustuhan nya ako.

Hayys. I sigh. Exepecting doesn't hurt too much but assuming does. Sana naiwala ako sa quote na yan.

He fled while my mouth is widely opened. Ni hindi ko na matikom ang bibig ko sa mga narinig ko sa kanya. Siguro oras na ito para iwasan ko sya. Sa totoo lang kasi di naman kami close dati as in ngayon lang.

*end of throwback* 

Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko bumaba muna ako para pakainin si Margaux ko. Wala kasi tao sa baba eh. Iniwan nila ako dito. Oo nga pala walang pasok ngayon. Nasaan kaya ang mga tao dito sa bahay?. Parang bulang nagsipaglaho eh. Pero may inaalala pa rin ako. Hindi pa rin alam ni Tita yung trabaho na pinapasukan ko. Oo alam nya para akong maid na personal P.A. nung alaga nya noon pero hindi eh. Mas mahirap pa sa ganun yung ginagawa ko. Tuturuan mainlove ang isang playboy na tao. Haysss.

Hinimas himas ko na lang si Margaux. 

"Hay naku Margaux ang dami dami kong problema hayysss" napabuntong hininga na lamang ako. 

"Meow meow meow meow" nanlaki naman yung sa sinabi nitong pusa ko. Akalain nyu yun naiintindihan nya pala ako?. Sana nga naging hayop na lang ako na walang kamuwang muwang sa mundo. Para wala na akong inaalala pa.

"Halika na Margaux labas tayo sayang beauty mo at para naman may magkagusto sayo kailangan mo ng exposure para magustuhan ka ng pusa ng kapitbahay natin at malahian ka" lumabas na kaming dalawa nung napansin kong nandyan na pala sina Tita pati yung kambal.

"Kuya kuya bili ulit tayo ah!" narinig kong sabi ni Yin.

"Salamat sa paghatid ah" sabi naman ni Tita.

Sino bang kinakausap nitong mga ito?. 

"Basta kayo po Tita sorry ngayon ko lang kayo nabisita dito hehe" parang familiar yung boses na yun saakin. Di ko maiwasang mapatingin sa kanila. 

At sa inaasahan nga ng utak ko. Si Darius kailangan pa bang i memorize yan?. 

"Oh nandyan ka pala Anna! halika dito ipapakilala ko sayo itong alaga ko noon yung tinutukoy kong mabait na bata!" oh my wala na akong kawala. Habang papalapit ako sa kanila nakitang ko lang na nakangisi si Darius. 

"Hi Ira dito ka pala nakatira?" sabi ni Darius na akala mo may binabalak na masama. 

"Magkakilala pala kayong dalawa huh Anna" 

"Ah opo hehe blockmate ko po sya tita"

"Nasaan yung kuya mo? aalis tayo sabi kasi nitong si Darius sa Jollibee dyan sa Highway na tayo mag almusal"

Pumasok naman na silang apat dun sa bahay. Habang ako hindi makapaniwala sa nakikita ko. Mamaya kung anung sabihin ni Darius doon kay tita at kay kuya. Naku patay.

[Jollibee]

Habang kumakain kaming anim dun bigla namang nagsalita itong si kuya Ronan.

"Anu Darius marami bang umaaligid na lalaki dito kay bunso?" ako yung tinutukoy ni Kuya.

Tinignan ko lang ng masama si Darius at binigyan sya ng 'deadly glare' at 'evil stare' tapos sinipa sipa ko pa yung paa nya para si sya magsabi ng totoo.

"Ehem baka sya ang umaaligid sa lalaki ehem" lalong nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nya.

"Ah excuse me restroom lang ako ah" dali dali akong pumunta sa restroom. Di ko alam kung gusto ko pang lumabas dito. AT nung lumabas ako nakita kong anghihinaty si Darius dun.

"Madali lang naman akong kausap honey" he said then he winked at me.

"Utut mo! di ako makikipagbati sayo! che maiwan ka na nga dyan!"

Bumalik na ako sa table namin at sumunod naman si Darius saakin.

"Anu ulit yung sinabi mo Darius itong si Anna ay inaaligidang lalaki?" bigla na lang akong napatingin kay tita dun sa sinabi nya. Naku patay.

Ipakan ko ulit yung paa ni Darius. Pero parang wala lang sa kanya. At sa tingin ko enjoy na enjoy sya ngayon sa pinaggaggagawa nya sa akin. Humanda ka talagang humal ka.

Tinext ko na kaagad ang gwapong kurimaw na ito.

To: Darius 'honey ko' ( sya po ang nagpangalan nyan sa CP ko ang kapal talaga! )

- Oo na bati na tayo pede mo na akong tawaging HONEY tumigil ka lang dyan sa pantitrip mo sakin!.

Napatingin ako sa kanya at sa tingin ko nareceive na nya ang text. Aba ang humal nitong lalaking ito!. Nakangisi pa sya anu ba yan. Wala bang matinong ngiti ang lalaking ito?.

"Ah hindi po tita niloloko ko lang po iyang si Ira kasi ang sarap sarap nya po kasing asarin eh haha"

Loko talaga ito!. Wahhhh. Buti naman nakaligtas na ako sa kanya. Wohhhh!. Napabuntong hininga na lamang ako.

From : Darius 'honey ko' 

- Ok honey LOVE YOU *smirk*.

Nung nabasa ko ito bigla akong namula. 

NAMULA NG DAHIL SA GALIT. Napakablockmailer makasuhan nga ito. Makapagtanong nga kay bakla kung anung magandang isampang kaso sa humal na ito. Grabe talaga itong si DC walang patawad.

Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon